Namamangha ko siyang tiningnan dahil sa pagtatagalog niya. Umiling ako at binalewala nalang 'yon. Masasanay din siguro ako.
"Si tita at ang... ang daddy mo, how are they as boss-employee?" Tiningnan ko siya at nag-abang ng sagot.
"I think they're doing well. I also met her sometimes in some family gatherings before when I visit here."
Medyo naalarma ako nang marinig na nagbanggit siya ng family gatherings. Pinilit kong wag iphalata na uhaw ako sa impormasyon.
"Family gatherings?" kunyari'y nagtataka kong tanong.
"Uhm. I heard from my aunt that my dad and your tita are college friends. Our family also know her so... maybe that's the reason she was often invited."
Tumango ako at nalunod na sa pag-iisip. Sabi ni tita kilala daw niya ang pamilya ni Lavin. Bakit sa tono ng pananalita niya ay parang mapapahamak ako kung makikipaglapit ako kay Lavin dahil sa pamilya niya. Taliwas naman sa kwentong narinig ko ngayon na wlecome siya sa pamilya ng boss niya.
Ano ba talaga? Naguguluhan ako. I need to know! Siguro tatanungin ko nalang ulit si tita kapag nakakuha ako ng magandang tiyempo.
"Sabi mo isa ako sa mga rason na nag-stay ka dito sa Pinas... dahil curious ka sa'kin. Kung ganoon, may iba ka pang rason." maingat kong pagpapalit ng topic.
"Gusto mong malaman, am I right?" nakangiti niyang tanong.
Ngumisi ako at umiling, "Okay lang kahit 'wag na."
"I stayed because I want to be accustomed with the place where my mom lived," ngumiti siya pero hindi abot sa mata. Nagpatuloy siya, "I also want to see if I can forgive my dad."
Nagulat ako at napatingin sakanya, "Would you mind if I ask... why?"
"I always blame him for my mother's death. I was so young back then but I already understand what was happening. My mom was always drunk. Palagi silang nag-aaway ni dad. She never failed to tell me that she loved me though," his voice broke when he said the last sentence.
I don't know how to ease his pain so I just reached for his hand to hold it. Napangiti ako nang pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Hindi na ulit kami nagsalita at tahimik nalang na pinanood ang mga naglalaro.
Napakapayapa ng pakiramdam ko. Tahimik ang paligid, bughaw ang kalangitan, malamig ang simoy ng hangin, at katabi ko ang taong hindi ko man nakilala ng matagal, sigurado akong mananatili sa puso ko habang buhay.
Hindi ako sigurado sa patutunguhan namin ni Lavin. Ramdam kong mahalaga ako sakanya at ganoon din naman siya saakin. Pero sapat ba 'yon para hindi kami bumitaw sa isa't isa?
Hindi pa man klaro sa'kin, nararamdaman ko ng may mangyayaring susubukin ang nararamdaman namin para sa isa't isa.
Nagsimula ang pangamba kong ito noong gabing nakiusap saakin si tita na wag kong palalimin ang nararamdaman ko para kay Lavin.
I'm sorry tita, but I think I can't give you the only favor you asked me. I'm feeling so much for him already. I'm so drowned that nobody can save me. I'm trapped yet I don't seek for liberty. If this would mean my ruins in the end, then I'm his willing victim.
Napapikit ako sa naisip. Hindi ko man maamin sakanya pero alam ko na sa sarili ko na mahal ko na ang lalaking 'to.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Liningon ko siya at nakatingin na pala siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romance(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...
Chapter 9
Magsimula sa umpisa