"Yo! 'zup?" super-duper bored na bati ko sa kanya. What's her name again? Ahh si Browny — Dark brown kase yung buhok nya at mas lalong nakakalimutan ko ang pangalan niya kahit halos araw-araw niya akong pinepeste.

"Eto naman! Agang-aga napaka-sungit!" pabirong saad nito bago ako tinapik sa balikat ng pagka-lakas lakas. Srsly? Anong problema ng babaeng 'to? May sapak ata sa ulo eh. I immediately removed her hand — kung alam nyo lang kung gaano kabigat yung brado ng babaeng 'to.

"So tara na sa school, ga-gaya pa ako sayo sa physics pag naka-rating tayo sa room eh hahaha" saad nito na siyang ikinatuwa naman nya, although hindi naman ako umo-oo — kinukuha nya pa din ang notes ko. Nakaka-irita yung mga ganung tao, yung mahilig maki-alam ng gamit nang may gamit, tsk!.

At gaya ng ina-asahan, pagka-dating na pagka-dating palang namin sa room ay agad na niyang binuklat ang bag ko na para bang pag mamay-ari niya ito. Napa-irap na lamang ako sa itinuran niya — kaya siguro hindi mag register sa utak ko ang pangalan ng babaeng 'to kase hindi naman worth it alalahanin.


Lunch period, napag-desisyunan kong intayin muna na maka-labas ang lahat ng kaklase ko bago ko itago ang bag ni Browny sa 'bio-degradable' namin na basurahan. After lunch kase ang klase namin sa physics kaya bahala na siyang mag hanap ng gamit niya mamaya — I think she deserve it. Chill lang akong lumabas sa room at tahimik na kumain sa canteen. Ten minutes before our physics subject, nag punta na ako sa room at agad kong tinignan ang pwesto ni Browny na mahimbing na namama-hinga sa kaniyang upuan. Pasimple ko ding tinapunan ng balat ng saging ang basurahan kung saan naka-lagay doon ang bag ni Browny. Napa-ngiwi na lamang ako at napa-ngiti at the same time ng makita kong punong-puno iyon ng mga sauce, balat ng prutas at kung ano ano pa.

"Good afternoon!" masayang bati ng teacher namin — infairness, five minutes siya ngayong ahead sa klase. Si Ma'am Debil yung tipo ng teacher na happy-happy lang pero kapag nahuli ka niyan sa klaseng natutulog, walang assignment, or hindi nakikinig? Jan na lalabas yung tunay niyang anyo. Pa-simple akong napa-ngiti sa natutulog pa rin na si Browny.

"Aba nga naman tignan nyo itong si Ms. Palma?. Napaka-lakas ng loob mag OT sa tulog — at dahil lagi akong prepared, here" saad nito sabay abot sa amin ng mga maliliit na kandila na sapalagay ko ay free, galing sa mga birthday cake na nabibili kung saan. Taka naming tinignan si Ma'am Debil pati na ang mga kandila na hawak namin.

"Okay class, sabay sabay nating tirikan ng kandila sa paligid itong si Ms. Palma. Boys, paki-tanggal ng mga arm chair sa paligid ni Ms. Palma. Hangga't maaari ay buhatin ninyo para hindi magising — mag sasagawa tayo ng maliit na seremonya" pabulong na saad ni Ma'am na siyang ikinatawa namin ng mahina. That's what you get kapag gumawa ka ng ka-tarantaduhan sa klase ni Ma'am.

Tahimik ngang binuhat ng mga kaklase kong lalaki ang mga upuan na nasa paligid ni Browny at nang matapos iyon ay tahimik namin siyang pinalibutan. Lahat kami ay handa na para sa maliit na seremonya kay Browny.

"Ang lahat ay sabay sabay na kakanta ng Ave Maria kapag nabas-basan ko na si Ms. Palma ng unholy water" sarkastikong saad ni Ma'am Debil na siyang ikina-tango namin ng sabay sabay. Agad na inilabas ni Ma'am Debil ang bote ng mineral water na nabili nya lamang sa canteen. Binutasan niya iyon ng maliliit na butas bago nito tuluyang ibasbas ang laman na tubig kay Browny.

"What the fuc—"

"SING!" signal ni Ma'am and as if on cue sabay sabay namin siyang kinantahan.

"Ave...ave...ave...maria..." simula namin na siyang ikina-panic naman ni Browny.

"What the?! Ano 'to Ma'am?!" reklamo ni Browny pero hindi iyon pinansin ni Ma'am.

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon