Gulat na gulat.

Hinatid nga ako sa bahay. Lalabas na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako sa kanya.

"Ano na naman?!" singhal ko.

"Galit ka?" tanong niya.

"Hindi!"

"Bakit ka sumisigaw?"

"Hindi ako sumisigaw..." humina ang boses ko. Inirapan ko siya habang tumatawa naman siya. "Pwede ba, walang nakakatawa."

He pinched my cheeks. "Fuck, nalilibugan ako kapag nakikita kang galit" he laughed.

"Ano?!"

Uminit kaagad ang pisngi ko. Inayos ko ang mukha kunwari hindi naiinis pero deep inside gusto ko na siyang halik—este batukan pala.

"Susunduin kita next week." I nodded.

"Tapos na? Pwede na akong bumaba?"

Ilang segundo ko siyang tiningnan, mabilis siyang lumapit at hinalikan ang labi ko. Saglit lang naman iyon pero nagising ang diwa ko.

Bumaba na ako ng mabalik ang huwisyo ko, hindi ko na siya hinintay na umalis at tumakbo na ako papasok ng bahay.

Fuck, wait. Kinikilig ako.

"Oh, bakit pulang-pula 'yang mukha mo,anak?" bumungad sa akin ang mga magulang ko sa kusina. Naglalaro ng Chess. Umiling na lang ako. Naglakad ako papunta sa kanila at binigyan ng halik sa pisngi.

"Ang aga mo umuwi, ah?"

"Nag-advance vacation leave na po kasi ako..." umupo ako sa bakanteng silya "At tsaka, may kailangan tayo pag-usapan..." natigil sila sa paglalaro at bumaling sa akin.

"Totoo po bang binilhan kayo ni Khalie ng ticket papuntang Switzerland?"

"Oo, bakit anak?"

"S-sasama po ba kayo?"

Nagkatinginan pa silang dalawa bago sumagot. "Syempre, libre na iyon. Nakakahiya naman kay Khalie kung hindi tayo pupunta. At tsaka maganda doon, pangpost sa Facebook!" masayang saad ni Mama.

Tumango si Papa. "Mauuna lang kayo siguro sa amin ng kaunti. Umaga ang alis niyo, sa hapon naman kami ng Mama mo."

"Doon din tayo magcecelebrate ng Pasko at Bagong Taon?"

They nodded. Totoo naman pala mga sinabi ni Khalie akala ko kasi nagbibiro lang ang isang iyon. Sinamahan ko rin sila sa paglalaro at ng mapagod na ako ay umakyat na sa itaas para makapag-impake.

Tatlong linggo kaming magbabakasyon, pero kaunti lang ang dadalhin ko. Hindi naman fashion show iyon para magdala ako ng sobrang dami ng damit.

Dumating ang oras na aalis kami. Nagising ako ng may humahaplos sa tungki ng ilong ko, nanatiling nakapikit ang mata ko.

"Ma, natutulog pa ako..." umungol pa ako at tumagilid ng higa. Hatinggabi na ako nakatulog dahil iniisip ko ang pwedeng mangyari sa Switzerland.

Hindi tumigil si Mama, imbis ilong ko naman ay ang ibabang labi ko ang pinipisil-pisil niya. Hinawakan ko ito para tumigil.

Bakit magaspang at malaki ang kamay ni Mama?

Naimulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Khalie.

"Morning, sleepyhead. Bangon na, maaga ang alis natin." bulong niya. Kinurap-kurap ko pa ang mata ko at baka namamalikmata lang ako.

He kissed my lips. Shit, this is not a dream. It's real. Fuck.

Lumayo ako. "B-bakit mo ako hinalikan?!" hinampas ko ang braso nito. "Hindi pa ako nakakapag-toothbrush!" tinakpan ko ang bibig ko.

He removed my hands and he kiss me again.

"Hindi naman, lasang cherry pa nga eh"

"Huwag mo akong bolahin, ang aga-aga pa, Khalie." bumangon na ako at tiningnan siya. "Bumaba ka na doon, maliligo pa ako."

"Pwede sumama?"

"Gusto mo sapak?"

Nanahimik naman siya pero hindi mawala ang ngisi. Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Kaagad ko naman kinuha ang kumot at tinakpan. Isang gray-tshirt na maluwag ang suot ko, wala nga lang bra sa loob.

"Get out!" I pointed out the door. Umamo ang mukha niya pero tinapunan ko lang iyon ng unan. Tumayo ako habang nakapulupot ang kumot sa katawan ko.

Paatras akong naglakad papuntang banyo. Humahakbang kasi rin siya palapit sa akin.

"Khalie, hintayin mo na lang ako sa ibaba! Ang kulit mo naman!" singhal ko. He likes this. He's happy when I'm irritated.

"Khalie naman eh!"

Tumigil siya sa paghakbang at malakas na tumawa. Naramdaman kong nasa pintuan na ako ng banyo.

"You should see your face, baby."

Pumasok na ako sa loob ng banyo at mabilis na sinarado ang pinto. Hinahabol ang paghinga. Tiningnan ko sa salamin ang mukha ko.

I'm blushing like a tomato. Dagdagan pa na kakagising ko lang, sabog ang buhok at may muta pa ako.

"Urgh, shut up!" singhal ko sa kanya sa loob. Dinig ko pa rin kasi ang tawa nito sa labas. Binitawan ko na rin ang kumot at pumasok sa shower.

Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔Where stories live. Discover now