EPISODE TWENTY ONE

Start from the beginning
                                    

Nanatili ako tahimik at nagpanggap na abala sa pagtingin sa cellphone ko. Natawa ako sa isip ko. Iba din pala talaga ang pakiramdam na topic ka sa isang usapan lalo na't narinig mo mismo harap-harapan.

"Naniniwala ka ba do'n sa sinabi ni Chyne na hindi daw siya natalo nang Klare na 'yon? Kasi nga diba sa video na kumalat pinagtawanan siya ng mga taong ando'n sa araw na 'yon dahil natalo siya."

"Actually hindi ako naniniwala sa sinabi niya, ayaw niya lang aminin na may mas maldita pa sa kanya. Sobrang pikon pa nga siya ng dumating siya sa bahay eh, dahil daw may naka away siya. First time sa tanang buhay niya ang matalo sa sagutan."

Nagtawanan ang dalawa dahil sa mga pinagsasabi nila. Habang tinitingnan sila at naririnig ang mga sinasabi nila. Patunay sila na sasaksakin ka talaga ng itinuring mong kaibigan kapag nakatalikod ka. 'yun ang ginawa ng dalawang babae na 'to sa Chyne na sinasabi nila.

Napatingin ako sa pagbukas ng elevator at pagpasok ng isang staff sa hotel. Siya ata ang babae sa information desk na nakita ko at nagbigay ng susi sa opisina ni Rheajeil noong pumunta ako dito sa hotel para kunin ang employee list sa opisina ni Rheajeil.

Nabigla ako dahil sa pagngiti nito.

"Good morning, miss K," pormal na bati niya.

Kaya pala agad na ngumiti ang staff ng hotel ng makita ako, kahit may suot akong shades ay nakilala niya pa rin ako. Napatingin sa akin ang dalawang babae na pinag-usapan ako kanina lang, at kita sa mukha nila ang pagsisisi dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Good morning," nakangiti kong sagot sa staff. Binigyan ko din ng ngiti ang dalawang babae at agad nilang inalis ang tingin sa pwesto ko.

"Excuse me," sabi ko sa dalawa bago sila tuluyang lumabas sa elevator, agad naman silang tumingin sa pwesto ko.

"Yes?" tanong ng isa na sobrang kapal ng lipstick.

"Huwag mong ubusin ang isang lipstick sa labi mo, nagmumukha kang clown sa sobrang kapal. Ang galing mong manglait tapos ikaw mismo kalait-lait, grow girl."

Tumaas ang kilay niya at nanglilisik ang mga mata dahil sa sinabi ko. Kung akala niya nilalait ko siya, mali siya hindi lahit ang ginawa ko. Describing.

She glared. "Edi, ikaw na maganda."

"Edi, sorry kung di ka maganda!" I grinned. "Next time, wag kayong mag tsismisan kahit saan. Hindi niyo alam kung sino ang makakarinig ng mga sasabihin niyo, luckily hindi ako si Chyne at hindi ko nalaman na sinaksak na pala ako patalikod ng mga tinuring kong kaibigan. Kasi kung ako siya, baka pagsisihan niyo habang buhay ang ginawa niyo."

Nagmadaling hinila ng isang babae ang kasama niya papalabas sa elevator dahil sa pagka-istatwa nito, pagkatapos narinig ang mga sinabi ko.

"Futue te ipsi!" Sigaw niya sa'kin.

(Fuck You!)

Nagmura pa talaga gamit ang latin. Mas lalo akong napangiti, kita sa mukha niya ang sobrang galit. Pikon naman pala ang kaharap ko ngayon.

"Si me rogas, potes abire et ta ipsi cacare,"

(If you ask me, you can go and shit on yourself.)

Her eyes went round. Hindi niya siguro inaasahan na sasagutin ko ang mura niya, gamit ang salitang ginamit niya. She's wrong.

"Huwag kayong mag-alala, mukhang hindi na naman magkikita ang mga landas namin ng Chyne na sinasabi niyo kaya hindi niya malalaman ang totoong baho ng mga tinuring niyang kaibigan," pahabol na sabi ko bago tuluyang masirado ang elevator.

Binalingan ko ng tingin ang kasama kong staff sa elevator, nanatili itong tahimik at bakas sa mukha ang kaba dahil sa mga narinig niya. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa cell phone na hawak ko, para hindi mapansin ang kasama kong takot na staff.

Hindi pa naman nakakatakot ang mga sinabi ko sa dalawang babae na 'yon. Mabait pa nga ang tono ko para matakot sila ng gano'n.

Nakita kong abala si Rheajeil sa pagbabasa ng mga documents na nasa folders, sobrang dami ng kailangan niyang tingnan. Sinuot niya lang ang reading glasses niya kapag sangaktutak na documents ang kailangan niyang i-check, at ngayon ay suot niya ito. Sa sobrang abala nito ay hindi niya napansin ang pagdating ko.

Lumapit sa pwesto ko si Zia ng makita akong nakatayo sa pintuan ng opisina ni Rheajeil, walang akong ibang ginawa maliban sa panonood ng pagiging abala ng manager ng hotel ko.

"Do you want coffee miss?" tanong ni Zia sa'kin.

Umiling lang ako bilang sagot, kakatapos ko lang kumain kasama si Kernel, wala ng kalalagyan ang kape sa tiyan ko. Agad din naman itong umalis pagkatapos malaman ang sagot ko.

Sandali niyang inalis ang atensyon niya sa mga binasa niya at tumingin sa akin.

"Kanina ka pa diyan, miss?" tanong nito at hinubad ang reading glasses niya.

"Not so long, maybe minutes ago but I'm not sure how long of minutes I have wasted by observing you."

Napahawak siya sa sentido niya. "Andami kasing kailangan I-check, lalo na at may bibisita na naman dito sa hotel mo."

Kita sa mukha nito ang pagiging stress ng bongga. Mukhang napasubo ang manager ko sa dami ng kailangang gawin.

"Don't stress yourself too much, I don't want my manager to be sick," nakangiti kong sabi sa kanya.

Bumaling ito ng tingin sa akin. "Thank you for your concern, miss," nakangiti niya din na sagot.

"Nah, I don't want you to be sick because no one can make this hotel run without you, if you're sick my hotel will be sick too. So you should stay healthy okay?" I lied. Ayaw kong ipakita na concern ako sa kanya, kahit alam kong sobrang halata.

Bumuntong-hininga lang ito pagkatapos marinig ang sinabi ko. Kita sa mukha niya ang pagkadismayado, ngunit nakangiti pa rin. Ibang klaseng babae talaga.

Kumuha siya ng isang folder at ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya. "By the way, anong sadya mo at napadalaw ka? Hindi ka ba busy pagkatapos mong ipakilala ang totoong pagkatao mo?" sabi niya habang hindi nakatingin sa'kin kundi sa binabasa niyang document.

"May kinausap ako kanina, at since matagal-tagal na din naman akong hindi nakakapunta dito sa hotel ko naisip kong bumisita muna ako at kumustahin ang mga nangyayari dito," aniko.

"Kung wala kang ibang gagawin sa buhay mo, baka naman gusto mong tulungan ang manager mo. Baka lang naman, busy ako tapos ikaw hindi, mukhang hindi naman patas 'yon diba?"

"Sad to say, I am here to visit, not to work so I am a visitor not an employee.

Napangiwi siya dahil sa sagot ko. "Sana pala nagpasa na ako ng resignation letter, hindi ata ako magkakaroon ng asawa sa pagtatrabaho dito sa hotel mo."

"Baliw! I am here to ask kung kumusta ang lakad niyo ni Khobe sa Baguio, at dahil nakabalik ka naman ng buhay so I assumed maayos lang ang naman ang isasagot mo pag magtatanong ako. At dahil busy ka, hindi muna kita iisturbuhin. Kung tapos mo ng gawin ang lahat ng kailangan mong gawin, tell me para mabigyan kita ng magandang lugar na pwede mong pahingahan."

Puno ng pagkabigla ang expresyon ni Rheajeil dahil sa mga sinabi ko. Kita din sa mukha niya ang hindi makapaniwala. Inayos ko muna ang damit ko at muling sinuot ang shades ko at tumingin ulit sa pwesto niya.

"Madami akong alam na magandang lugar, kaya bilisan mo na ang ginagawa mo at para matapos na. hindi naman pwede na ikaw lang mag-isa ang mananatili sa magandang lugar, you can choose who you wanted to be. Libre ko na lahat ng expenses niyo," nakangiti kong saad at tuluyan ng tumalikod para umalis na sa opisina niya.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng malaki dahil sa mga sinabi kong hindi ko plinano kay Rheajeil. Sasabihin ko sanang prank lang ang mga sinabi ko noong una, but seeing how exhausted she is in her work treating her is what I can only do. Making her rest for a moment will make her and make me as her boss happy.

I won't be who I am now without the help of my employees, with that I should give them what they deserve. The good employer will treat her/his employees, like how they value the costumers so much.   

I have a soft spot for my employees, except for those who acted like boss.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now