Broken Promise

1 0 0
                                    

"Hindi kita iiwan"

Haha. Tanga ka na lang kapag naniwala kapa sa pangakong yan. Gasgas pa sa gulong ng bike ko.
I met him sa profoundly nag chat hanggang sa naging kami. Walang ligaw ligaw na nangyari kasi pareho kaming maharot.

Pinakinggan ko lahat ng problema nya at inintindi kung anong ugali meron sya because I love him so fucking much. Nangako kami sa isa't isa na hindi kami mag hihiwalay, marami kaming pinangarap at lahat ng yon inakala kong matutupad pinangako namin na kami hanggang dulo kahit ano mangyari.

Magaling sya kumanta, gwapo , magaling sa music instruments and sa sports. Lahat yata ng laro alam nya kaya proud na proud ako sa kanya. He's my ideal type of man kahit na may pag ka moody ang kuya mo. Pinagpaplanuhan ko din na aa tuwing may laro sya babyahe ako para suportahan at icheer sya. Yes! LDR kami pero kahit ganon mahal na mahal ko pa din sya at handa akong gumastos para lang makita, mayakap at makasama sya.

Isa akong selosa, moody din ang ate mo minsan lalo na kapag red days.! I'm not beautiful but my heart is.

Sabi nya sakin ang tanga nya kapag inwan nya ko pero dahil sa bad sides ko he left me alone, durog na durog at umiiyak sa comfort room habang nakabukas ang gripo, nagmamakaawa na mag stay sya for me. Then after a couple of minute, tumawa sya at sinabing

"It's a prank"
Yes! He prank me.
Sobrang natuwa ako non at nawala ang sakit sa puso ko. I told him na mahal na mahal ko siya at sinagot nya naman ng mahal na mahal din niya ko pero akala ko ok na ang lahat.

"Iniisip ko kung pano ko itatago kay mama ung relasyon natin"
Fuck! pero bakit kailangan itago ung relasyon namin?
"Sinabi ni mama hiwalayan na kita" it hurts. Bumalik na naman ung sakit na kani kanina lang nawala na pero ngayon doble ung sakit.

Ung akala kong hiwalayan na hindi na mangyayari ay nangyari na. Sobrang sakit akala ko ipaglalaban moko, akala ko mahal moko, pero lahat pala un hanggang akala ko lang.

Sinabi mo na babalik ka na walang mababago, na aayusin mo lang ung mama mo pero asan kana mahal ko? Naghihintay parin ako, umaasa na sana bukas o d kaya naman mamaya biglang tumunog ung messenger ko at pangalan mo ung makikita ko.

Pero naniwala na naman ako na babalik, at hindi mag babago ung dati na kakausapin mo pa din ako grabe ngayon ko narealize na ang tanga tanga ko pag dating sayo.

Ngayon nasan ka? Hawak kana siguro ng iba habang ako eto umaasa na parang tanga.
Pero trust me makakalimutan kita at sa araw na un pagsisisihan mong iniwan moko dahil lang sa simpleng dahilan na kayang kaya naman nating lampasan.

Sa lahat ng pangako natin sa isa't isa eto lang ang matutupad.
Sa lahat ng magagandang alaala sa salitang ito lang ang tatapos.
Sa lahat ng pagmamahal ko sayo hanggang dito na lang talaga tayo.
Ito ung salitang mahirap sabihin pero para sayo at para sakin...

"I LOVE YOU GOOD BYE!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken Promises One~shotWhere stories live. Discover now