"what is it?" tanong nito
Tinuro ako ni Joe "Si Danica, sinisiraan tayo kay Violet. Naririnig ko sinasabi nya na ' minors' minors' daw."
"Eh totoo naming mahihilig kayo sa bata diba?" mataray na sabi ko. Sabay na nag iwas ng tingin yong dalawa. Oh diba? Mga guilty!
Bumaling ako don sa dalawang babae na napatigil sa pag hagikgik. Nang mag tama ang aming mga mata ay sabay din sila namutla at nag iwas ng tingin. "Anong year nyo na?"
Napakagat ng labi yong babaeng may kulot ang buhok. Natakot sa tingin ko dahil sakanya ang tanong ko. "Ahm.."
Naningkit ang mata ko. Nang gigil talaga ako kapag nakakakita ako ng batang nakadikit sa dalawang babaero na to. Hindi ako nang g-gigil sa pagiging malandi nila. Nang g-gigil ako dahil sa pag bubulag bulagan nila na gusto sila nitong dalawang ito. Mukha pang bago ang isang to, nakakaawa na hindi ba nila alam na heartbreaker sina Joe at Danver nitong Xander University? Its so sad na ang first experience nila sa unibersidad na ito ay dudungisan ng dalawang ito!
Tumaas ang kilay ko. "What? Hindi ka makasagot? Pero kung makahagikgik ka kanina ang lakas? Ilang taon ka na!"
Ang nagulat na lang sa ginagawa ko ay si Violet na nasa tabi ko na hindi alam kung ano gagawin. "A-ah Danica hayaan na lang natin.." she looks like a puppy right now, anong nangyari sa wild Violet kagabi? Pero hindi ko sya pinansin at binalik ang pokus sa dalawang minors na nasa harap ko. Don't hate me coz I'm helping you two, out from these two playboys!
Bumaling ako don sa isang babae na may headband pang parang pusa. What the hell Danver? Minors really? "Ikaw, ilang taon ka na?"
"A-ano po.. 16" maliit ang boses na sabi nito. Parang may bombang sumabog at parang gusto na ni Danver umalis sa kinauupuan nya. Si Joe naman ay nag iiwas lang ng tingin pero alam kong sayang saya ito sa pang-gi-gisa ko sa kaibigan nya. Lucky him at wala syang dala.
"So it means you're still a junior high?" tanong ko na hindi pinapansin ang pag kakalabit ni Violet sa gilid ko. Dahan dahan itong tumango pati na rin yong kasama nitong kulot ang buhok. Napapikit ako, my goodness! Hindi ba nila alam na niloloko lang sila nitong lalakeng ito?
"Patay ka Danver!" bulong pa ni Joe na rinig na rinig ko naman. Sinamaan ko sya ng tingin na kinatingin nya sa taas at pumito pito. Tumikhim si Danver sabay may minuwestra sa mga BATANG kasama nya. Napalunok ang mga ito sa sama ng aura ko bago nag mamadali umalis.
"Mabuti naman.."I murmured. Nag 'tss' si Danver bago nag stretch ng kamay na para bang kagagaling lang sa isang laban.
"What is that Dani? Porket bang walang klase ay ibubunton mo ang inis mo sakin. Tsk I told you diba na walang klase. Nyeta o wala na mga atabs!" ani Danver. Inirapan ko sya, Mabuti lang sakanya yan at masyado syang babaero, pati bata dinadamay.
Umakbay si Joe sakin na humahalakhak "Hahaha. Bakit ba kasi pumasok ka pa?" lumabas ang maputi nyang ngipin. Hindi ko sya pinansin dahil hindi pa ako tapos sa kaso sa mga junior high na dala ni Danver.
"Bakit junior naman ang nilalandi mo ngayon? Diba sabi ko no to bata?" naasar kong sabi.
Ngumisi ito na sanay na sanay na ako "That's love Dani."
Ngumiwi ako sa sinabi nya. Ano? Love yon? Kaya pala dala-dalawa ang katabi. Tahimik lang si Violet sa tabi ko. Palipat lipat ang tingin samin ni Danver. Tumawa ng malakas si Joe sa binitawang salita ni Danver, sumaludo pa ito sa nakangising babaero.
"What the? Anong klaseng pag mamahal yon Danver? Dalawa ba puso mo?" sanay na ako sa dalawang ito pero hindi ko pa rin talaga maiwasan mag taray pag nakikita ko silang nakikipag laro sa mga babae lalo na kung BATA! Hindi talaga ako fan nyang Age doesn't matter na yan eh. "And worst, mga JUNIOR HIGH pa yong mga yon!"
BINABASA MO ANG
Seducer Series 3: Alexander Montemayor
General FictionSPG| Mature Content| R-18 A simple story of student and teacher relationship with a twist. Forbidden love.
Simula
Magsimula sa umpisa