Tatlong kanto? Malapit ba yun?!

Sa mga nakalipas na araw ay itinrain ako nina tita Lanie at mommy sa paghawak ng mga dagger. Habang si kuya naman sa hand to hand combat.

Wala skl ko lang.

"Delia, tara na balik na tayo sa classroom. Tapos na lunchbreak natin." aya sa'kin ni Vicky na nasa likod ko lang pala.

"Ah talaga? Sige tara na."

Naglalakad kami pataas ng hagdan at may mga nakasabay kaming mga estudyante. Yung isang dumaan na malapit kay Vicky naka black jacket eh ang init init naman. Lakas din ng trip ng mga estudyante rito eh.

Nasa second floor na kami nang bigla na lang napakapit sa railings ng hagdan at hawak hawak ang dibdib na para bang hindi makahinga.

"What the heck happened to you, Vicky?" tanong ko at nilapitan siya.

"I- I can't b-breathe.."

Anong gagawin ko?!

Napaupo na siya sa gilid ng railings at pumungay ang mga mata niya.

"Tulong! HELP!"

Kahit anong sigaw ko ay walang pumapansin sa amin. Karamihan ay tinitingnan lang kami at nagpatuloy sa paglalakad. Ang iba naman ay hindi man lang kami tiningnan.

Hinawakan ko ang noo ni Vicky at nagliliyab ito sa init.

May lumapit sa'min na lalake. Namumukhaan ko ito. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Anong nangyare sa kanya?" lumuhod siya para maabot si Vicky. "She's burning with fever, kailangan dalhin na natin siya sa clinic as soon as possible."

Kinarga naman niya si Vicky na parang isang sakong bigas at sumunod naman ako sakanya habang naglalakad kami papuntang clinic.

Maayos naman ang lagay niyang si Vicky kanina. Emote pa nga nang emote na tapos na ang pagiging exchange student namin tapos ngayon inaapoy na sa lagnat.

"She's burning with fever, can you take care of her?" tanong ng lalake sa nurse. "She's an exchange student."

Pinalabas na muna kami ng clinic at pinaghintay sa labas.

"Salamat ha?" Pagpapasalamat ko sa lalaking tumulong kay Vicky.

"Wala yun. Naawa lang ako sainyo kasi walang nag aatubiling tumulong sainyo" sabi niya at sumandal sa pader ng clinic.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Easton Briar."

"I'm Delia Anastasia." sabi ko at naglahad ng kamay para makipag shake hands.

Bibitaw na sana siya sa pagkahawak ng kamay ko nang may biglang humawak sa kamay niya at hinila ito.

"Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala." masungit na sambit ni Dexter at kunot noong tumingin sa'kin.

"May tinulungan lang kasi akong dalhin sa clinic—" hindi na natapos ni Easton ang sinasabi niya nang sumabad si Dexter na nakatingin pa rin sa'kin.

"Wala akong pakealam," Tumingin na siya kay Easton. "Tara na hinahanap ka na ni Serge."

Aba! Linya ko yun ah?

Pagkatapos nun ay naglakad na papalayo si Dexter na nakapamulsa an isang kamay at ang isa naman ay hinahagod ang buhok niya.

Napakamot naman si batok si Easton, "Sorry kay Dexter, Delia. Ganun talaga 'yon. Minsan mukhang may dalaw." natawa naman ako sa sinabi niya.

Nag paalam na si Easton at hinabol ang dinadalaw na si Dexter.

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon