Jem and Trixi

12 0 0
                                    

CHAPTER 4

JEM'S POV

Ang araw na ito ay napaka pangit urghhhhh! kapag naiisip ko yung nangyari ay hindi ko mapigilang magdabog.Kapag makikita ko yung lalaking yun ay sasampalin ko nanaman siya at tatadyakan na, Wala siyang awa wala siyang puso, hindi man lang nag sorry sa akin hindi man lang nanghingi ng paumanhin.Galit na galit talaga ako sa kanya!

Namamaga parin ang ulo ko at parang lalaki ang bukol nito :(

Nakahiga parin ako dito sa kama ko, hindi ko ginawa ang mga assignments ko kahit bukas na ang deadline, Wala kasi ako sa mood dahil hindi ako nakapasok sa chemistry class namin, every tuesday lang kasi yun at alam kung malaki na ang hindi ko nalalaman. Tinawag ako ni Yaya Perla at agad naman akong bumaba, sabi ni yaya tumawag nanaman yung nanay ko at sinabing una daw uuwi yung tatay ko at kapatid kung lalaki na si Juan Carlo Torres, dalawa lang nga pala kaming anak. Excited na akong makita ang na miss kung kapatid, bunso pala, ako ang panganay at siya ang bunso.Hindi naman ako galit sa aking kapatid dahil siya ang dinala ng mga magulang namin at hindi ako.Umakyat na ako sa aking kwarto at natulog na.

TRIXI'S POV

Hello po sa inyong lahat! Hindi nga po pala ninyo ako kilala. Well It's time na po para magpakilala ako. Ako nga po pala si Trixi Anne Tuazon, alam kung nabanggit na ako sa nakaraang chapter ngunit tanging pangalan at katangian ko lang ang inyong nalalaman.8 yrs. old palang ako ng iwanan kami ng Daddy ko, tanging mommy ko lang ang karamay ko all this years, nakita ko ang paghihirap ng mommy ko ng iwanan kami ni daddy, hindi naman kami pinabayaan in terms of financial pero iba parin yung presence ng isang ama. Si daddy ang first heartbreak ko kasi siya ang kauna unahang lalaking sinaktan ang puso ko, hindi lang ako pati si mommy. Hanggang nasanay nalang kami ni mommy na mabuhay na wala si dad, noong 14 yrs. old ako saka lang naisipan ni dad na bumalik sa pinas akala ko noon ay magkakabalikan na silang mom ngunit iba pala ang pakay niya, gusto niyang kunin ako at pag aralin sa ibang bansa. Labag man sa loob ko at sa mommy ko wala nalang kaming nagawa at doon sa ibang  bansa ako nag aral.Galit na galit ako sa aking daddy dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari, para akong laruan na kung pinagsawaan na ay iiwan at ipapamigay ngunit kung gusto nanaman paglaruan ay kukunin the parang walang nagyari.Half brazilian half filipino ako, marami sa akin ang naiinggit dahil sa gandang tinataglay ko, at sa kayamanang pag aari ko pero hindi nila alam na hindi maganda ang buhay ko, nasasaktan nalang ako palagi. Nang bumalik kami dito sa Pilipinas pinakilala sa akin ni Daddy ang anak ng business partner niya  si John Harvy Cruz, Honestly attractive ako sa kanya dahil sobra niyang gwapo, medyo malaki ang katawan, model, at dreamboy ng mga babae.Expected na ng mga magulang namin na kaming dalawa ang magiging girlfriend at boyfriend, Naging mag on kami since 3rd year highschool at co-model ko rin siya, sa paningin ng ibang tao perfect yung relationship namin ngunit lingid sa kaalaman nila yung first 5 months lang kami masaya. Pagkatapos noon ay madalas na kaming mag away at naghihiwalay ngunit nagbabalikan rin, akala ni Harvy hindi  ko alam ang pinagagawa niya.Akala niya hindi ko alam na mayroon siyang ibang babae, taga linggo alam kung may iba'y ibang babae siyang dini date maliban sa akin ngunit nagbubulag bulagan ako at nagbibingihan, ganyan talaga pag mahal mo yung isang sorry eh, siya yung first love ko, siya kasi yung nagpatibok ng puso ko, siya rin yung nagturo sa aking magmahal at magtiwala ulet.Pero isang araw nahuli ko siya sa akto, nung second day ng class nakita ko siya sa isang hallway ng paaralan na may kahalikan na babae, Hindi lang babae kundi matalik  ko pang kaibigan.Nasaktan talaga ako noon, gusto ko sanang saktan yung babae at murahin silang dalawa ngunit bigla akong nawalan ng lakas, naupo nalang ako at humagolgol ng malakas, nag ayos pa naman ako  sa sarili dahil yun yung araw na magkikita ulet kami ni Harvy. Wala talaga ako sa sarili noon pero may isang babaeng lumapit sa akin at pinatahan ako, nasigawan ko siya at nilait naman ako di hamak naman na mas maganda pa ako sa  kanya pero totoo naman yung sinabi niya na para akong mangkukulam sa  itsura ko,tinawanan ko  na lang siya.At agad agad kaming nagiging kaibigan at nagsama buong araw, hindi ko rin akalain na magkakaklase kami.

end of chapter 4

The Play GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon