CHAPTER 11: APPROVAL

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hayaan niyo pong gampanan ko rin ang mission ko" pakiusap ni Alceaus.

"Hindi pwede. Isang tao lang ang kailangan sa Mission. Ang mga Everson ang mga Noble na hindi madaling magtiwala. Habang padami kayo ng padami, mawawala ang tiwala nila sa inyo na maaaring maging dahilan para pati sila ay katakutan kayo"

"Pinsan ko po si Scarlet, Ms. Eden"

Tumango si Ms. Eden "Alam ko. But still hindi ibig sabihin nito na hindi mawawala ang tiwala ng mga Everson sa'yo. Tapos na ang usap, bumalik na kayo sa klase niyo"

Nilingon ko si Savannah, hindi ko alam pero... nakikita ko talaga sa kanya si Eleanor.

EDEN'S POV

"Ms. Eden, hindi ko po alam kung alam niyo ang pakiramdam na hindi mo kayang protektahan ang napaka-importanteng tao para inyo pero sana hindi niyo rin po maramdaman ang pagsisisi sa huli dahil sa isang desisyon niyo" salitang nagpabigla sa'kin na nagmula kay Arisa. Bakas sa mga mata niya kung gaano siya kaseryoso sa mga salitang pinipili niya "Ms. Eden, naging Pledger po ako para makita ang mundo na ginagalawan ni Eleanor. Pero kung hindi niyo rin ako hahayaang umalis ng Salalicia, sana hindi nalang ako lumabas ng Levaris"

"Kung patuloy akong magtatago, hindi ko mapoprotektahan ang taong mahalaga sa'kin"

"Kung papayagan kita, handa ka bang harapin ang lahat ng consequence-- kahit na sa bandang huli, ay masasaktan mo rin ang mga sinasabi mong mahahalagang tao para sa'yo?"

"Handa po akong tanggapin ang lahat ng consequence. Hindi ako matatakot na wala ang buhay ko sa pangalawang pagkakataon, mabigyan ko lang siya ng magandang hinaharap"

For a moment, naalala ko nanaman 'yon.

Napabuntong hininga nalang ako kasabay ng pagbukas ko ng cabinet sa ilalim ng table ko. "Akin na ang request paper" gamit ang isang stamp ay tinatakan ko ang request paper na hawak niya.

"Ikaw lang mag-isang pupunta ng Zaviri, Arisa. Kahit na anong hingi mo ng tulong, hindi namin 'to maririnig. Okay ka parin ba duon?" tanong ko.

"Yes, Ms. Eden" bakas sa mga tingin niya na hindi siya natatakot.

"Ms. Eden, pakiusap po... hayaan niyo po akong protektahan si Arisa..!" pakiusap pa ni Alceaus.

Kumuha ako ng blangkong papel "May iba akong mission para sa'yo"

"Ms. Eden, isa lang po ang mission ko sa buhay, 'yun ay ang protektahan si Arisa"

Matapos kong sulatan ay minarkahan ko rin 'to. "Bumalik ka after 10 minutes"

"Pero Ms. Eden..!"

"This is an order, Mr. Villan"

Matapos niyang kumalma ay nagsalita ulit ako "Napakahalaga para sa'yo ng Mission na ibibigay ko. Kaya h' wag mong kakalimutan na bumalik dito"

"Salamat po, Ms. Eden" sabay na sabi ni Arisa at Savannah.

Ngumiti ako "Ms. Eden, pwede ko po bang malaman kung anong klaseng Mission ang kinuha nila Eleanor?" tanong ni Arisa.

"Fighting a Wild Sylph"

"W-wild Sylph?" tanong ni Savannah.

Tumango ako "Naninirahan ang mga Sylph sa Vanaheim, pero dahil nasakop din mga Gorgons ang Vanaheim... napadpad sila dito sa Midgard"

"Pero bakit po ninyo nasabing Wild Sylph?" tanong ni Alceaus.

"Despirado ngayon ang mga Sylph para protektahan ang sarili nila. Tayong mga Pledger, gusto natin silang protektahan, pero dahil mga tao tayo.. hindi natin makuha ang tiwala nila... sila na tanging nagtitiwala lang sa mga Vanir. Kaya gumagana lang ang Enchantment nila sa mga Vanir"

"P-pero bakit kailangan po na halos lahat ng mga Echelons ay maging parte ng Mission?" tanong pa ni Alceaus.

"Dahil napakalakas ng Mahika ng mga Sylph kapag wala silang kontrol sa sarili nila. Maling galaw mo lang, maaaring buhay mo na ang maging kapalit nito"

"Arisa, o-okay ka lang ba?" tanong ni Alceaus dahilan para mapunta ang attention ko kay Arisa na parang ang lalim ng iniisip.

"O-okay lang ako" at nilingon niya ako "Magsisimula na po ako sa Mission ko, Ms. Eden. Maraming salamat po ulit" at tumalikod na siya sa'kin.

Sa pagsisimula niyang maglakad palabas, siyang pagsunod sa kanya nung dalawa.

"Sigurado ka ba dito. Hindi ko ini-expect na bibigyan niyo siya ng approval" tanong ng isang babae sa likuran ko.

Nangiti ako "Kanina ka pa nandito kaya alam kong alam mo na kung bakit ako pumayag"

"Dahil ba 'to sa sinabi niya?"

Tumango ako, "Alam ko ang pakiramdam ng pagsisisi dahil hindi ko naprotektahan ang taong napaka-importante sa'kin"

"Tumatanda ka na, Mama" at naglaho ang presensya niya.

Tumatanda na nga siguro ako...

ARISA'S POV

"Sigurado ka ba talaga dito, Arisa?" tanong ni Alceaus bago pa ako makatapak sa dormitory.

Tumango ako "Ginagawa ni Eleanor ang best niya, hindi ako magpapatalo"

Ngumiti ako sa paglingon ko sa kanya at sumalubong din ang ngiti niya, "Mag-iingat ka"

Tumango ako at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Tinulungan ako ni Savannah na ayusin ang gamit ko. Well, isang linggo din 'yon so kailangan ding paghandaan.

"Sasamahan kita sa Mansion" biglang sabi niya.

"Okay lang ba na nandito ka sa Capital?"

Tumango siya, "Bago pa man makarating sa inyo ang request, nakiusap na ako kay Ms. Eden na hayaan niyang protektahan ko ang Mansion at ipaubaya sa isang katiwatiwalang Pledger ang kaligtasan ni Scarlet. At nagtitiwala ako sa'yo, Arisa"

Ngumiti ako "Parang kakaibang yaman ang gusto mong protektahan, hindi ang mga alahas kung hindi mga ala-ala"

Bakas sa kanya ang pagkabigla kasabay nito ang pagluluha ng mga mata niya, "Dahil ang Mansion na nandito sa Capital ang huling regalo sa'kin nila Lolo at Lola... ang mga taong nagpalaki sa'kin at nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa'kin. Ito nalang ang huling ala-ala nila sa'kin, at hindi naabutan ni Scarlet sila Lolo at Lola kaya naman... kahit sa gantong paraan, gusto kong maramdaman niya ang presensya nila Lolo at Lola"

Taong nagpalaki....

Sa pagpatak ng luha niya siyang pagpunas ko ng luha niya, "H'wag kang mag-alala, poprotektahan ko si Scarlet, katulad ng pagprotekta mo sa kanya"

Hindi niya na napigilan ang pag-iyak niya, "Salamat..."

Ganto rin ba ang nararamdaman mo kapag pinoprotektahan mo ako, Eleanor?

To be Continue...

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon