"Ms. Tuazon patapos na ang time natin napakatagal mo naman" sabi ni Ma'am Lisa. "Sorry Ma'am" nakayuko kong sabi at inabot sa kaniya ang libro. Nang tingnan niya ito ay parang mas lalo siyang nainis. "I do appreciate Ms. Tuazon but, Pang First year highschool ang kinuha mong book" at lalo akong napayuko at kinamot ang ulo ko sa kahihiyan dahil nag simula na namang nag tawanan ang mga classmate ko. Nang tingnan ko si Wendy at Tintin ay napapailing na lang.
Mabilis na natapos ang mga subject namin sa morning class kaya namab agad kong hinanda ang lunch box ko para iabot kay Six. "Ibibigay mo na naman yan Sia? Tas itatapon niya na naman yan at late ka na naman kakain. Maawa ka naman sa sarili mo" pangaral ni Wendy. "Atleast mga te, nakikita ni Six yung effort ko no?" pag yayabang ko sa kanila at niribbon ang tali ng lunch box ko. Nag simula na nilang kainin ang pag kain nila at ang sasarap ng ulam nila. Nagugutom na din ako. "Tintin pwede pasubo?" request ko sa kaniya, Napabuntong hininga na lang siya at inabot sa akin ng lunch box niya. "Salamat Tintin" masaya kong sabi sa kaniya. Habang sumusubo nakita kong nakatingin si Six sa akin mula sa bintana ng classroom ko kaya naman agad agad kong inabot kay Tintin ang lunch box niya at mabilis na tumakbo palabas ng classroom. "Ano Six oh!" sabi ko sa kaniya at nilahad ang lunch box ko sa harap niya. "Mas maganda siguro kainin mo na yan kesa nanghihingi ka ng pagkain sa mga kaibigan mo" walang emosyon niyang sabi at nilagpasan niya lang ako. "Kawawang Fat" at nag tawanan Ylona.
Natapos ang afternoon classes namin ng maayos at sinimulan na namin ligpitin ang gamit namin para ipunta sa locker. "Aggh! Nakakapagod. Second day pa lang ng pasukan pero gapang na!" sabi ni Wendy habang nag uunat. "Correct ka diyan te" sagot naman ni Tintin. Lumabas na kami ng classroom namin at bumaba papuntang locker. Nang makarating kami don may kumpulan ng mga babae ang nasa harap ng locker namin. "Hi. Andrew. As Captain ng baseball team pressure kaba?" maarteng tanong ng isang babae. Madami pa silang tanong pero tanging ngiti lang ni Andrew ang nakukuha nila ng bumaling sa akin ang mata niya. "Ayan kana pala" sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko at nag simula nang maglakad papunta sa amin. "Close ba kayo te?" bulong na tanong ni Wendy. "Baka makikipag kaibigan te" bulong ko din sa kaniya. "Ballpen mo nga pala, nalaglag nung mag kabangga tayo. Hindi na sana ako mag eeffort ibalik sayo to kaso ang nakasulat -pakibalik Sia Elizabeth Tuazon 4-D wala na ko pambili ballpen-" tuloy tuloy niyang sabi at nag tawanan ang mga babae sa likod niya. "Salamat" at kinuha ito ng mabilis sa kamay niya at binuksan ko ang locker, Pinakiramdaman ko ang paligid ko kung andyan paba sila dahil wala nang nag sasalita. "Lumingon kana te, Wala na si Andrew at mga girls na nakasunod sa kaniya." sabi ni Tintin kaya naman lumingon ako at wala na nga sila. "Assuming ka te, makikipag kaibigan pala ha?!" pang aasar ni Wendy. "Charot lang yon te." sagot ko at nag tawanan kami. Mag sisimula na sana kaming lumabas ng campus ng biglang tumunog ang bawat speaker ng campus. "Proceed to Gymnasium for IMPORTANT ANNOUNCEMENT" paulit ulit na sabi ng babae. Kaya naman agad naming tinahak ang daan papuntang gymnasium, Nang makaupo kami ay marami ng estudyante ang naroon. Nang magtagal ang paghihintay namin ng ilang minuto ng tumayo ang man of my dreams na si Six.
"Good afternoon, Ang student council ay mayroong announcement. Pagtapos ng Exam para sa ating First Grading ay magkakaroon tayo ng CAMP FOR A CAUSE sa mga batang may cancer, ang bawat Year o Baitang ay magkakasama sa iisang Lugar kaya naman makinig sa aking sasabihin. 1ST YEAR HIGHSCHOOL - BATANGAS
2ND YEAR HIGHSCHOOL- CEBU
3RD YEAR HIGHSCHOOL- BATANES
4TH YEAR HIGHSCHOOL- SUBIC
Lahat kayo ay mag kakasama ng 2 days and 1 night, para makasama kailangan makapasa ng bawat estudyante sa darating na first grading exam. Thank you" seryosong sabi ni Six. Sobrang talino at gwapo niya talaga."FOR EXPENSES PLEASE LISTEN, EVERYONE SHOULD PAY 70 THOUSAND PESOS FOR TRAVEL AND HOTEL FEE THANK YOU" Sabi ng magandang si Jessie. Treasurer ng studeng council.
"Thank you student, take care" Sabi naman ng Vice President Student Council na si Job.
Sabay sabay kaming nag lakad palabas ng campus. "Te, may 70k ka?" tanong ni Wendy. "Wala hahahaha" natatawa kong sabi. "Sasagutin na lang kita" prisinta naman ni Tintin. "Manghingi ka sa tita mo" sabi naman ni Wendy. "Naku te. Tuition ko pa nga lang diyan sa Morris High na 250k utang utang na ko kay Auntie eh. Di na ko sasama" sagot ka naman sa kaniya. "Pero pano yan? Diba kasama natin si Six sa camp na yon lahat daw ng 4th year magkakasama eh" sabi naman ni Tintin. Medyo nalungkot nga ako pero di ko pwedeng ipag pilitan ang sarili ko na sumama dahil wala akong pambayad.
Nang makarating kami sa bahay namin ay nag paalam na din si Wendy at Tintin ang totoo niyan mayaman sila as in pero mas gusto nila mag lakad kasama ako. Mabait sila at lagi nila akong tinutulungan imbis nga na bumili sila ng mga lunch nila sa school ay nag babaon pa sila para makasabay lang akong kumain sa room. "Sia palinis naman ng bawat CR thank you" utos agad ni Auntie pag pasok ko pa lang ng bahay. Kaya naman agad agad kong binaba ang bag ko at kinuha ang mga pang linis sa stock room.
Pagtapos kong maglinis ay inihanda ko na ang sarili ko para mag tinda sa store ni Auntie. Ang sakit na ng paa ko dahil hindi pa ako nakakaupo. "Auntie pupunta na po ako ng store" paalam ko sa kaniya at tumungo na ako pag dating ko don ay nilis ko muna ang store. Sunod sunod ang pasok ng mga customer at punch naman ng mga order nila ang ginagawa ko. "Elizabeth right?" nang tingnan ko kung sino yun si Andrew. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Nag tatrabaho ka pala dito." sabi niya at sinagot ko naman siya ng tungo. "65 pesos lahat" sabi ko at inabot niya sa akin ng 1000 pesos. "935 pesos po change nyo" at inilahad sa kaniya to. " Keep the change " nakangiting sabi nito. "Baby lets go?" sabi ng isang babae ng makalapit kay Andrew. "Okey baby" at umalis na sila ng magkaakbay, napairap na lang ako. Babae pa talaga ang nag sundo sa kaniya.
Isa pa lang womanizer si Andrew Copper, sabagay nasa itsura niya ang gusto ng mga babae. Sino kaya mas gwapo sa kanila ni Six? Syempre si Six sobrang tahimik at sungit lang kase non. Kelan mo ba ko mapapansin Six?
———
LIKE
COMMENT
SHARE
BINABASA MO ANG
My Fatty Oily Love
Teen FictionMY FATTY OILY LOVE Nang una kitang makita, Hindi kita gusto! Wala sayo ang hinahanap kong katangian isang maganda, matalino, at higit sa lahat sexy na babae sa lahat ng katangian na nabanggit ko kabaliktaran mo yun. Masyado ka ding buglar at hindi k...
CHAPTER TWO
Magsimula sa umpisa