“Please lang Nigel tantanan mo na si Elara,maawa ka naman sa kaibigan namin Nigel. Hindi pa ba sapat yung sakit na binigay mo sa kanya noon at yung nangyare sa kanya ngayon”

“I just want to talk to her, please parang awa nyo na?”

“Naaawa kami sayo Nigel pero mas naaawa kami sa kaibigan namin”

“Hindi kaba talaga nakaka intindi?!”

Pigil sigaw na sagot ni Marfect.

“Mahal na mahal ko si Elara–”

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita

“Dont you ever say it again”

Mahinahon kong paki usap.

“Elara”

Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.Basang basa siya ng ulan kaya pati ako nabasa na rin.

Tinulak ko siya.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo”

Hinawakan niya ako sa kamay pero winakli ko yon.

“Elara i heard what happened”

Huminga ako ng malalim.

“So what?”

“I just want to say sorry”

Inangat ko ang muka ko.

“Okay”

“Okay?Yan lang ang sasabihin mo?”

Tumaas ang kilay ko.

“What do you expect me to say Nigel?Bakit mababago ba niyang sorry mo ang nangyare sakin?MAIBABALIK BA NYANG SORRY MO ANG PANINGIN KO HA NIGEL?SAGUTIN MO AKO”

Hindi ko na naiwasan ang pagsigaw.Punong puno na ako,kailan ba talaga siya titigil sa kakagulo sa buhay ko. 

“Brad umalis kana”

Pagsisita sa kanya ni Marfect pero hindi niya to pinansin.

“Please Elara give me one more chance”

Pagsusumamo niya.

“Nigel tama na,i...don't love you anymore”

Hinawakan niya ulit ako sa kamay but this time hinayaan ko nalang siya,nakaka pagod na eh paulit ulit nalang.

“No,You dont mean it right?right Elara?”

Umiling ako.

“Nigel... may mahal na akong iba”

“Hindi totoo yan,sinasabi mo lang sakin to para gantihan ako, para masaktan ako–”

For the second time i cut him off.

“Wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo Nigel,hindi lang sayo umiikot ang mundo ko kaya hindi imposibleng magkaroon ako ng ibang mamahalin”

Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at halikan.Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang pagkaka hawak niya sa braso ko that im sure namumula na.

“Jachiro?”

Gulat akong napadilat sa pagbanggit ni Gelai sa pangalan ni Jachiro.Marahil ay nagulat din si Nigel kaya naluwagan niya ang pag hawak sakin kaya nagkaron ako ng pagkakataong itulak siya.

“Jachiro wait”

Nangangapa akong hanapin si Gelai.

“Gelai asan si Jachiro?”

Pagmamaka awa kong tanong.Nagbabakasakali na nandito pa siya para mapaliwanag ko sa kanya ang nangyare.

“Dai umalis na siya”

Nag umpisang magtuluan ang luha ko.Kasalanan ko to eh,kung sana hindi nalang ako lumabas sa kwartong yon edi sana hindi pa nangyare to.

Napaluhod ako sa sahig sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman ko.Natatakot ako... Natatakot ako sa kung anong iniisip ni Jachiro sa nakita niya.Natatakot ako na baka dahil don iwan niyako... 

“Elara sino yung lalaking yon?”

Kung sana lang nakikita kita Nigel para naman masampal kita sa lahat ng ginawa mo sakin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya.

“Please Nigel tama na,Umalis ka nalang please,wag mo nang dagdagan pa yung sakit na binibigay mo sakin maawa ka naman sakin”

“Wag mo naman akong ipagtabuyan oh,kaya nga ako nandito para itama lahat ng pagkakamaling nagawa ko sayo”

“Kung gusto mo talagang itama yon Nigel simulan mo sa paglaho sa buhay ko.Wag ka ng magpapakita pa sakin kahit kailan”

“Elara–”

“ENOUGH!umalis kana,gawin mo yung sinabi ko sayo kung ayaw mong magalit ako sayo habang buhay”

“Sorry” Huling salitang narinig ko sa kanya bago ko marinig ang mga yapak niya palayo.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin.I know its her. Yumakap ako pabalik.

“Gelai si Jachiro”

“Shhh maiintindihan ka din niya”

Pagpapatahan niya sa akin.

“Pano pag hindi?”

“He will.Kung mahal ka talaga niya makikinig siya sayo”

Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya.

“Call him please”

“Okay,give me your phone”

Agad ko namang binigay sa kanya yung cellphone ko.

“He's not answering”

Maka ilang beses ko pa siyang sinabihan na idial ulit pero wala parin talaga.Paulit ulit lang na tumutulo yung luha ko na hindi ko nalang pinapansin.

Please love answer your phone.Lumipas ang ilang minuto pero wala parin talaga kaya sumuko na ako.

“Halika na dai magpalit ka muna ng damit basa ka oh”

Nagpatianod nalang ako sa kanya. Wala na akong lakas na magsalita pa.Pagod na pagod na yung utak at puso ko.Hindi ko na inaalintana yung tuloy tuloy na pagbuhos ng luha ko.

Ngayon ko palang naramdaman yung lamig dahil sa basa kong damit.

Thanks for reading ❤
Please don't forget to vote ★
Just comment if may hindi kayo maintindihan.Another Update mga seb. Hope you like it.





I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon