"Joke lang naniwala ka naman agad" walang gana kong sagot
"Alam mo sabi nila ha?! NILA! Hindi ako" oh di sinong nagsabi sa sinasabi mo?! Ala nga namang ako diba?!
"Kamukha ko daw si James Reid" mabilis akong napatingin sa mukha nya para i-check kung nilalagnat sya o nagdi-diliryo na.....grabe! Nagha-halucinate na pala sya!
"Naniniwala ka naman ba?!" Hindi ko maiwasang maintriga kasi bukod sa muscles nya wala na syang ibang Asset!
"gusto ko na ngang maniwala eh!"
"Oh?! Saan ka pupunta?!"
"Susuka lang" Grabe! Di ko na kaya Nakakasuka!
Umalis na ako para magpalamig muna! Pumunta ako doon sa may iskinita tsaka ako naghilamos doon sa tubig na tumutulo mula sa bubong tsaka may balde na sumasalo doon sa tubig na 'yon di na ako nakihati doon sa pusa na umiinom sa balde at doon nalang ako sa waterfalls naghilamos tsaka na ako bumalik doon sa bench.....buti wala na sya
"Oh!" Tapik nya sa kamay ko habang inaabot yung ice cream sa akin. Buti bumili sya?! At buti namigay sya? Kinuha ko na yon kasi gutom na rin ako eh!
"Alam mo ba birthday ko ngayon?!" Sabi nya sabay subo ng ice cream...kanina hindi! Ngayon oo! Kasasabi mo lang eh! ikaw ba alam mo ang bithday ko?! Hindi di ba?!
"Pero walang bumati sa akin....ganito pala kapag alone noh?!" Bipolar?! Wala na toh! Malala na!
"Alone kalang pero hindi ka lonely" malay nyo maka-comfort sa kanya...hindi ako magaling sa pagpapayo kasi si hayley ang laging nagpapayo sa amin pero sa prangkahan! Dyan ako magaling Kapag nagbibigay ako ng advice kadalasan o madalas walang kwenta!
"Ang gusto ko lang naman ay may bumati sa akin ng 'Happy birthday!' Yung mga ga'non?!" Nagpaparinig ba 'to?! Pwede naman nyang sabihin na "uy! Birthday ko ngayon! Libre mo 'ko!"
"Oh saan ka pupunta?!" Hawak nya sa kamay ko para pigilan
"Susuka ka ulit?!" -_-; grabe bat ba ko nakikipag usap sa ampaw na to?!
"May kukunin lang ako" binitiwan nya na ako tsa ako pumunta doon sa eskinita kanina para kunin yung timbang pinag-inuman nung pusa nalasing na ata kaya nakatulog na. Binuhat ko yung timba tsaka ako hinayhinay na dumaan sa likod nya para hindi nya mahulata
*buggssshhhh
"Happy birthday!" Sigaw ko habang naka taas pa yung mga kamay ko sa ere oh?! Anong ng yare!? Kala ko ba yun ang gusto nya?! Bat naka kunot yung noo nya?!~_~ bipolar
"Oh?! Kala ko ba yun ang gusto mo?!"
"Hahaha!! Nakakatawa ka pala?! Sa una kalang pala masungit noh?!" Tsk! Kala mo lang yun! Maraming namamatay sa maling akala!!
"Tinupad mo yung wish ko! Ikaw ang kauna-unahang bumati sa akin!" Tsk! Babaw ng kaligayahan nito!
"At dahil dyan! Bibigyan kita ng isang wish!" Wish?! Nasa wish ko lang ba ako?! Na-goodsamaritan pala ako eh! Teka! Skies the limit ba 'to!? Asan si viki morales
"Hoy!? Sinong sinisilip-silip mo dyan?!" Ito naman! Kunwari pa! alam ko na kaya!
BINABASA MO ANG
Ugly Ducklings
Humoronce upon a time in a modern time. there are five Ugly girls who dreamed to be love once love by their prince charming....... Sabi nila...NILA HA! Hindi ako O kami! Nagkakaintindihan ba tayo?! sagot! Tango! Good! Good dog! Sabi nila kami daw ang: Ka...
Ugly 4: Punishment
Magsimula sa umpisa