🔯Chapter Three🔯

0 0 0
                                    

Pagkatapos ni Xiaosheng mag-umagahan ay agad siyang pumunta sa labas ng palasyo o tahanan ng mga maharlika. Noon pa niya gustong makapasok dito bilang isang kawal.

Habang kay Jinjing naman, habang naglalakad siya ay nakasalubong niya si Huang Jian.

"Jinjing!"nakangiting panimula ni Huang Jian.

"Prinsipe Huang Jian."sabi ni Jinjing at nagbigay galang.

"Muli tayong nagkita. Maaari ba kitang yayain na mamasyal sa palasyo?"tanong ni Huang Jian.

"Mamasyal? Sige ba."nakangiting sagot ni Jinjing.

Agad silang umalis at nagtungo sa palasyo.
"Xiaosheng?"tanong ni Jinjing nang makita niya si Xiaosheng.

"Jinjing, Prinsipe Huang Jian."sabi ni Xiaosheng at nagbigay galang.

"Anong ginagawa ng isang pang-karaniwang imortal dito sa labas ng palasyo?"tanong ni Huang Jian.

"Ahh--- tinitingnan ko lang ang mga kawal."sagot ni Xiaosheng.

"Gusto mo bang maging kawal ng palasyo?"tanong ulit ni Huang Jian.

"Hehe. Parang ganun na nga."nakangiting sagot ni Xiaosheng.

"Matapang ka ba?"tanong ni Huang Jian.

"Tako---"
"Opo kamahalan. Matapang po ako."pagputol ni Xiaosheng sa pagsasalita ni Jinjing.

"Kung ganun, maaari ka ng magsimula ngayon. Isa ka ng kawal."sabi ni Huang Jian.

Ngumiti ng napakalapad si Xiaosheng dahil sa tuwa.
"Maraming salamat kamahalan! Maraming salamat po talaga!"nakangiting sabi ni Xiaosheng.

"Walang anuman."sabi ni Huang Jian.

Naglakad na si Huang Jian at Jinjing.
"Matapang pala huh?"panunuksong bulong ni Jinjing.

Pumasok na si Xiaosheng sa palasyo at may sumalubong naman sa kanya at binigyan siya ng kasuotang pang-kawal. Agad niya itong sinuot at nagbantay na.

Nakita niyang namamasyal si Huang Jian at Jinjing. Masugid na pinagmasdan ni Xiaosheng si Jinjing. Biglang tumingin si Jinjing sa kanya kaya umiwas siya ng tingin.

"Kamahalan, pinapatawag ka ng mahal na reyna."sabi ng isang kawal.

"Saglit lang Jinjing. Babalik din ako."sabi ni Huang Jian.

Ngumiti lang si Jinjing at umalis na rin si Huang Jian. Pinuntahan ni Jinjing si Xiaosheng.

"Xiaosheng."tawag niya sa atensyon nito.

"Jinjing, may kailangan ka?"tanong ni Xiaosheng.

"Ikaw ba talaga yan?"tanong ni Jinjing pabalik.
"May iba pa ba?"

"Ang kilala ko kasing Xiaosheng ay isang matatakutin at mahinang imortal."sagot ni Jinjing.

"Ayaw mo ba? Sinusubukan ko ng maging isang matapang na kawal."sabi ni Xiaosheng.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon