PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
Hinanap kita! For 5 years!
Hinanap kita! For 5 years!
Hinanap kita! For 5 years!
UMU-UGONG sa isipan ang sinabi sa kanya ni Ren bakit naman siya hihintayin nito kung si Lexza ang mahal niya?.
"W-what do you mean? Haha!"pilit na tawa niya "Ren nagsawa kana ba kay Lexza kaya nagkakaganyan ka?"tanong niya dito.
"Hanggang ngayon ba si Lexza parin ang pinagseselosan mo?"nakakunot noong tanong sa kanya.
"Hindi ako nagseselos baka isipin mong gusto pa kita."sagot niya
Nagmamakaawa siya na sana tigilan na siya ni Ren ngayon maayos na ang buhay niya at nangako siya sa sarili na hindi na niya ibabalik ang mga nakaraan niya.
"Sabrina..hinanap kita..hinintay kita. Pumunta ako sa bahay niyo para hanapin ka akala ko nagtatago kalang pero ayaw sakin ng ama mo ipinapalayo ka nila sakin..sa diko alam na dahilan..i-ilang beses na akong nagtanong sa mga magulang mo pero wala ni isa sa kanila ang sumagot iniiwasan nila ako!...bakit ba nagkakaganon bigla Sabrina!"usig nito sa kanya nakinig lang siya dito parang may nagtulak sa isipan niya na pakingan si Ren..pero malinaw pa sa lahat ang narinig niya dati!. Ngayon ay pinagloloko na naman siya. "Hinanap kita...ilang beses na akong humingi ng tulong sa kapatid mo pero...hindi niya sinabi kung nasaan ka! Wala akong magawa kundi hintayin ka kahit diko alam kung babalik ka pa ba!.."namamaos na boses nito sa kanya napalunok siya sa pinagsasabi ni Ren."And then..one day..nagkita tayo bigla kung saan di ko inaakala.."paos na boses nito. "And ipapamukha niyo pa sakin na may fiance kana? Na ikakasal ka?.."tiim bagang na tanong nito.
Napalunok na naman siya sa pinagsasabi nito sa kanya hindi niya na alam kung anong gagawin mas pinaggugulo lang ang isipan niya simula nang maglandas sila ni Ren.
"Wala na yon sakin lahat Ren bakit nag-aabala kapang hungkatin lahat? Tama na...ayaw ko na sayo dahil sa umpisa palang alam ko na hindi ka talaga para sa akin!"
"Dahil lang ba nawalan ako ng oras sayo kaya nakipaghiwalay ka?"biglang tumulo ang mga luha nito sa harapan niya.
"Hindi mo alam."iwas tingin na usal niya.
"Then tell me!! Para malaman ko lahat!"nangagalaiting sigaw nito sa kanya.
"Nagpasurgery ako.."sagot niya na ikanabigla nito pero seryuso parin ito sa kanyang nakatingin.
"Yon lang?"
"Anong yun lang?"nakataas kilay na tanong niya.
"Kaya mo ko iniwan dahil nagpasurgery ka?..bakit di mo sinabi sakin na may sakit ka pala?..bakit paba tayo humantong sa ganito Sabrina...alam mo na pwede mo kong sabihan..bakit tinatago mo pa!...bakit kay Mark ko pa malalaman lahat?..bakit naglihim ka sakin!"
"Natapos na kaya wag kang umasta na ikaw lahat ang tama at ako ang mali"seryusong sagot niya.
Napatahimik naman sandali si Ren sa kanya na umiling-iling pang pinahid ang mga luha..sa twing makikita niya si Ren na ganon ay may kung ano sa puso niya ang kumikirot.
"At magpapakasal kana kay Paul?"naniniguradong tanong nito na makikita ang lungkot sa mata na para bang dapat siyang humindi sa isasagot niya."Si Paul?..siya na ba?"hindi siya makasagot dito at napabuntong hininga nalang. "Sabrina..mahirap ba ang tinatanong k--"
"Yes..kami na."sagot niya na ikinatigil ni Ren napasandal ito sa kotse niya at tumulo ang mga luha.
"P-pinagmukha mo kong tanga.."mahinang usal nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Teen FictionNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...