Matapos niya ikabit ang seatbelt ko, ay umikot na siya para sumakay sa drivers seat. Si carlo naman ay nasa likod nag se cellphone. Akala ko nga may sarili siyang sasakyan , yun pala nakisabay lang din siya kay CJ. Si aki? Ewan ko, siguro since di naman siya nakatira sa parehong condo nitong dalawa ay di na siya sasabay samin.
Binasag ni CJ ang katahimikan at nagsalita.
"Umiinom ka pala?"
Agad akong sumagot para depensahan ang aking sarili.
"Hindi ah, never pa akong nakakainom ng alak" I defended.
"Eh bakit lasing na lasing ka?"
"Ewan ko rin, malay ko ba kung anong nilagay ng waiter sa blue lemonade nayon at nag kakaganito ako"
Napasapo si carlo sa kanyang noo at nag salita.
"Ilang baso ba ng blue lemonade ang ininom mo?" natatawa niyang tanong saakin.
"Lima" matipid kong sagot.
They started to laugh at me hysterically. Ano bang nasabi ko at parang tawang-tawa talaga 'tong dalawang 'to?
"Eh bakit ba? Ha? Masarap yung blue lemonade eh kaya naparami yung ininom ko, malay ko bang may nilagay na kung anong bagay yung mga waiter dun" galit kong sabi sa dalawang lalakien kanina pa 'ko pinagtatawanan.
"At talagang yung mga waiter pa yung sinisisi mo ha kung bakit ka nagkaganyan?" ani ni CJ.
"Hindi blue lemonade yung ininom mo huy! Cocktail yun, yung parang juice pero may alak din. Balita ko maraming alcohol yung nilalagay nila sa mga cocktail" pagpapaliwanag ni carlo na mas nag paiyak saakin.
Natahimik silang dalawa sa kakatawa nang umiyak ako. Wala nang umimik sakanila hanggang sa nakarating kami sa condo.
Bumaba na kami ng sasakyan ng makarating kami sa basement ng condo kung saan nag park si CJ. Agad naman akong inalalayan ng dalawa ng nakita nilang hirap parin akong maglakad ng tuwid.
Sumakay kami sa elevator at agad akong kumawala sa pagkakahawak nila saakin at sumandal sa dingding . Nang makarating kami sa 4th floor tumigil ang elevator at nag paalam na si carlo.
"Ikaw na bahala jan pre ha" pagpapaalam ni carlo kay CJ, "Bye blue lemonade" natatawa nitong sabi bago tuluyang umalis.
Inarapan ko nalang siya at di na nagsalita hanggang sa makaabot kami sa floor ko. Aalis na sana ako mag-isa pero hinila ako ni CJ at inalalayan maglakad papunta sa unit namin
Nang makarating kami sa tapat ng unit ay nagsalita si CJ.
"Anong pin code nito?" tanong nito.
"Ha?" sagot ko naman.
"Anong pin co-"
"Hatdog" pagputol ko sakanya.
Inirapan niya ako at tumangkang umalis pero hinila ko siya kagaya ng paghila niya saakin at sinabi ang pin code ng unit.
"302404" ani ko.
Agad niyang pinindot ang mga numerong sinabi ko. Agad naman akong nagulat pagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
The heartaches you caused
Teen FictionFreshmen year palang ay hulog hulog na si Jacelyn Olivia Salazar (Jacey), isang napaka mabait at positibong tao, ngunit may mahinang puso, kay Clark Jameson Andrada (CJ), isang napaka cold and mahinhin na lalake. Hindi inaasahan ni Jacey na magpapa...
Chapter 5
Magsimula sa umpisa