Chapter 13: Jealousy

Magsimula sa umpisa
                                    

Oowwkeeey...mukhang matatagalan kami sa paghahanap ah. Hanep!

Lumapit sakin ang pulis kanina. "Ano po ba ang pangalan ng biktima na hinahanap niyo? Ako na po ang maghahanap para hindi na kayo mahirapan." pag alok niya.

Umiling lang ako. "No need. May kasama naman ako na assistant, kaya kami na lang ang maghahanap. Naabala na kita dahil dito, ayoko ng dumagdag." sagot ko sa kanya.

Ngumiti naman ito. "Totoo nga balita, ang bait bait niyo nga talaga ma'am...sige po maiwan ko na kayo...take your time po." pagpapaalam niya.

Ngumiti lang ako at tumango. Pagkalabas niya ay saka ko binalik ang blanko ko na mukha. Nakakangalay din pala ang ngumiti lagi.

Sinimulan ko na ang paghahanap at naisip ko para hindi kami matagalan, kinuha ko lahat ang mga pangalan na may letter G sa unahan sa lahat ng section. Pinatong ko lahat sa isang table at saka ini-isa isa ko na sinilip ang mga file.

Napansin ko na tumulong na din sa paghahanap si luke pero habang binabasa ang isang file, nararamdaman ko ang patingin tingin niya sakin. Alam ko kung bakit siya umaakto ng ganito. He's confused.

"Kaya ko iyon ginawa para payagan niya tayo na pumasok dito...dahil kung magpapakilala tayo bilang sibilyan, hindi niya sasabihin o papayagan na malaman natin ang nangyari kay gab-gab...dahil lahat ng nandito, lahat iyan confidential. Mga authoridad lang ang may kaya na pumasok dito kaya ako nagpanggap." paliwanag ko sa kanya habang nagbabasa pa rin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ilang saglit lang ay tumahimik na ito at nagbasa na lang.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na ang file na hinahanap namin. At napataas ang gilid ng labi ko dahil tama nga ang hinala ko. Binayaran niya ang dating chief ng police para maalis ang pangalan niya sa suspect.





Name : Gabriella Reid
Age: 19 years old
Place:
Cause: Victim of Hit-and-run Accident
Suspect: Unknown
Admitted to: Perez Medical Centre

She's admitted to captain's hospital? So it means, bago niya ako nagawa...nawawala na pala ang babae at na-ospital pa ito dito bago nawala.

"Mukhang wala naman dito eh." pagsuko ni luke at inayos ang sumbrero na suot niya.

Sasabihin ko ba? Pero paano kung...nandoon nga siya sa hospital at komatos lang ito kaya hindi makita ni luke? O di kaya'y nagtrabaho na ito dito at iniba ang pangalan. Paano na?

Ano'ng paano na Ace? Huwag mong sabihin na natatakot ka na baka mawalay sayo si luke at bumalik sa kanya? Tandaan mo, wala kang karapatan sa kanya para pigilan mo siya sa paghahanap sa kanya.

Huminga ako ng malalim dahil sa naisip. Tama! Hindi ko dapat iniisip ang mga ganoon bagay. Hindi naman siya sakin.

Binigay ko kay luke ang file na hawak ko. Nagtaka naman ito pero kinuha na lang niya at binasa. Habang binabasa niya ang nasa loob ng file, nakikita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon. Lungkot, tuwa, nagagalak at nasasabik ito.

Tumingin siya sakin na may masayang ngiti. "Finally! Mahahanap na natin siya." masaya na sabi nito at tumingin ulit sa file. Pero ilang saglit lang ay biglang nagtaka ang itsura ng mukha niya habang nakatingin sa file. "Bakit unknown ang suspect?" tumingin ito sakin. "Hindi ba nila nakita ang suspect? O baka hindi nila hinuli?" naguguluhan niyang tanong.

Ilang segundo lang ako nakatingin sa kanya bago kinuha ang file at tiniklop ito habang nakatingin parin sa kanya. "Hindi na importante iyon...sa ngayon, ang importante ay mahanap natin siya..." sagot ko sa kanya at tumayo. "Kaya halika na, bago pa nila ako mabuking." pag aya ko sa kanya at nauna ng lumabas.

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon