"Echus mo naman, pangalan nga lang naman eh"
Tinarayan ko siya.
"Sabihin mo kasi, hindi natatahimik yang tsismosa mong pagkatao hanggat hindi mo nalalaman ang pangalan noon"
"Ewan ko sa 'yo, tara labas tayo, chibug tayong fishball" Mabilis siyang tumayo at hinila ako.
Lihim akong nagpasalamat at hindi na niya ako kinulit. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin niya pag nalaman niyang si Boss ang tinutukoy ko. Baka magwala at tatalon mula sa bintana.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Unti-unti ko nang natanggap na ganoon talaga. Not all love ay... basta ano, hindi lahat ng pag-ibig ay nagtatagumpay.
Inimbitahan ako ni Arnel na mag dinner at napagdesisyonan ko na na sagutin na si Arnel. Mukhang papunta naman talaga kami doon kaya bakit ko pa patagalin.
Pulang bistida ang suot ko. Hapit iyon sa akin. Simple lang ang design pero maganda parin. Nagdecide akong mag highheels. Pinili ko yung strappy sandal na 4 inch ang taas. Kaya ko ng dalhin ang ganoon ka taas na heels.
Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at naglagay ng kaunting lipstick.Gagawin kong espesyal ang araw na ito. Sa paglaya ko sa pagmamahal ko kay boss. Ito na iyon. This is the day that the Lord has made. Fighting!
Dinala ako ni Arnel sa isang high-end restaurant. Sabi niya, malimit lang daw ang restaurant na ito nagpapawalk-in kasi palagi daw may reservations, swerte daw kami dahil nakapagreserve kami.
Magana akong kumain, ang sasarap nga naman ng mga foods nila. Halata ding masaya si Arnel.
Ha' mo Arnel. Mas sasaya ka bago matapos ang gabing ito.
Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako para mag refresh, kakahiya naman kung sasagutin ko siya na amoy hipon ang hininga ko.
Mabilis akong naglakad papasok sa CR ng may mahagip ang mga mata ko.
Malawak ang ngiti ng lalake habang nakaabrisete sa kanya ang babae. Ang ganda at ang gwapo nila. Sobrang bagay. May ibinulong ang babae sa lalake at ngumiti naman ang lalake. Perfect couple, iyon sila. Yung tipong Sarah Lahbati ay Richard Guttierez ang peg pero mas bongga pa dun.
Hindi ko mapigilang masaktan. Mabilis na akong naglakad papuntang CR. ang plano ko sanang refresh ay nauwi sa ngawa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.Tuloy-tuloy ang daloy ng luha ko.
Ang sakit, mas masakit pa sa sinabi niyang bibitawan na niya ako. Nakakadurog ng puso. Ewan ko kung ilang minuto na ako sa loob, hindi ko na namalayan. Nakalimutan kong nasa labas lang si Arnel habang hinihintay ako.
Natigil ako sa pagpahid ng luha ko ng may pumasok sa CR. Dritso lang ang babae at tumigil sa gilid ko. Kahit naka high heels pa ako ay hanggang teynga lang niya ako. Slim, napakasexy, lahat ng parte ng katawan ay proportion lang, walang labis, walang kulang.
Tinapunan ako ng tingin at may kinuha sa bag nitong dala. Hermes, iyon ang basa ng brand ng bag niya. Mahal iyon, palagi iyong nafifeature lalo na sa mga mamahaling magazine. Magazine nga lang, hindi na ako maka afford, bag pa kaya.
Napatanga ako ng abutan niya ako ng isang maliit na container.
"Here, use this. It will hide your swollen under eyes. Sayang naman, you really look pretty"
Nagdadalawang isip ako na tanggapin iyon. Nakakahiya naman sa babae. Hindi niya alam, isa siya sa dahilan kung bakit ako umiiyak.
"Come on. Take it" mas inilapit niya pa sa akin ang maliit na container. Nag-aalangan kong inabot iyon sa kanya at tipid na nagpasalamat.
"Keep it, it's yours. I know the feeling, I'm always a broken hearted girl before by the same man I'm with tonigth, but what are the odds?..." tinapunan niya ako ng tingin habang inaayos ang buhok "You'll soon find the love you really deserve, Bye"
at mabilis na itong lumabas ng CR. Naiwan akong nakatitig sa container.
What are the odds nga naman diba? sa lahat naman ng tao sa restaurant na ito bakit siya pa ang nakasabay ko sa CR?
Lumalaki na nga ang eyebags ko dahil sa kakaiyak at nawala na din ang lipstick ko kaya kahit mabigat parin ang puso ko ay pinili kong mag-ayus.
Inilagay ko na ang lipstick ko ng tumawag si Arnel. Nakokonsensya na ako sa taong ito.
Mabilis kong sinagot ang tawag.
"Cris. okay ka lang d'yan. Kanina ka pa sa loob, masama ba ang pakiramdam mo?"
Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon. Nakasabit parin ang kwentas na bigay niya, ni minsan ay hindi ko man lang iyon hinubad, kahit magkasama kami ni Arnel. Hindi naman nakaligtaan lang pero hindi ko kayang mawala iyon. Gusto kong mafeel ito sa leeg ko. Kaya ko ba talagang kalimutan si boss kahit nasa paligid lang si Arnel? O, babalik at babalik lang ako sa umpisa?
Andito si Arnel, siya ang may hayag na motibo sa akin ngunit hindi ko siya mahal gaya ng pagmamahal niya sa akin. Ayokong maging hadlang sa kanya, sa kalayaan niyang mahalin. Hindi katulad ko. Dahil lang na pepressure kaya gusto ng Jomowa, dahil gustong magmove-on kaya gustong Jomowo. Ang selfish naman.
"Cris?"
"Ah, masama kaunti ang pakiramdam ko. U-uwi na lang k-kaya tayo?" mabilis kong sagot.
"Sige Cris, no worries"
"Lalabas na ako, sige bye"
Matapos ang tawag ay mabilis ko ng tinapos ang ginagawa ko at lumabas. Maingat kong pinuntahan ang mesa namin para hindi ako makita man lang ni boss. Ayoko ng dagdagan pa. Tama na.
Mabilis namang tumayo si Arnel at inalalayan ako. Mabuti nalang at may tatlong Arc Way ang restaurant kaya no need na magkakitaan pa kami nila ni Boss.
Matagal kong tinitigan si Arnel habang nagmamaneho. Nakakatawa naman ang turn of events. Kanina, pineprepare ko lang ang sarili ko upang sagutin na siya ngunit ngayon ay pineprepare ko ang sarili ko na bustedin siya. I mean, palayain. Ayaw kong maging hadlang sa magiging kaligayahan niya, alam kong hindi ako 'yun. Hindi ako ang tamang tao para sa kanya.
Nang makarating na kami sa amin ay pinigilan ko si Arnel na bumaba para pagbuksan ako. Hindi naman siya nagtanong. Maalalahanin si Arnel sa mga tao sa paligid niya at alam kong hinihintay niya lang akong magsalita.
"Arnel, una sa lahat, nagpapasalamat ako sa iyo. madami akong dapat ipagpasalamat. Una, nagagandahan ka sa akin kahit binobola mo lang ako, pangalawa, palagi mo akong pinapakain at pangatlo, minahal mo ako. Pero Arnel, nahihiya na ako sa iyo eh..." hindi ko na napigilang maluha. nasasaktan ako para sa kanya dahil iyon din ang nararamdaman ko nung pinakawalan na ako ni boss "Alam kong ginawa mo ang lahat upang maging masaya ako, pinapangiti mo ako. Kahit alam kong nahihirapan ka ay mas nagwoworry ka pa sa akin. Napakamabuti mong tao at nalulungkot ako na ako ang dahilan, upang masaktan ka" ginagap ko ang kamay niya, halata sa mukha niya ang lungkot. Mas nagiguilty ako "Pero, hindi nadidiktahan ang puso. Ayokong magsinungaling sa iyo, kahit pinilit ko, siya pa rin eh, kaya, gusto kong palayain ka na. Hindi ako ang magpapasaya sa iyo. Hindi ako capable na pasayahin ka" Sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya.
Nararamdaman ko ang paggalaw ng kanyang balikat. Alam ko na umiiyak siya. Napakasakit iyon sa akin, kaso kailangan.
"Magpakasaya at...Magmahal. Mahahanap mo rin siya, Paalam Arnel"
Inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. Hindi ko siya tiningnan sa mata at mabilis na lumabas sa sasakyan.
Napalingon ako ng marinig ko ang pag-alis nun. Hindi ko napigilang mapahagulhol. Buti nalang tulog na ang mga tao.
Alam kong ginawa ko lang ang dapat. Magsasaktan si Arnel ngunit makakamoveon din siya. Pero ako? Hindi ako sigurado. Ganyan naman sa mundo, walang kasiguraduhan. Kaya kung ano man ang desisyon mo sa buhay, panindigan mo. Ako? desisyon kong masaktan, paninindigan ko iyon with flying colors. Sinusuong ko nga ang kahirapan noon, ito pa kaya? Malayo ito sa bituka, My Gas, Bigas.
Humakbang na ako papasok ng bahay. Magpapahinga ako, magbebeauty rest at gigising kinaumagahan na fresh. Heart Broken ako, Oo, pero I am a woman born with a pint of positivity and a load of responsibilty kaya Babangon ako, with nescafe.
A/N:
Disclaimer:
Hindi po ako bayad, nagsusuffer nga ako sa Hyperacidity kasi nagkape ako kaninang 9 am. Nag brunch ako tapos pagka 2:30 pm, nag vibrate na lahat ng katawan ko. Pinanhihinaan talaga ako ng loob netong kape. They make my knees weak.