Chapter Sixteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Umalis ka na nga. Bumalik ka na nga don" reklamo nito at tinulak ako pero hindi naman niya kaya. Natatawa ako kasi para siyang teen na tinutulak papalalis ang magulang niya dahil nahihiya siya.

Sumuko na ito at inayos ang buhok niya. "Kainis ka talaga!" Inis na sambit nito at napakamot sa batok niya.

"Goodnight darling" pang aasar ko. Namula ang pisngi niya.

"Aishhh! Umalis ka na nga!" Inis na saad nito muli at tumalikod. Natawa na lang ako at umalis roon. Ang sarap niyang asarin.

Umupo ako sa upuan at lumagok ng alak. Nakakailang shot narin ako. Medyo nahihilo pa ako. May tumapik sa balikat ko.

"Ian, gising" saad ng kuya niya at inalalayan akong tumayo. Parang pa akyat kami. Naramdaman ko na lang na naka higa ako sa malambot na kama. Narinig ko ang pagsara ng pintoan. Dahil lasing na ako at inaantok pa ay naka tulig agad ako...

****

May sinag ng araw ang tumama sa aking mukha kaya napabangon ako. Napansin ko hindi ko ito kwarto. Ang huli kong naalala ay nasa pool area pa ako. Teka! Natulog ako sa bahay nila. May kumatok sa pintoan. Pumasok siya may dalang pagkain.

"Anong oras na?" Tanong ko. Inilapag na muna niya ang pag kain sa table na nasa tabi ng kama.

"11:00 a.m. na" sagot nito. Late na ako sa klase.

"Wag kang mag alala kagabi dineclare ng administration office na walang pasok ngayon kasi lilinisin nila ang skwelahan" saad nito. Lalabas na sana siya ng magtanong ako.

"Asan ako?" Kahit alam kong nasaan ako ay gusto kong makasigurado.

"Nasa bahay namin. Lasing ka na kaya  hindi ka na namin pina uwi" sagot nito at lumabas. Kinuha ko ang sabaw at humigop.
 
Tapos na akong kumain. Inilapag ko ito sa table at tumayo. Binuksan ko ang bintana at lumanghap ng sariwang hangin. Bakit di ko pa sabihin? Wala pa akong lakas ng loob. Mahihirapan ako kasi malapit na sila ng ex niya. Am I coward to tell her the truth? Why is it easy to think but it's hard to do and say?

"Uuwi ka na ba?" Tanong nito na nasa tabi ko na pala. Tumango ako at isinara ang bintana. Napatingin ako sa kanya. Shit! yung labi niya. Medyo inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili pero ayaw eh.

Namalayan ko na lang na naidikit ko na siya sa pader. Hinalikan ko siya ng parang wala nang bukas. Una ay nabigla siya pero tumugon naman ito. I want to stop but I can't. Tumigil muna ako para maka kuha ng hangin. Hingal na hingal kaming dalawa. Hinalikan ko mulu siya. Shit! I'm craving for this lips.

"I-Ian" mahina na tawag nito. Bumaba na ang halik ko sa leeg niya. Nagulat ako nang tinulak niya ako nang buong pwersa. Napalayo ako sa kanya.

"Ano bang ginawa mo?! Bastos!" Sabi nito at sinampal ako. Tumakbo na siya papalabas. Na iwan akong tulala. Ano bang ginawa ko?

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Nakita ko siya sa balcony kasama ang isang babae. Siguro siya yung binuntis ng kuya niya.

"Napahaba tulog mo ah" sulpot ng kuya niya na nasa gilid ko.

"Salamat pala ah. Ma una na ako" pa alam ko at tumango naman siya. Agad akong lumabas sa bahay nila ng hindi siya nilingon. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurut ito.

Umuwi muna ako para mag bihis. Pagakatapos nun ay pumunta ako sa burol. Isa ito sa mga lugar na tambayan ko. Ipinarada ko ang kotse ko sa tabi at pumunta sa burol. Umupo ako sa ugat ng kahoy.

Sometimes I want to be alone. Ewan ko parang ang payapa pag mag isa ka. Kinuha ko ang cellphone ko. May mga missed calls ni mommy. Tinawagan ko si mommy. Agad naman itong sumagot.

"Iannn! Bat hindi mo sinasagot ang tawag ko?!"

"Mom tulog mantika po kasi ako"

"Hayyy! Kumusta ka na riyan?"

"Ayos lang ako mom. Kailan po kayo uuwi rito?"

"Next week ata anak. May surprise ako pag uwi ko"

"Okay mom, bye"

"Bye sige ingat ka diyan babyboy"

"Mom!"

"Hahaha"

Si mommy talaga tinatawag pa ako nang baby boy ang laki ko na. Miss ko na siya. Parang hindi maganda ang surprise ni mama.

Napapikit na lang ako. Narinig ko ang makina ng sasakyan. Nilingon ko ito. Grupo nila Cooper. Naka maskara ng pula si Cooper. Masama ang mangyayari nito ah......

*******
Enjoy Reading and Thank you for reading!
-CuteyyComet

Don't forget to comment and vote palangga! Gihigugma tika mo!

Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon