"Wow!" manghang sabi ko nang matanaw ang dagat pagkatapos ng nakita kong bahay.
Muli kong inangat ang polaroid camera ko at itinapat sa kagandahang natatanaw. It's a beach island that attracts people because of its elegant simplicity. It's the clear waters, rocky mountains, and shady shores that would surely make you want to live your life here. Bukod sa hampas ng alon sa dalampasigan, ang ihip ng malakas na hangin at huni ng mga ibon ang tanging ingay sa lugar na iyon.
Nangingiti akong humakbang para malapitan ang dagat. Hindi ako nagsising lumabas ako at dito ako dinala ng mga paa ko.
I'm not really the type of a lady who's into beach. Minsan nagbabakasyon kami at nakakapunta sa mga ganito pero hindi ko masasabing ganito ang hilig ko. But now, I think I would love to be here more often.
"First time?"
Nilihis ko ang paninitig ko sa dagat dahil sa boses. A tall man with brown skin and broad shoulders is standing few meters away from where I was standing.
Sumilay ang ngiti sa labi niya at iniwas ang tingin sa akin. "Mali," aniya. "Sigurado akong nakakapunta ka na sa mga ganito,"
Nanliit ang mata kong tinitignan siya. Maayos ang gupit at makinis ang morenong balat na suot ng puting t-shirt at faded na maong short. I looked at him from head to toe. He looks like someone. Halos pareho sila ng built ng katawan at kulay. Their only difference is that he seems unharmful and nice while the blurred person at the back of my mind is ruthless and snobbish.
"Bago ka lang rito?"
Nag-aalangan pa akong sumagot pero sa huli ay tumango ako.
"I see," tango rin niya saka humalukipkip. "Ngayon lang kita nakita,"
Hindi ako sumagot kaya umiwas ako ng tingin. Pinanood ko kung paano gumalaw ang tubig. Sa gilid ko ay naramdaman ko ang paghakbang niya palapit. I turned to him.
"Thaddeus," he said cooly as his large right hand hang in the air waiting for a handshake. "Theo na lang,"
Tinanggap ko ang kamay niya. Sa ilang linggo ko rito ay hindi ako nakikipagkamay dahil iba ang tingin ko sa kanila. Itinatak ko sa isip ko na magkaiba kami ng buhay. That they shouldn't exceed on the line I drew.
"Rose," pagpapakilala ko.
A moment of silence after we shook hands.
"Taga maynila ka, tama?" tanong niya.
"Oo," tipid kong sagot saka tinignan ang kinuhanan kong larawan kanina.
"Nandito ka para magbakasyon?" dagdag pa niya habang humahakukipkip at pinapanood ako sa ginagawa.
Umiling ako pagkalingon ko sa kanya. "Dito ako mag-aaral," dismaya kong sabi at muling ginalaw ang polaroid.
Kinuhanan ko ng litrato ang paa ko na nakaapak sa pinong buhangin. Nilingon ko siya nang tumawa siya sa mababang boses.
"Halatang ayaw mo rito sa tono mo palang," puna niya.
Huminga ako ng malalim. "I have no choice kaya nga naghahanap na lang ako nang mapaglilibangan dahil wala akong ginagawa sa bahay,"
"Paano mo nalaman ang daan papunta rito?" tanong niya.
Ngumuso ako at tumitig sa malayong dagat.
"I don't know," kibit balikat ko. "Naglakad-lakad lang ako tapos dito ako dinala ng mga paa ko,"
"Hula ko ay malayo pa ang bahay niyo rito," he surmised. "Kasi kung malapit ka lang mamumukhaan na kita,"
Nilingon ko siya. "Saan ba ang bahay niyo?"
The side of his lips rose. Bahagya siyang gumilid at nginuso ang bahay na tinutukoy ko kanina. My brows furrowed at that. Hindi naman nakakapagtaka pero nagulat pa rin ako.
"Anong trabaho ng papa mo?" kuryosong tanong ko.
"Mangingisda," sagot niya.
"What about your mother?"
"Nagtitinda sa bayan," aniya at nakitaan ko ng multo ng ngiti ang mukha niya. "Ibang-iba sa buhay mo,"
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. For the first time, I was a bit alarmed that somehow or deep inside, he felt offended.
Mas lalo siyang ngumiti kaya napatitig ako sa kanya. Mukha talaga siyang mabait at palangiti. Hindi gaya ng naiisip ko no'ng unang dating ko rito.
"Gusto ko sanang imbitahin ka sa bahay kaya lang baka hindi mo magustuhan ang ayos no'n. Hindi kami mayaman," muli siyang natawa.
"A-Ahh," Kumurap ako at dahan-dahang umiling. "Ayos l-lang..."
"Ayos lang?" nagtaas siya ng kilay.
Kinagat ko ang labi ko. "I mean, ayos lang kung imbitahin mo ako," mahinang sabi ko dahil bahagya akong nahiya.
He was shocked and he stared at me. "Sigurado ka?"
Maagap akong tumango at binaba ang tingin sa mga paa. Napansin ko ang kaunting pagbabago sa akin. Nag-iba ang tungo ko sa tao rito. Well, mukha naman talaga kasi siyang mabait at alam kong walang mangyayaring masama sa akin.
"Halika, magmeryenda tayo," aniya saka naunang maglakad patungo sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
RomanceRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...
Kabanata 4
Magsimula sa umpisa