CHAPTER 14 :

33 14 0
                                    

Arriza's POV :

Damn it! kung alam ko lang sana ay hindi ko nalang siya hinanap! alalang alala pa ako kung napano siya, tapos madadatnan ko pa ay ang ganoong pangyayari?!

Lakas niyang magparamdam saakin pero nakikipag halikan sa ibang babae! bwisit!

Sa sobrang inis ko ay naluluha ang mga mata ko. Kumikirot ang puso ko pero hindi ko alam kung bakit. Nadadala lamang siguro ako ng emosyon ko dahil hindi puwedeng magkagusto ako kay zeiden dahil si jacob ang dapat na mahal ko.

Pero bakit ganito? daig ko pa ang pinagtaksilan sa sakit na nararamdaman ko ng makita ko si zeiden na nasa piling ng iba, naghahalikan at enjoy na enjoy sa ginagawa niya. bullshit!

Tuloy tuloy sa pag tulo ang mga luha ko saaking mukha ng maramdaman kong sumunod saakin si zeiden. Pinipilit kong pigilan ang emosyon ko at kinokontra ko ang sinasabi ng puso ko na baka may gusto na ako kay zeiden, na baka may nararamdaman na ako para sakaniya kaya ako nagkakaganito. Hindi ko mapigilan ang mabigat kong emosyon at walang epekto kahit tumingala pa ako para pigilan ang mga luha ko.

Binilisan ko ang paglakad ko na halos mapatakbo na ako ng marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko at ramdam kong napakalapit na niya.
Ng maabutan niya ako ay hinila niya ang braso ko at iniharap sakaniya.

Sa sobrang pagkainis ay sinampal ko siya ng napaka lakas.
Hindi ako natinag sa ginawa ko ngunit mas umagos ang mga luha sa mukha ko. I can see anger and pain in his eyes, i can feel it just by seeing him this messed up!

"What's that for arriza?" malamig niyang sabi. Nakita ko kung paanong nilamon ng mga mata niya ang sakit at galit na kanina ay dumaan sa mga ito.

"Bakit mo ako sinampal ha?!  Dahil ba nagseselos ka? nasaktan ka? naoffend ka?! ano? sumagot ka!" galit na sigaw ni zeiden.  Akma ko na sana siyang sasampalin muli ngunit natigilan ako ng nakita kong namuo ang mga luha niya sa mata. Shit!
it feels like my heart is being torn. I wanna say something but my tongue coldn't allow me.

"Bakit ka ganyan? ang lakas mo akong balewalain, dedmahin at saktan mula kanina, wala ka ng ibang ginawa kung hindi hiyain ako sa lahat ng mga ginagawa ko para sayo, para mapakita kung gaano na kita kagusto!" natigilan ako sa mga sinabi niya at naiyak ng makitang tumulo ang luha sa gilid ng mga mata niya. Damn it!

"g-gus-t-to mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti naman siya ng mapakla.

"Damn yes! arriza, that's why i'm hurting this bad" nanghihina niyang sambit. Humawak siya sa lokasyon ng puso niya. "ito!" sabi niya at paulit uli na kinabog ito. Kinuha niya ang kanang kamay ko at ipinatong sa lokasyon ng puso niya. "Ito arriza! itong lintik na pusong to ang nagsusumigaw na gusto na kita! I forgot tasha, i am sure that my feelings for her is gone. And that's all because of you" naiyak na siya ng tuluyan at napahawak naman ako sa dibdib ko dahil naninikip ito at parang hindi na ako makahinga sa mga naririnig ko.

This can't be, sana hindi na niya sinabi, sana hindi niya pinaalam saakin, coz' i am dead sure that my heart would love to hear these words from him. At baka tuluyan ko ng makalimutan si jacob.

No.

Pinunasan ko ang mga luha ko at napangiwi ng marealize ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon.

"Alam mo arriza, ang labo mo! madalas okay, minsan hindi, bakit ka ba ganyan?  ano bang ginawa ko, nilinaw ko naman lahat! lahat lahat! pinapakita kong gusto kita pero ang labo mo! ang labo labo mo!" sigaw niya saakin. Ang mga sinabi niyang iyon ay ang nag udyok saakin para maglabas na ng damdamin.

"Oo!" sigaw ko pabalik at pinunasan ang luhang tumakas saaking mga mata. "Oo malabo ako! zeiden malabo ako dahil hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko na gusto na rin kita!" sabi ko at humagulgol na ng tuluyan.

Napapikit ako ng mariin at saka nagbawi ng tingin.
Napaawang ang bibig niya at nanlambot ang tuhod ko kaya napaupo ako sa buhangin dito sa dalampasigan.
I chuckled but it sounded desperately pretending.

"Aalam mo zeiden, maayos naman ako bago dumating yung araw na natapunan mo ako ng kape noon sa coffee shop. Sanay naman ako na naghihinagpis, umiiyak at nalulungkot dahil lang iniwan ako ng pinakamamahal ko. Pero alam mo?  atleast noon walang gulo sa utak ko, hindi ko inaaway ang sarili ko dahil alam kong si jacob lang ang mahal ko!" sabi ko ng puno ng hinanakit. Umupo ang tulalang zeiden sa tabi ko. "Pero dumating ka" pabulong kong sabi at tumulala na din sa kawalan. "Pineste mo lahat. Dahil ngayon hindi na magkasundo ang puso ko na nagsusumigaw ng pangalan mo at kinukuha ang pwesto ng lalaking mahal na mahal ko, kaya wag ka ng magtaka kung bakit hindi ko matanggap na may nararamdaman na ako sayo, hindi pwede! sanay na akong malungkot, sanay na akong mag isa, sanay nakong mangulila sa kilig at kasiyahan dahil ikinubli na ako ng kalungkutan"  sabi ko at tumayo na.

"Be happy with me, then" said zeiden. Napalingon ako sakaniya at tulala pa din siya. Mabilis akong nagpailing iling at tuluyang tumakbo sa kung saan.
This can't be.

Natatakot akong baka pag nagpahulog ako sa damdaming ito ay biglang bumalik si Jacob na pinaka hihintay ko.
No.

He was once called  'My Remedy'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon