"Look, I don't care kung hindi niya sinabi sa akin." Rinig sa tuno ko ang bahagyang pagkainis. Totoo naman, I don't care. I'm too pissed right now para isipin pa siya. And I'm not even sure kung bakit ako naiinis ng ganito.

"Okay fine. Chill. So what can you say about Dwayne? Isn't he charming?" Samael asked wearing that fucking smile again.

"No," I answered coldly. I look straight at him and said, "Look Sam—or whatever you want me to fucking call you, I'm not in the mood right now. Cut it off. Tell me kung ano bang sasabihin mo. I don't have eons to put up on crap."

"Hmm. Wala naman akong sasabihin. You know I can't tell their desires if they want me to keep it a secret. I just want to say that Dwayne is KM's co-pianist," Samael said emphasizing 'co-pianist' before he left. I don't really get his shit.

The light's turned off.

Bumukas ang spotlight at tumutok ito sa mini-stage sa gitna ng Laviz kung saan naroon ang piano ni Samael. Nagsimulang lumikha ng malamig at mahinahong tugtog ang piano. Then, there, I saw KM with Dwayne doing a piano duet.

Jethro Sanchez

Nang makarating ako sa Laviz ay nadatnan kong nagsisimula nang magperform si KM. Nakita ko na may kasama itong lalaki habang tumutugtog. Nagpipiano duet sila. Ang cool talaga ni KM—same with that guy. They actually look good together—Yeah! Great idea! Pwede namin silang ipag-blind date. Para naman magkaroon na ng lovelife si KM.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Julius.

"Oy!" masayang bati niya saka ako sinalubong ng yakap.

"Buti nakarating ka. Tignan mo yung lalaking kasama ni Ate KM. Gwapo diba?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Type mo ba?" seryosong tanong ko na tinawanan niya lang.

"Toyo ka talaga. Tinatanong ko lang kung gwapo kasi bet ko siya sa kapatid ko. Balita ko co-pianist niya yan. Saka mukhang mabait naman."

Tinanguan ko lang siya bilang pagsang-ayon. "May problema ka ba?" kunot-noong tanong niya.

"Wala, ano ka ba?" pagsisinungaling ko. Madami akong problema, oo. Napakadami. Pero hindi naman lahat ng problema ay to be shared. Lahat ng tao may problema, ayoko ng dumagdag pa sa pinoproblema nila.

"Kung may prolema ka sabihin mo lang hindi magandang kinikimkim yan," payo niya sa akin.

"Okay lang ako. Saka ayokong sirain 'tong moment ni KM. Next time ko na lang sasabihin sa inyo," ani ko saka ko siya nginitian upang iparating na okay lang ako. Nagpaalam na ako sa kaniya at tumabi kay Felix na kasalukuyang nakaupo sa counter.

"Brad, ba't naman gold digger yung pinakilala mo sa 'kin?" agad kong tanong nang makaupo ako. Ininom ko ang alak na hawak niya ngunit pinanlisikan niya lang ako ng mata. Oh ow, badtrip si mokong.

"Oh? Ano nangyari sayo?" tanong ko saka ibinalik sa kaniya ang baso dahil baka mamaya bugahan na ako niyan ng apoy. Malay ko ba kung may lahing dragon pala si Felix.

"Red Horse, dalawa." Sumenyas siya sa bartender gamit ang kaniyang daliri.

Lumagok muna siya ng alak bago niya ako sagutin. "I saw two dickheads," sagot niya.

"What?! Bukod sa meron ka na, kanino ka pa nakakita? Wag mong sabihing—" gulat na reaksyon ko at ipinakita pa ang nanlalaki kong mga mata.

"Bobo ka ba?" tugon naman niya. Aray naman, bobo agad? Hindi ba pwede joke lang?

"Nakik—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Ate Val sa amin at inakbayan kaming dalawa ni Felix.

"Ano bang in-eemo niyo dyan? Move! Move!" utos niya saka kami hinila.


Kyrie Maius "KM" Apostello

Today is a special day. Maraming rason kung bakit espesyal ang araw na 'to. Una, dahil first time kong tutugtog sa Laviz. Well, normal naman 'to at hindi naman talaga siya actually first time pero kasi—iba 'to. Ang gulo ko, pero iba siya I can feel it. Isa pa ka-duet ko si Dwayne. Si Dwayne?! Imagine that? Idol na idol ko 'to tapos makaka-duet ko siya? Dream come true na mga 'teh!

Pero ang pinakarason kung bakit espesyal ang araw na 'to ay dahil manonood na magkasama ang mga magulang ko. After 12 years of prayers, finally isa na akong magaling na pianista, and finally, both of my parents are here para panoorin ako.

"Hey, are you ready?" tanong ni Dwayne na nagbalik sa akin sa realidad.

"Medyo kinakabahan lang," amin ko. My palms are sweating and my heart is beating sooo fast. Para bang gustong kumawala sa ribs ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat at iharap sa kaniya. Mainam na nakatitig sa akin ang kaniyang berdeng mga mata na mas lalong nagpabilis sa nagwawala kong puso.

"You can do it. Trust me and trust yourself, okay?" payo niya, giving me a gentle smile.

"Paano kung magkamali ako?" Kanina hindi naman ako kinakabahan. Pero sa lagay namin ngayon kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa ibang bagay.

Nagulat ako ng bigla niya kong hilahin palapit sa kaniya upang yakapin. Ipinaraan niya ang kaniyang mga daliri sa aking buhok.

"You're great KM. Stop overthinking. I'm here for you kung magkamali ka man. Sasaluhin ko 'yun. Hindi naman kasi lahat ng pagkakamali ay pangit ang kinakalabasan." Tumawa siya ng bahagya bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Kinuha niya ang kamay ko saka kami pumunta sa stage kung nasaan ang piano ni Samael.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Natatakot ako na baka magkamali akong muli.

══════⊰✾⊱⊰✾⊱══════

6 years ago...

Third person POV

Malalim na ang gabi at tahimik ang paligid. Tanging musiko lamang mula sa isang piyano ang maririnig. Ang musiko ay nagmumula sa isang kwarto; kwartong tila pagmamay-ari ng isang prinsesa. Sa harap ng piyano na lumilikha ng madamdaming musiko ay nakaupo ang isang napakagandang babae. Napaganda nitong pagmasdan habang tumutugtog. Ngunit may saliw na lungkot ang bawat musikong nililikha niya. Nang matapos na ang kaniyang pagtugtog ay nagsalita siya.

"Alam kong nasiyahan ka sa aking tugtog. Hindi mo na kailangan pang magtago," bigkas ng babae.

Pagkasabi niya nito ay lumabas ang isang matipunong lalaki sa bintana ng kaniyang kwarto. Nagulat ang dalaga at agad itong nilapitan.

"Papaano?—" paputol na sabi niya, "Papaano ka nakaakyat dito? Ang kwarto ko'y nasa ikalawang palapag ng bahay na ito," gulat at manghang bigkas ng dalaga.

Nginitian lamang siya ng binata. Isang ngiting nakakaloko. Ngiting nakakatunaw ng puso; Ngiting magpapabilis ng tibok ng puso at magpapabagal ng minuto.

"Maaari ba tayong tumugtog na magkasama?" ngiting tanong ng binata. Makikita mo ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Ang kaniyang mapulang labi na tila ba nilagyan ng pampakulay upang maging matingkad ito't maging kaaya-aya. Ang kaniyang mga mata'y kumukurba sa tuwing siya'y ngumingiti. Kapansin-pansin din ang makapal niyang kilay at mahahabang pilik mata na nagpapatingkad sa mapupungay niyang mga mata.

Tumango ang dalaga bilang pagsang-ayon. Dahil sino ba namang mortal na tao ang makatatanggi?

Inabot sila ng ilang oras sa pagtugtog. Makikita mo ang saya sa kanilang ginagawa. Ang kanina'y malungkot na pagtugtog ng dalaga ay napunan ng saya at ligaya.

"Hindi ko man nais, ngunit kailangan ko nang lumisan. Lubhang napakasaya na masama ka ngayong gabi, binibini," paalam ng binata.

Lumapit ito sa bintana at tumalon mula roon. Agad namang sumunod ang dalaga sa bintana at sumigaw, "Ako si Psyche! At masaya din akong makasama ka!" ngunit hindi na niya nakita ang binata sa dilim.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now