Chapter 6
We continued running while I was still crying.
He's now holding my left hand, ang kanang kamay ko naman ay hawak ang purse ko habang hawak ang mahaba kong champagne dress para hindi ko ito matapakan habang tumatakbo. Wala akong ideya kung sino sa mga pinsan ko ang humahatak sa akin ngayon o kung hindi man 'to isa sa mga pinsan ko ay baka isa sa mga kaklase ko siguro?
Why did you let yourself run with someone you don't know kasi, Tatjana?!
Nagpatianod lang ako sa hatak niya, naaaninag kong mas matangkad ito sa akin dahil sa malayong apoy na nagsisilbing ilaw para makita kong isang lalaki ito, iiniisip ko kung sino ba sa mga kaklase kong lalaki ang mas matangkad sa akin. Oliver is taller than me but I am sure that this guy is not Oliver dahil mas matangkad ito kay Oliver. Edmundo is also taller than me but this person's physique is shouting that he is not Edmundo.
Sino ba kasi 'to?!
Rinig ko pa rin ang sigawan ng lahat, nagkakagulo na dahil medyo lumalaki na ang apoy. Nang makalagpas sa dagat ng mga tao ay lumabas kami sa isang exit na kailanman ay hindi ko pa nakikita because it was hidden.
Paglabas namin roon ay hindi pa rin kami tumigil sa pagtakbo hanggat hindi kami nakakalayo sa court.
Ilang minuto pa kaming tumatakbo hanggang sa makarating kami ng parking lot, unti unti itong tumigil at kita kong hingal na hingal na, kahit ako'y pawis na pawis na rin at siguro'y hulas na ang make up dahil sa pag-iyak simula pa kanina. Bigla kong naramdaman ang pagsakit ng mga paa ko, hindi ko rin alam kung paano ako nakatakbo ng ganun kalayo gayong naka-heels ako. May iilang tao ring nagtatakbuhan sa parking lot, ang iba'y sumasakay na sa kani-kanilang mga kotse.
Hindi pa rin binibitawan ng lalaki ang kamay ko, kaya kahit hingal ay pinilit kong maaninag ang mukha nito.
Sa sobrang kagustuhan kong makita siya ay siya na mismo ang humarap sa akin.
I was so shocked when I saw Lux infront of me!
Hindi ko na alam ang itsura ko habang kaharap siya, basta ang alam ko lang ay mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko at sinubukan kong ipangpunas iyon sa aking mukha.
"How are you?" tanong niya.
"I-I'm fine..." sagot ko at sinubukan nang hanapin ang panyo ko sa loob ng aking purse ngunit hindi ko ito mahanap.
Nang mapansin niyang nahihirapan ako sa paghanap ng panyo ko'y nilahad niya ang kanyang sariling panyo, tinitigan ko muna ito at kinuha rin kalaunan.
"T-Thanks..."
Tatjana, you're stuttering again.
Hinayaan niya akong magpunas ng mga natirang luha sa pisngi bago ulit nagsalita.
"I'm sorry about that..." tukoy niya sa paghila niya sakin kanina.
"No, it's fine, d-dapat pa nga akong magpasalamat," saad ko at tiningala siya.
"I saw your cousin Mavy, umiiyak siya habang hinahanap ka, she's already with Ysrael and your other cousins, at ikaw lang ang nahiwalay sakanila," nakinig ako sa paliwanag niya, "Ysrael asked me to help them find you, that's why..."
I just nodded and started to wipe my face again using his white handkerchief.
"Tatjana!" napalingon ako sa likod ko nang may marinig na sigaw mula roon.
Nakita ko ang aking mga pinsan at si Mavy ang nagmamadaling tumakbo patungo sa akin ngayon.
"Tatja, I'm sorry for leaving you!" si Mavy at tuluyan ng umiyak sa mga balikat ko.