"Any last word, Mr. Chaves?" tanong nito. Nginitian ko ito kahit na alam kong hindi naman niya 'yon nakikita.

"G*g*, sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko sa kaniya. Sabay dura sa mukha nito.

"Hayop ka!" bigla akong sinuntok nito at halos mauntog ako sa isang matigas na bagay. "Tol, pakihawakan 'yan," narinig kong sabi ni Baron sa mga tauhan niya. Maya-maya pa ay may dalawang kamay na kumapit sa magkabila kong braso.

"Alam mo gusto kitang patayin ngayon dahil sa pang-aagaw mo sa akin kay Mark." Ramdam ko ang gigil at galit habang sinasabi niya iyon. "Ito para sa pang-aagaw mo sa akin kay Mark!" sigaw nito, sabay sapak sa mukha ko.

"Ito naman para sa nakakabwisit mong mukha!" Sinipa naman ako nito sa tiyan.

Kaunti na lang ay malapit nang bumigay ang katawan ko pero lalaban ako hanggang sa kaya ko. Hindi puwedeng dito matapos ang buhay ko at sa kamay pa ng hayop na si Baron.

"Boss, tama na baka mapatay natin ito lagot tayo kay Ma'am Trixie," narinig kong sabi ng isang lalaki. Napangiti ako nang mapait. Alam kong sangkot din dito si Trixie, nagawa na niya ito dati. Pinabugbog niya rin ako at halos mapatay na niya ako noon dahil sa pagseselos.

At mas lalo akong kinakabahan dahil baka ganito rin ang gawin niya kay Mark.

Matagal bago magsalita si Baron.

"Sige." Dahan-dahan na lumapit sa akin si Baron at nanggigigil na hinawakan ako sa aking panga. Pero sa oras na magsumbong ka sa mga pulis, mananagot ka sa akin. Kayong dalawa ni Mark. Maliwanag ba 'yon?" bulong nito sa akin. Bahagya siyang lumayo, ramdam ko ang mga matatalim niyang titig sa akin na para bang gusto na niya akong tuluyang patayin.

"Hindi ako tanga Baron, gagawin ko ang lahat para mabulok kayong dalawa sa kulungan ni Trixie," matapang kong sagot sa kaniya.

Maya-maya pa ay nasilaw ako nang biglang may umilaw sa mukha ko at dahil doon ay nakita ko ang demonyong mukha ni Baron. Isang malademonyong ngiti ang gumuhit sa mukha ni Baron, habang nag-aalab sa galit ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.

"Tignan na lang natin kung mabuhay ka pa sa gagawin ko sa 'yo," he said.

Napansin kong may dinukot siya sa kaniyang tagiliran. Natulala ako nang makita ko ang isang matulis at kumikinang na bagay na hawak-hawak niya ngayon. Bigla niya itong itinutok sa aking leeg kaya bigla akong nag-panic.

"Boss, teka, ang usapan ay bubugbugin lang natin siya. Wala naman sa usapan na kailangan siyang patayin," narinig kong sabi ng isang tauhan niya.

"Manahimik ka!" sigaw niya doon sa nagsalita. Para bang isang demonyo si Baron ngayon. "Mas mabuti pa ngang mamatay na ang walang hiyang ito, para wala na akong kahati kay Mark," sabi nito habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.

All this time hindi ko man lang nahalata ang plano ni Trixie. Wala akong kaalam-alam na ganito ang mangyayari sa akin. Ni hindi ko alam na kaya niya ulit itong gawin.

"Sige bitawan nyo na 'yan!" Halos bumagsak ang katawan ko sa maalikabok na lupa. Bigla akong kinuwelyuhan ni Baron and without a second thought ay naramdaman ko na lang na isinaksak ni Baron sa tagiliran ko ang hawak niyang kutsilyo.

Namanhid ang buo kong katawan. Halos mapasigaw ako nang idiin pa ni Baron ang pagkakasaksak mula doon.

"W-walang h-hiya k-ka," nahihirapan kong bulong. Bumagsak muli ang katawan ko sa lupa at narinig ko na lang ang malalakas nilang mga tawanan.

Maya-maya pa ay isa-isa na rin silang nagsialisan. Pinilit kong gumapang kahit na hinang-hina na ako. Sinandal ko ang katawan ko sa isang pader. I took my cellphone from my pocket at agad na tinipa ang number ni Mark.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon