Inabot niya ito sa akin. "Baka dumating yung buyer ko habang umoorder ako. Pakibigay nalang sa kaniya atsaka pakikuha nalang ng bayad."
"Paano niya malalaman na sa akin niya kukuhanin?" Tumayo ako. "Ako nalang ang oorder."
Hinila niya ako paupo. "Wag na. Dito ka lang. Sinabi ko na sa kaniya kung anong suot mo at kung saan nakaupo, okay?"
Wala na akong nagawa kung hindi pumayag nalang.
Nakatuon ang atensyon ko sa cellphone nang may nagsalitang lalaki.
Hindi ko pinansin dahil baka sa kabilang table lang.
"Excuse me, Miss." Ulit nito.
Tiningnan ko kung saan nanggagaling ang boses at tumigil ang mundo ko sa aking nakita.
Perpektong hugis ng ilong, mapungay na mga mata, makinis na kutis, kissable lips, at nakakaakit na amoy.
"L-Lester?"
"Yes." Ngumiti siya. "Hi, Nara."
Shit. Yung panty ko baka nahulog.
Napakapa ako sa balakang ko. Oo nga pala, nakaupo ako.
"K-Kilala mo ko?"
"Yes, I mean No. Sinabi lang sa akin ni Julius ang pangalan mo, sayo ko daw kuhanin yung notebook."
Habang nagsasalita siya para akong nahihipnotismo na gagawin ko ang lahat ng sasabihin niya.
Oh, Lester tell me to count your soft hair and I will.
Tumango ako. Hindi na ako makapagsalita, nakangiting nakatingin nalang ako sa kaniya.
Medyo na-awkward yata siya sa kilos ko kaya umiwas siya ng tingin.
Naraaaaa, what are you doing?
"Bayad ko nga pala." Nag-abot siya sa aking ng buong 200 pesos.
Kinuha ko na ang chance na yon para mahawakan ang napakalambot niyang kamay.
"Pwede bang kuhanin ko na yung notebook?"
"S-Sure." Inabot ko sa kaniya ito ng hindi umaalis ang tingin.
"Yung 50 pesos ko palang sukli?"
Agad akong naghanap sa wallet ko pero wala akong nakitang barya. "Pwede bang ako nalang ang sukli?"
Napatawa siya.
Narinig niya 'yon? Sa isip ko lang yun ah.
Oh.
Shit.
Naraaaa!!!
Gusto ko ng matunaw nalang o kaya maging puno since Nara naman pangalan ko.
"You're cute." He smiled. My heart literally went crazy. "Hindi mo naman kamukha si Sergio Osmeña."
Tumawa ako. Hindi ki alam kung dala ng humor niya o dahil kinikilig lang talaga ako.
"W-Wala kasi akong barya." Hindi ko matago sa aking boses ang kilig. Kainis.
"Kunin ko nalang next time yung 50 pesos kong sukli." Tumalikod na siya at naglakad na palayo.
"Bye, Lester." Mahinang sambit ko.
Lumingon siya at ngumiti. "See you around."
Lumapit sa akin si Julius na nagtatago lang pala sa kabilang sulok.
"Tagumpay." Nakangising niyang sabi habang hawak hawak ang phone niya.
"Ano yan?"
"Pictures. I took pictures ng moment niyo ni Lester."
"Ikaw ang may gawa nito?"
"Yes, all for my dear bestfriend." Then he winked.
Blog#4 50 pesos
Magsimula sa umpisa