"In case you haven't noticed, you've fallen right into my trick. " napangisi si dad. Napalunok naman si mom.
"So, William pala ang pangalan ng lalake mo." napabuntong hininga si dad.
"Okay do whatever you want, basta huwag mo lang kaming iwan ng anak mo." walang emosyong tugon ni dad.
Nanlaki ang mga mata ni mom.
"I'm so sorry Thomas, I have once loved you, salamat sa pagmamahal pero hindi na magbabago ang desisyon 'kong sumama kay William." sabi ni mom. Napakuyom ako ng kamay sa mga narinig ko.
"Hindi mo ko masisisi Thomas, mahal ko si William, talk to yourself kung bakit ibang ruta na ang aking tinatahak, kung bakit sa ibang ilog na'ko namamangka at higit sa lahat kung bakit hindi na saiyo umiinog ang mundo ko. " Tumitingin ito sa kawalan at nagpipigil na itong lumuha. Napatingin ako sa mga litratong nakadikit sa dingding ng aking silid. Mga litrato namin ito ni dad, ang mga litratong ito ay nagmula pa sa iba't ibang bansa. Ito ay nakuha sa mga bansang Amerika, Italiya, Alemanya, Pransiya, at Espanya. Intensyon naming tumungo sa mga bansang ito para sa isang transaksiyon. Lahat ito ay may kinalaman sa negosyo ni dad, kaya marami rami na rin ang mga nakolekta 'kong litrato galing sa iba't ibang bansa nang dahil na rin sa kanilang pakikipagkalakalan sa pagitan ni dad at sa kaniyang mga kabakas. Dahil doon, ang dami niyang natutunan ng mga iba't ibang lenggwahe, sanay siya sa paggamit ng tagalog maging sa mga lenggwaheng italyano, aleman, pranses at kastila. At lahat ng iyon ay hindi kasama si mom kung kaya napalayo ang loob niya sa amin.
"Alam 'kong alam mo na may nakarelasyon na'kong iba Thomas pero nagbubulag bulagan ka lang. " sabi ni mom.
"Anong gusto mong gawin ko Adel, gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan, kami ng anak mo. " pagsusumamo ni dad, napaluhod ito kay mom.
"Handa na ang mga bagahe ko sa labas Thomas, at naghihintay na rin si William roon." wika ni mom.
Iniwan ni mom si dad na nakaluhod, at tuluyan itong lumakad papunta sa labas ng bahay. Lumabas ako sa silid , tumakbo ako sa labas at akmang susundin si mom pero pinigilan ako ni dad, paulit ulit 'kong tinawag si mom ngunit hindi man lang siya lumingon, tuluyan itong sumakay sa isang kotse. At doon nagsimulang lumiko ang pananaw ko hinggil sa isang masayang pamilya na kailanman ay pinatikim lang sa akin ng pansamantala ng tadhana, iyon ang simula ng pagkamuhi ko sa aking ina.
*****
8:00 pm.
Tumigil ang pagbagsak ng nyebe kung kaya maaaninag ang mga ilaw sa daan. Lumabas ako ng bahay nina tita Dorothy, sinuot ko ang aking bandana sa aking leeg at nagsimulang maglakad lakad sa labas. Malakas ang enerhiya ng paligid, nanatiling masigla ang mga taong dumadaan sa bawat eskinita na aking tinatahak. Dito sa Amerika, nanatiling aktibo ang mga tao tuwing gabi dahil tuwing umaga, wala ito sa kanilang mga tahanan, marahil ay nagtatrabaho. Bukas na bukas ay susundan ko na ng hakbang ang pananatili ko rito sa Amerika ukol sa aking balak, wala pa ring progreso ang paghahanap ko kay dad. Parang wala lang naman ginagawa ang mga kawani ng Area 51, ang mga hukbong pandigma at pati na rin ang gobyerno nais kong alamin ang misteryong bumabalot sa imbakan na iyon, kung bakit hindi pa nakalabas si dad. Nakapagtataka, ang huling balita ko mula sa awtoridad ay kitang kita sa mga CCTV camera ang pagpasok ni dad, ngunit ang sabi ng mga military personnel ay walang natrack na tao sa loob ng military base na iyon, at hindi na nila nakita pa kung anong ginawa ni dad sa mga oras na iyon dahil wala ng camera na nakakabit sa loob at walang Thomas Fitzbert Lazar na lumabas. Ibigsabihin hindi kailanman siya lumabas, ano kayang ginagawa niya roon?
Tinayo ang Area 51 noong 1954, mayroong tinatawag na cold war ang U.S at Russia, walang digmaan o patayang nagaganap sa dalawang panig.
Ang dalawa ay nagpapaligsahan sa kung ano ang maiooffer ng dalawang panig na kung sakaling pumutok ang ikatlong digmaan. Kaliwa't kanang mga test flights, mga kagamitang pangmilitar at iba pa.Haka hakang dinadala ang mga artifacts ng mga alien's spaceships na siyang mabusising pinag-aaralan ng mga dalubhasa.
Napagtanto 'ko na lang na nasa harap na pala ako ng isang snack house. Naramdaman 'kong kumakalam na ang aking sikmura kayat napagdesisyunan 'kong pumasok sa loob. I ordered cinnamon bread at macchiato coffee, agad naman akong lumabas at kinain ito habang naglalakad.
Hindi pamilyar ang tinatahak 'kong eskinita. Nalilito ako, saan ba ang direksyon ko kanina? Hayss. Teka, nawawala ba ako? Agad akong bumalik papuntang snack house upang tuklasin kung aling eskinita ba ang tinahak ko kanina. Alin ba sa kaliwa o sa kanan?
Napagdesisyunan 'kong sundin ang aking intuwisyon, bahala na. Biglang tumunog ang aking phone, binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang text ni Gideon.From Gideon. 8:34 pm.
Umuwi na si tita Adel. Where are you? I'll pick you up. Pls. reply, asap.Good to hear na umuwi na si mom. Nilagay ko ulit ang phone ko sa aking bulsa at nagsimulang maglakad. Hindi na lamang ako nagreply dahil ayoko na maging pabigat pa sa kaniya, Gideon is such a good friend to me, he's caring and thoughtful. Siguro kung sa ibang babae niya pa ipinapakita ang lahat ng kaniyang kabutihan, siya'y matataguriang pafall ng bayan. Pero huwag ka, kapatid lamang ang turing ko sa kaniya.
Sa aking paglalakad, naaninag ko ang isang lalakeng nakahandusay sa gilid ng daan, agad akong lumapit sa kaniya, biglang nanlaki ang aking mata sa gulat."C-Cole?" bulalas ko.
"C-Cole wake up." yinugyog ko ng marahan ang mukha nito.
"Cole gising, hindi na 'to biro ha. "
Bigla akong kinutuban, nakailang lunok na ako ng laway dahil sa kaba. Anong gagawin ko? Hindi ko naman siya kayang buhatin. Paano 'to?
Agad kong kinuha ang phone ko sa aking bulsa at nagsimulang mag-dial, I was about to call Aunt Dorothy nang biglang gumising si Cole.Napabuntong hininga ako.
Pinatay ko na lamang ang aking phone at ibinalik ito sa bulsa. Ilang sandali pa, napakunot ako ng noo nang tumawa ito.
"Je dois faire plus de conneries juste pour me faire remarquer." (Kailangan ko pa palang gumawa ng kalokohan para lang mapansin.) sabi nito sabay iling.
Ano daw?
"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? Are you making fun of me?" tanong ko, napakunot ako ng noo.
"Wala, ikaw nga nangangambala diyan 'e. Natutulog yung tao, tsk." napailing ito.
"At sinong matinong tao ang matutulog sa tabi ng daan sa ganitong dis-oras ng gabi aber?" I raised my eyebrows.
"It was just normal, dito ako nagsisiesta tuwing gabi. " aniya.
"Eh? Ang weird naman. " pagtatakang wika ko. Bigla akong napaisip, sabagay ako rin nga noon, mas weird pa ang mga ginawa ko kumpara sa kaniya.
"Really? Diyan ang resting spot mo?" tanong ko.
Napatango naman ito.
Bigla nanamang tumunog ang phone ko, hinayaan ko lang ito.
Tantiya ko'y naka pitong tunog ang aking phone kaya binuksan ko na lamang ito.
6 missed calls from Gideon.
From Gideon. 8: 52 pm.
What the f***! Zinlea, answer your damn phone. You hard-headed woman!Bigla akong napangiti. Ano kaya ang ekspresyon ng mukha nito ngayon? Hahaha.
"What's that smile? Let me guess, Is that a smile of a woman who fell in love with her childhood friend?" napangisi ito.
"Ahh..what a poor deduction skill. " napangisi rin ako.
"Or should I say the one who sends a sweet text is the man who fell in love with his childhood friend." aniya.
Napakunot ako ng noo.
"Is there something to provoke? Are you trying to imply that we both fell in love with each other? " walang gana kong tanong.
"Uf, if that's what you think darling, then, let's assume that it would be possible." he smiled.
"Let's go home. " anyaya nito.
Psh, usisero.
Unknown.
BINABASA MO ANG
Project Area 51
Fantasy"Area 51" A forbidden place where she found her forbidden love. Pinasok ni Sapphire Zinlea Lazar, isang propesor ng liknayan, ang Area 51 upang hanapin ang kaniyang nawawalang ama, ngunit umiba ang takbo ng kaniyang pakikipagsapalaran sa kaka...
AREA 4
Magsimula sa umpisa