[Arc 1] Ch-15: Information and Knowledge

Start from the beginning
                                    

Puro galos at sugat ang ina ni Ugino habang si Ina naman ay may kaunting galos ngunit pareho silang walang malay. Hindi ko alam ang kabuohan ng pangyayari pero sigurado ako'ng matindi ang kanilang labna base sa walang tigil na pagyanig ng lupa na mukhang sila ang may kagagawan. Nalaman ko na ang Ina ni Ugino ay may kakaibang pisikal na lakas dahil sakanyang apat na Warring Spirits na sinasabing hindi pangkaraniwang boost ang ibinibigay sakanya. Pinapakiramdaman ko ang kanilang ispiritwal na pwersa at parehong-pareho ito'ng ubos at gamit na gamit.

" Dalhin muna sila sa mga bakanteng kuwarto sa itaas! siguraduhin mo'ng magkalayo ang dalawang ito! Walang hiyang buhay to, hindi magawang magkasundo ng dalawang magkapatid na ito..Ngayon ko lang nakitang pumatol si Alondra sa mga pakana ni Reiko" Wika ni Elder. Dito kuna nakasalubong si Zeer na akay akay ang dalawa, aalokin ko sana ito ng aking tulong ngunit umiling ito dahil mukhang kaya niya ang dalawang ito, as expected sa isang Wolfkin. Ang pisikal na trabaho ay madali lang para sakanila.

Nagtungo na ako kay Elder at napalitan na ang problemado niyang ekspresiyon at naging kalmado. Naglakad nalang ito sa kabilang direksiyon ng mansiyon at mukhang gusto niyang sundan ko siya.

" Elder....Tungkol po sa Sagradong Sining, mayroon ba sila Ina at Lady Reiko nito?"

" Meron sila...Ang kay Reiko ay ang kanyang Itak na sinasabing kayang hiwain ang kalupaan sa isang kumpas, sa kaso ng iyong Ina ay masyado'ng kumplikado...hindi ko nakita ni-isang beses ang kanya, hindi ko alam kung meron na siya o wala pa"

" Oh? kami lang ba sa pamilyang ito ay mayroon ng sagradong sining?" tanong ko kay Elder. Umiling naman si Elder saakin habang patuloy kami sa paglalakad.

" Mayroon sa mga Foxkins ang mayroon nito, masyadong komplikado ang pagkakaroon nito para sa mga Spirits dahil ito ang sumimbolo ng pagrerebelde natin sakanila, kaya ang iba ay ayaw matutunan ito upang iwasan ang pagalala tungkol dito, pero ang iba ay Bukas sa ideya ng pagkakaroon nito kaso ngalang ay sandamakmak na normal na sandata ang aking nakikita sa mga ito, wala silang sapat na talento upang lumikha ng komplikado'ng sagradong sining tulad ng iyo"

Bigla nalang ako'ng napahanga saaking sarili! Grabe mukhang hindi normal ang pagkakaroon ng abnormal na uri ng sagradong sining. Nakarating na kami sa silid aklatan ni Elder, Grabe ang dami nito. Hindi ko inaasahan na triple ang laki nito sa silid aklatan ni Ina. Itinaas ni Elder ang kanyang palad sa itaas at dito na nagsiliparan ang mga ispisipiko'ng mga libro mula sa mga bookshelves at nagsilabagan sakanyang nakataas na braso at nakaflat na palad.

" Magic!" wika ko.

" Tama..Mukhang hindi ka binayayaan na magkaroon ng mana? Despite anak ka ni Alondra, ang pinakamatinding nilalang sa larangan ng mahika at ispiritwal na pwersa" wika ni Elder saakin, alam ko na si Ina talaga ang tunay na 'Big Deal' pero hindi ko inaasahan na maski ang Elder ay humahanga sakanya.

" Ni-minsan ay hindi ko nakitang lumaban ang iyong Ina ng seryoso, hindi niya ginagamit ang buong lakas niya sa laban, at ito ang ikinaiinis ni Reiko....Isip niya ay minamaliit lang ni Alondra ang kanyang mga hamon, pero sa pagkakataong ito mukhang hindi nagpigil si Alondra na umabot ito na nakatulog ang pinaka barbarong babae sa buong baryo namin. Ito kunin mo na, aasikasuhin ko lang ang gulong ginawa ng dalawa sa Arena ng aming baryo" 

Matapos ako kausapin ni Elder, bigla nalang nagliwanag ang sahig na inaapakan niya at kasama ng paglaho ng liwanag ay naglaho nadin si Elder. Kakaiba talaga ang teleportasiyon magic sa mundong ito. Patuloy parin ang paglutang ng mga piniling libro ni Elder sa ere, kinuha ko ang mga ito at binasa isa isa ang mga titolo.

" The legend of the Death Breeder"

" The Battle for Conquest: Life and Death"

Ito ang dalawang libro na pumukaw saaking atensiyon, ang isa ay tungkol saaking sagradong sining habang ang isa ay tungkol sa Necromancy, tinignan ko ang nagsulat ng libro, sa unang beses ay hindi si Ina ang nagsulat nito. Hindi na ako nagpaligow ligow at sumalampak na ako sa sahig at binasa ang mga ito.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now