"Tok! Tok! Tok!"

Bumangon ako upag pagbuksan ang kumakatok.

"Ma'am Fritzie, nandito na po ang kaibigan ninyo."

Tiningnan ko ang wall clock. Alas-dos na ng hapon dumating si Rochie. "Sige po salamat."

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Rochie. Natanaw ko siyang naka-upo sa sofa at may kausap sa cellphone. Lumapit ako sa kaniya.

"Rochie."

Lumiwanag ang mukha ni Rochie pagkatapos pinutol niya ang tawag.

"Frtizieeee!"sinalubong niya ako.

"Kalma. Ako lang ito."

"OMG! I can't imagine na nagli-live in kayo ni Rafael." Hinawakan niya ang kamay ko at nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa'kin. "Tell me, naka-first base na ba si Rafael?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong sinasabi mo? Baliw ka ba?"

"Bakit hindi ba? Hmmm... Kilala kita Beshie kaya mong ipa-free taste 'yan sa mahal mo."

"Kung ano-anong pinagsasabi mo. Katulong niya ako rito, personal maid. Mutchacha. Hindi ako senyorita rito."

Mas lalong nanlaki ang mata ni Rochie. "Nanaginip ba ako? Ikaw katulong?" Humalakhak siya ng malakas.

"Ano bang nakakatawa."

"I can't imagine na magiging katulong ka. Gusto mo na ngang isumpa mga katulong ninyo e, pagkatapos ikaw katulong." Sabay tawa niya.

"Tama ka, kaya nga binigyan ako ni Mommy ng punishment at maging katulong."

"Kakaiba talaga si Tita Ally."

"Bakit ka ba nandito?"

Ngumiti siya sa'kin. "Pinapunta ako ni Rafael dito samahan daw kitang lumabas kasi may importante siyang lakad ngayon."

Sumimangot. "Akala naman niya natutuwa ako sa ginawa niya."

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Kasi first monthsary namin ngayon pero wala siya."

"I see... Hayaan mo na marami pa naman kayong monthsary na pagsasaluhan. Tayo munang dalawa ang magkasama."

"Hayss! Ano pa nga ba."

"Let's go!"

Tumango ako at lumabas na kami ng mansiyon. Sumakay ako sa kotse ni Rochie. May kasama siyang driver dahil hindi siya pinapayagang mag-drive mag-isa ng parents niya.

"Pumunta tayo sa Mall tamang-tama maraming sales ngayon."

"Sure."

Wala akong ganang mamasyal ngayon pero wala naman akong choice. Kung pwede nga lang sabihin kay Rochie na ayokong umalis ng mansiyon. Namili si Rochie ng kilalang brand na bag at sapatos. Halos abutin kami ng tatlong oras sa kakaikot ni Rochie. Ugali naming dalawa ni Rochie bago kami bumili ng gamit namin. Marami pa kaming titingnan at susukatin bago kami makapili. Masyado kaming mabusisi ni Rochie pagdating sa mga gamit. Minsan pa nga tinitingnan namin sa internet kung marami ng nakabili.
Pagkatapos naming mamili kumain kaming dalawa sa isang fastfood chain.

"Nagutom ako sa pamimili natin. Nakakapagod ang mag-ikot-ikot." Ani Rochie.

Nasa loob kami ng fast food chain habang naghihintay ng order naming dalawa.

"Palakad-lakad kasi tayo."

"Pero okay dahil maganda naman ang nabili natin."

"Anong oras ba tayo uuwi?" Tanong ko.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon