Pero ayos din yung lace na yun ha. Idamay daw ba tong si wael. So what kung gangster siya? tsk tsk tsk talaga ngang hindi niya ko kilala.

Sa tingin ko hindi ko talaga siya ginusto ng ganon kalala. Hindi naman siguro mababaw yung dahilan ko para hindi siya balikan diba? Bakit ko pa ba siya babalikan kung hindi ko na naman siya gusto?

"Hoy, Ang layo na naman ng dinadayo ng isip mo" pag babasag niya ng katahimikan.

"Bakit?"

"We're here"

Agad? tumingin ako sa paligid at nakarating na nga kami sa haze. Pumasok kami sa isang vip room at umorder ng isang case ng beer.

"Di mo ba ko tatanungin sa tungkol kanina?" tanong ko sakanya.

"Sasabihin mo ba?" pabirong sabi niya.

"Tss. Btw nabanggit mo ba sakanya yung tungkol sa namic?"

"Hmm. I don't remember telling him, why? Siniraan ba ko ng gagong yon? HAHA"

"Medyo" natatawa kong sagot.

"So bakit nga ba kayo nag usap?"

"Nakikipag balikan siya."

Dahan dahang nawala ang mga ngiti sa labi niya.

"Anong sabi mo?" seryosong tanong niya.

"Are you stupid? Why are you asking me an obvious question"

"HAHAHA mianhe. nakalimutan kong si asteria ka nga pala."

Nag tawanan lang kami tsaka nag toast ng mga baso namin. Hays. Kahit sa gantong paraan lang parang walang problemang nag eexist sa mundo para sakin.

"Ikaw?"

"Anong ako?" tanong niya.

"May balak ka bang mag jowa?"

~pftttt!~

Nabuga niya yung iniinom niya ng itanong ko yon.

"Hoy! Anong tanong yan?" inis niyang sabi.

"Chill. Nag tatanong lang e"

"Tara na nga. ihahatid na kita sainyo." aya niya tsaka naunang lumabas ng bar.

Anong problema non? nag tanong lang naman ako.

Lumabas na lang rin ako ng bar at sumakay sa kotse niya.

"He knows about namic. Mag ingat daw ako sayo kasi delikado ka daw kasama" pag babasag ko ng katahimikan.

Maya maya lang...

"HAHAHAHHAHAHAHA" tawa niya ng malakas. tinaasan ko naman siya ng isang kilay at takang tumingin sakanya.

"Happy?"

"HAHAHAHA poor him. Di niya alam mas delikado ka pa sakin." tawang tawa niyang sambit.

Abay ga-

Nilabas ko yung taser ko at pinagana yon ng pinagana kaya naman kusa na siyang tumahimik.

Tss, delikado pala ha.

"Ge uwi na." sambit niya tsaka ko bumaba ng kotse.

"Sainyo na lang ako matulog?" tanong ko sakanya ng naka ngiting nakakaconvince.

"Are you crazy?!" sigaw niya.

"Shh! Ang OA mo naman!"

"Kung alam lang ng iba na ganyan ka kabaliw--"

"Yes or no?"

"Shut up! Pumasok ka na" seryosong sambit niya.

"Tss, damot ge ingat" tsaka ko pumasok ng bahay ng padabog.

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon