"sh*tt... " napahawak ako sa dibdib ko dahil ang tanging liwanag na naggagaling sa pintuan nitong bodega ay nawala.
Nawala ang balanse ng katawan ko kaya tuluyan akong napaupo sa may sofa dahilan para magsi angatan lahat ng alikabok sa ere.
"*ohok ...*ohok..."
Naninikip parin ang dibdib ko at pilit na hinahabol ang paghinga ko, namalayan ko nalang ang sarili kong nasa may door knob nako at saktong pagbukas nito ang bagbagsak ko sa sahig
"*hahhhh *hoohh *hahhh *hoohh"
Paghahabol ko sa hininga ko at pagpiga ng dibdib ko dahil sa paninikip nito.
"HOY!!! lance bata ka anong nangyari sayo?! " paglapit ni Lola Ides sakin.
I feel safe as she approached me kasabay ng mahigpit ng pag-haplos nito sa likod ko kaya lumuwag naman ang pag hinga ko.
"Sandali!!" pag balik ni lola may dala itong tubig at pamaypay.
"May asthma kaba?! " Nag-a-alalang tanong nito habang pinapaypayan ako.
"Nako.... Buti nalang at sumunod ako jusko!! "
"Okay napo ako.. Salamat p-"
"Buti naman at hindi kapa namatay, anong drama pinag-ga-gagawa mo!!?.... " salubong ang kilay nitong tingin sakin, pero hindi ko magawang titigan din ito ng masama dahil hindi naman nya siguro intensyon na sarahan ako ng pinto dun sa loob.
"Wag ka ng mag-inarte...sa may garden may ipapagawa ako sau!! " bago paman ako makasagot tuluyan na itong tumalikod samin na parang walang nangyari.
Napatingin naman si Lola sakin...
"Ahhh.. Wag na, ako na, umakyat ka na dun at maghanap ng kwarto mo" nagulat ako dahil sa pag haplos ni lola sa buhok ko, parang si nanay
"Okay na po ako, kaya ko naman po" nagpunas ako ng mga luhang nagtatangkang traydorin ako.
"Sigurado kaba? baka mapano ka. Pagpasensyahan mo nadin yan si Ser Shin ganyan daw yan sabi ni madam Reigh,bago palang ako dito kaya wala akong alam sa pamilya nila." ngumiti lang ako sa kanya.
"Ayuss lang po, saka unang trabaho ko dito ayoko pong sumama ang tingin nila sakin, kelangan ko pa naman po ng pera ngayon."
"Ohhhh sya, Ayus kana ba talaga?" tumango lang ako bilang tugon.
"Mga bata nga naman oh oh ....sige pumunta kana ako na bahala dito sa bodega"
"Maraming salamat po nay" nabigla ako sa pagbitaw ko ng salitang yun pero ang sarap pa palang bigkasin ang salitang yan, masarap palang may tinatawag kang nanay.
"Ayus lang ANAK mas maganda pakinggan! " ngumiti ako at tumalikod sakanya.
Napigilan ko kanina ang luha ko pero ngayon sabay na silang tumulo kaya tumingala lang ako't ngumiti sa kawalan.
'Nay kamusta po?' bulong ko sa sarili ko sabay pahid ng luhang tumulo sa mukha ko.
.
.
.
Pagkarating ko sa garden nakatalikod si Shin sa may tapat ng pool kaya lumapit ako sakanya na sya namang pagbaling nito paharap sakin.
"Ano po yun sir? " diring-diri itong nakatingin sakin suot ang mapanghusgang mata nitong inuusisa ako mula ulo hanggang paa.
"Could you please distance your self from me ...wag ka masyadong lumapit sakin ...nakakasuka!" kahit bulong yung huling salita nya narinig ko parin.
BINABASA MO ANG
I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)
FanfictionHis last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined... His difference makes him nobody from them... He's the toy of all... But... what if, when he wak...
CHAPTER 7
Magsimula sa umpisa