Wala akong ibang nagawa kundi kagatin ang ibaba ng labi ko.

Masyado siyang malakas kaya hindi ko na din siya napigilan.

Unti-unting naglakbay ang mga kamay niya patungo sa ibaba.

"Ohhhhhhhhh" isang mahabang ungol na lang ang natatangi kong nailabas.

Nanghihina na ako, nakakapanghina ang ginagawa niya.

Reichel: Lei!

Binuksan ni Reichel ang pintuan. Gulat na gulat siya sa kung anong nakikita niya.

Lei: Gush? Do you even know how to knock??

Reichel: OMG---

Lei: Ang tumahol panget, labas.

Reichel: Sabi ko nga ito na, lalabas na. Kunwari wala akong nakita, sige enjoy.

Sinaraduhan ni Reichel ang pintuan ng kwarto.

Aga: I-itutuloy pa ba natin 'to?

Hinila ko ang kumot para matakpan ang dibdib ko.

Lei: Inaantok na ako Aga, gusto ko ng matulog.

Aga: Si-sige, maiwan na kita. Goodnight babes.

Hinalikan niya ako sa noo.

Ma-magpafile pa ba ako ang annulment?

Wag na lang kaya?

Lei: Aga!

Aga: Hmmm?

Lei: Dito kana matulog--

Aga: Sa--sa tabi mo?

Lei: Saan mo ba gusto? Sa sahig?

Aga: Syempre gusto ko dito.

Niyakap niya ako at nilaro ang buhok ko.

Aga: Iloveyou Babes.

------

Reichel's Pov

Sus---

Sabi ko na nga ba e, kalahi ko 'to.

Marupok.

Piolo: Oh anong tinatawa-tawa mo diyan? HAHAHAHA.

Reichel: Ha? Wala--

Piolo: Gusto mo ng coffee?

Reichel: Naku, hindi na. Medyo gabi na rin baka hindi na ako makatulog.

Piolo: Hmm? Nakita mo ba si Aga?

Reichel: Si Aga?

HAHAHAHAHA kung alam mo lang!

Nandun sa kwarto ni Lei.

Mukhang doon balak matulog.

Reichel: Nandiyan lang yun sa tabi-tabi. Bukas mo na lang hanapin mukhang busy.

Piolo: Hmm--hindi kapa tutulog?

Reichel: Mamaya-maya siguro. Ikaw ba?

Piolo: Inaantok na---Goodnight Reich.

Reichel: Goodnight Piolo.

Dumaritso si Piolo patungo sa kwartong pinili niya--

Nasan na si Os? Kanina ko pa siyang gustong makausap ah.

Wala siya dito sa taas?

Hmm teka mukhang alam ko na.

"Boom!"

Natagpuan ko siya sa garden.

Nakaupo sa damuhan.

Oscar: Ay Reich naman--kakagulat ka naman.

Reichel: Bakit kaba nandito--gabing gabi na oh.

Oscar: Halika--tabihin mo ko.

Sinunod ko siya.

Oscar: Tingnan mo sila.

Napatingala ako sa mga bituin sa langit.

Oscar: Tingnan mo ang bituin, tingnan mo kung paano sila magningning.

Katulad ni Os---

Namangha ako sa kung ano man ang nakikita namin.

Mga bituin sa langit at nagkikislapan sa dilim.

Nakabaling lang ang atensyon ko sa taas.

Reichel: Ang ganda--

Oscar: Sobrang ganda.

Nilingon ko si Os--

Nakatingin siya sakin para bang ako yung tinutukoy niya.

Oscar: Reichel---gusto kong maging bituin.

Reichel: Bakit naman?

Oscar: Kasi gusto kong kamanghaan mo rin ako katulad ng pagkamangha mo sa kanila.

Matagal kanang bituin para sa 'kin.

Matagal na kitang pinagmamasdan Mahal.

Oscar: Reichel--what if hindi ako umalis ng gabing yun?

Reichel: Ha?

Oscar: Paano kung mas pinili kong masaktan kasama ka. Sa tingin mo worth it kaya?

Reichel: Hi-hindi ko rin alam.

Kung hindi ka sana umalis, edi sana buhay pa si Nathan.

Edi sana may masaya na tayong pamilya.

Oscar: Sayang nu. Sayang---

Napatingin ako sa ibang anggulo.

Reichel: Paano naging sayang? May natagpuan ka naman.

Oscar: Nasaktan kaba nung umalis ako?

Muntik na nga akong mamatay HAHA.

bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko siya sinagot. Kasi feeling ko mali naman ata kung isisi ko lahat sa kaniya. Sa totoo lang ako rin naman yung may kasalanan. Kung umamin lang sana ako sa totoo kong nararamdaman edi sana---sana walang Cassandra Cortez na nagmamay-ari sa kaniya.

Reichel: Malalim na ang gabi Os--matulog na tayo.

Oscar: Reichel--hindi sa lahat ng pagkakataon pwede mo yang itago.

Reichel: A-ano?

Oscar: Matagal ko ng alam Reich--

A-ang alin? Ang tungkol kay Nathan?

Oscar: Ang tungkol diyan sa nraramdaman mo.

Ahhh--

Reichel: Ano ba yang pinagsasabi mo?

Oscar: Pwede mo namang aminin sakin Reich--pwede mo naman sabihing mahal mo ko.

Reichel: Inaantok na ako--gusto ko ng matulog. Bahala ka kung gusto mong pagfiestahan ka pa diyan ng lamok, matutulog na ako sa taas.

Oscar: Reich!

Patuloy niyang tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko na siya nilingon.

Kaya kong masaktan Os, pero hindi ko kayang makasakit.

Alam ko kung gaano siya kamahal ni Cassandra, alam ko kung paano maguguho ang mundo ni Cassandra kung mawawala si Os sa kaniya.

At alam kong madadamay ang lahat kapag pinilit kong kalabanin ang nararamdaman niya.

Paulit-ulit kong pipiliin kung anong tama at yun ay ang pakawalan ka.

THE UNBEATABLE LAWYERS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon