Ikalabing Walong Pimpy ni Ara(Buking)

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad naman akong pumunta sa banyo. Para kumuha ng bimpo at binasa ito.

Nag-aalangan na ko kung huhubaran ko ba sya para punasan. May nagsasabi sakin "Go na! Ara! Choosy pa?" Kaya hinubaran ko na sya.

Habang pinupunasan ko sya tumutulo ang laway ko. Ang aga ng umagahan ko ah. Nakaboxer na lang sya at may nakatayo sa gitna. Pinunasan ko yung abs nya. Bigla akong may nasanggi na matigas. Ay! Tuhod nya pala yun! Kala ko naman kung ano. Dinamitan ko sya at kinausap.

"Ok ka lang ba? Oi sumagot ka naman!" sabi ko sa kanya. Pero hilik ang narinig ko. Nakatulog na sya. Hay! Alas singko na pala. Nahiga na rin ako at niyakap sya. :) Paalis pagod

JJ POV:

Nagtapat ang muka namin ni Ara. Hahalikan ko na sana. Hindi ko kasi alam kung ano hahalikan sa muka nya ee ang daming umbok di joke lang XD. Kaso napigilan ako ewan ko na kung bakit. Kahit may Amoy yung bunganga nya alam kung hindi yun yung dahilan.

Nilagnat ako at inalagaan ako ni Ara. Sobrang giniginaw ako. Nagulat ako nang bigla nya ako hubaran. Pero di na ko pumalag para naman kahit minsan makakita sya ng MAGANDANG katawan ng isang magandang lalakeng katulad ko. Nakikiliti na ko pero di ko pinapahalata dahil baka sabihin nya nagpapanggap ako.

Bakit ganito ang nararamdaman ko sayo Ara! Ano ka ba talaga sa buhay ko? Mahal na ba kita? Hmmmmmp! Never!

Kinabukasan:

"Good Morning Jj!" bati ko kay Tokmol agad syang nagtakip nga ilong.

"Pwede bang magtoothbrush ka muna bago mo ko batiin. Kung ganyan ka lagi ikamamatay ko?" sabi nya

"Ayaw mo yun. Para mamiss mo. Hahahaha :)" sabi ko sabay tumayo sya

"Binihisan mo ko? Ibig sabihin nakita mo ang pagkalalaki ko? Pinagsamantalahan mo ko!" drama nya

Tumayo na ko.

"Ang arte arte mo. Eh nakita ko naman na yang tinatago mo sa gitna ng hita mo. Ay! Shett! Mag-aalas syete na." taranta kong sabi

Palabas na ako sa kwarto nya na nagmamadali ng biglang:

"Ara!" tawag nya

Lumingon ako:

"Salamat ha!" sabi nya sabay ngiti at kindat

Muntik na kong himatayin. Kinagat ko yung daliri ko at nagpacute.

"Kese nemen ee." sabi ko

"Yak nakakatacute! Hahaha!" BLAGG!(sabay sara ng pinto)

Pagpasok sa school. Di na ko naligo. Maski magtoothbrush di ko nagawa. Hmmmmp. Di ko naman talaga ginagawa. Di rin naplantsa uniform ko. Inaabangan na pala ako ni Barda sa gate.

"Ang tagal mo naman ate Ara! Oh! Bat ganyan itsura mo! Hahabulin ka pa ng plantsa!" sabi nya

"Di uso yun tara na nga!" sabi ko sa kanya.

Lahat ng nasasalubong namin nakatingin sa akin at nakangiti.

"Ikaw si Ara di ba? Ang galing mo nung intrams ah." sabi nung isang babae

"Oo nga. Grabe. Binigyan mo ng pag-asa lahat ng tao dito especially yung mga panget!" sabi naman nung isa

"Selfie naman tayo oh!" sabi nung babae gamit nya camera360 para daw makinis.

Nakaalis na kami ni Barda sa nagkakagulo. Kasi bigla syang umutot kaya nagsialisan sila

"Grabe! Ate Ara! Ang dami mo ng fans. Kaso lahat naman kinakausap mo. Pwede ka ng tumakbong president dito ee." sabi ni Barda

You're So Trying Hard(Wag Mo Nang Ipilit, Masakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon