1. Ocean blue eyes

Magsimula sa umpisa
                                    

Humigpit ang hawak ko sa manibela  nang walang pasabi itong gumilid sa sasakyan ko! Nakuha ko ang ibig nitong gawin, gusto niyang mag-overtake at doon niya siguro ako haharangan.

No! I can't let that happen! Wala akong mahihingian ng tulong kung sakali man.

Hindi ko alam kung bakit wala man lang ibang sasakyang dumadaan dito gayong unang araw ito ng pasukan. Hindi ba dapat ay nagkukumahog sa pagpasok ang mga estudyante ngayon? O masyado lang talaga akong maaga?

Nakita ko ang muli nitong pagsubok na umover-take kaya't malakas kong inapakan ang preno. Hindi naman nito inaasahan ang pagpreno ko kaya't hindi niya naiwasan ang aking sasakyan and the next thing I heard was a small bump!

Oh, great! Our car bumped into each other!

What a wise move, Selena!

Napapikit ako sa nangyaring iyon. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili sa maling kilos na ginawa ko! Mas binigyan ko lamang ang sakay ng pickup truck na 'yon ng pagkakataon na malapitan ako sa madaling paraan!

Mabuti na lang din at hindi malakas ang impact ng pagkabangga ng aming mga sasakyan. Tingin ko ay gasgas lang ang tinamo ng BMW ko.

Magsisimula na sana akong paandarin ulit ang sasakyan nang makitang lumabas na ng pickup ang isang lalaki. Kumatok pa ito sa bintana ko.

Hindi ko magawang lumabas o tingnan man lang siya sa takot na bigla niya akong harasin.

Pero wala yata siyang balak tumigil hangga't hindi ako lumalabas. Heto at mas nilalakasan niya pa ang katok!

Ipinagpapasalamat ko na lang na tinted ang aking sasakyan kaya't hindi niya nakikitang nanginginig na ako sa takot.

Lumipas pa ang ilang minuto at tumigil na siya ng katok. Good thing umalis na siya sa gilid ng kotse ko kaya't nagkaroon ako ng pagkakataong makaalis do'n.

Or not.

Agad na nanglaki ang mata ko nang lumapit ulit siya na may dalang baseball bat! Umakto siyang hahampasin ang bintana ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumabas ng sasakyan.

Pikit-mata akong umibis ng sasakyan. Itinaas ko rin sa ere ang aking mga kamay.

"No wonder you can't get out. You're a girl! A one scaredy cat!" nahihimigan ko sa kaniyang tono ang pang-iinsulto. "Planning a hit and run, huh?" dagdag pa nito.

Kaagad akong nag-angat ng paningin dahil sa kaniyang sinabi. "What?! No--"

Ngunit agad akong natigil nang mapadako ang tingin ko sa kaniya. A pair of ocean blue eyes was looking into mine. Hindi ko mapigilang hindi pagtuunan ang kaniyang mukha. His aquiline nose complemented his prominent cheekbones. His well-defined jaw and broad shoulders spoke of strength. I can easily tell that he's not a Filipino because of his blonde hair. Or maybe he's a half Filipino and a half... I don't know.

Damn. How can someone be as handsome as this man?

"Done checking me out?" Napalapat ang tingin ko sa kaniyang mapulang labi na ngayon ay nababalot na ng ngisi.

Damn that lips!

"Be careful, Missy. You might fall in love with me with just one stare!" Nananatili sa labi nito ang mapang-asar na ngisi.

Agad akong natauhan dahil do'n. Ang lakas naman ng tiwala niya sa sarili niya?

Habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha ay mas lalong lumakas ang kutob ko na ito nga ang tinutukoy ni Manong guard!

"Are you stalking me?!" mataray na asik ko rito.

Naningkit ang aking mga mata nang matunog siyang tumawa. May halong pangaasar sa tono no'n, nakakairita sa pandinig!

Their Entangled Lives (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon