"Hangga't hindi sinasabi ng isang ito na talo tayo, hindi pa tapos ang laro!"

"Masarap manalo kapag pinagpapaguran! Kaya pagpaguran natin ang pagtalo sa Minscat!" seryosong sinabi ni Kier na nagpatahimik sa mga kakampi nito.

Si Coach Erik nga ay tila nawala ang kaba. Ni wala siyang masabi na gagawin sa kanyang mga players... Pero nang tumayo si Ricky, ay may isa pa palang paraan para matalo nila ang Minscat, at alam niyang iyon ay nakadepende sa player niyang may number 3 sa likod ng jersey.

"Team, wala akong masasabing play. Pero sa pagpasok uli ninyo... gusto kong panoorin ninyo si Ricky." Iyon na lang ang nasabi ni coach sa kanyang mga players. Doon na nga rin tumunog ang silbato ng referee, at back to the game na uli!

Sa CISA ang ball possession. Si Romero nga ang humawak ng bola. Awtomatiko nga rin na nagtilian ang fans nito. Doon ay isang biglang spin move ang ginawa niya mula sa kanyang defender. Pagkatapos noon ay dumiretso na siya papunta sa basket. Si Alfante naman ay pumwesto palayo para maguluhan si Teng kung sino ang dedepensahan.

Napangisi nga agad si Romero nang umalis si Teng. Pagkakataon na raw niya iyon para pumuntos ngunit biglang may kamay na tumapik sa bola mula sa kanyang tagiliran. Doon nga ay nakita niya si Gado na nakatingin sa kanya.

"Sorry Macky..." mahinang sabi ni Gado at pagkatapos ay hinabol nito ang bola. Si Romero, naman ay hindi na hinabol ang bolang nawala mula sa kanyang kamay.

Napahiyaw tuloy ang mga supporters ng Minscat dahil doon. Isa pa, tumatakbo na kaagad si Avenido papunta sa side nila at napakabilis nito.

Itinaas nga ni Avenido ang kanyang kamay, at senyas iyon na hinihingi niya ang bola.

"Hindi na kayo makakahabol..." sabi pa nito sa sarili. Doon na nga bumulusok patungo sa kanya ang bola. Palapit na nang palapit sa kanya ito nang mabigla siya sa sunod niyang nakita. Bago pa man niya makuha ang bola ay biglang may isang player ang tumalon malapit sa kanya.

Sinambot nga ni Ricky Mendez ang bola! Pagkatapos ay ibinalik niya iyon pabalik sa court nila.

"Pasa!" sigaw naman ni Cunanan na tumatakbo na uli.

Nasambot nga ito ni Kier at mabilis na dumiretso sa basket kung saan ay naroon si Teng na nakabantay sa painted area. Napatingin din siya sa likuran niya, dahil hinahabol na siya ni Gado, pero alam rin niyang huli na ito.

Nakatingin din nga si Cunanan sa paparating na si Alfante. Naalarma tuloy si Teng dahil dito, at doon na nga ngumisi si Kier. Isang hakbang pakaliwa ang kanyang ginawa kasabay ng pag-dribble sa bola. Pagkatapos ay sinundan niya iyon ng isang mabilis pagkanan. Kasabay rin ito ng pagpapadaan niya ng bola sa kanyang likuran.

Nagulantang ang mga taga-CISA sa kanilang nasaksihan! Tila nga nalito si Teng kung ano'ng nangyari. Bigla na lang kasing naglaho sa kanyang harapan si Cunanan dahil sa bilis nito.

"Easy..." winika pa ni Kier matapos libreng ibuslo ang bola sa basket. 4-20!

Natahimik sandali ang mga nanonood. Isa iyong behind-the-back-crossover! At effective iyon laban sa mga player na kagaya ni Teng. Hindi nga ito makakahabol sa bilis ni Cunanan sa pagpapalit ng direksyon.

"Depensa naman!" sigaw ni Kier na kaagad tinauhan si Gado, na sinundan pa niya ng mahinang pagsasalita.

"Huwag kayong magpakakampante..."

"Gugulatin kayo ng CISA..." dagdag pa ni Cunanan na tila nagpaasiwa kay Gado. Pagkasambot naman nga ni Manalo sa bola ay nabigla ito nang ibang player ang bumabantay sa kanya. Ito nga ay ang may number 3 sa jersey ng CISA. Hindi nga siya makalampas sa madikit nitong depensa. Doon nga ay napatingin siya kay Avenido. Tumatakbo na nga ito palapit sa kanya, ngunit dalawang player ang nakaharang agad dito. Sina Alfante at Romero!

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now