Oo nga pala, gusto ko nga pala kausapin sina mommy tungkol don sa dorm. Tamang-tama mukhang yon din ang gusto nila, it's for my own good din naman. Bumuntong-hininga ako kaagad nung kami nalang ni Chester yung naiwan.
"Saan ka ba nagpunta?" baling niya sa'kin.Naglakad ako papunta sa single sofa namin saka naupo, sumunod naman siya at naupo sa sofa na kasya ang limang katao.
"I was just checking the Academy. Wala kayo nung umalis ako at nawala na sa isip kong magpaalam. I'm sorry." Naramdaman kong lumapit siya para haplosin yung buhok ko at medyo nilapit ang ulo ko sakanya para mahalikan ang buhok ko. Hindi na siya nahirapang gawin yon dahil malapit lang naman yung inuupuan ko sa inupuan niya.
"Just don't do it again. Nag-aalala kami sayo, Chasta. Kambal tayo pero nauna ako sayo, bunso ka parin namin." Marahan niya akong hinila para tumabi sakanyang inuupuan. Dahan-dahan akong tumango dahil sa sinabi niya habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Ang bango parin ng kakambal ko, hindi parin nagbabago ang naaamoy ko. Kilalang-kilala ko parin yung amoy niya.
"Ayan ka na naman, alam ko na yan Cha." I chuckled habang nakatingala sakanya when I heard it from him. Kilalang-kilala niya talaga ako.
"Tara na, tatabihan na kitang matulog." yumuko siya para tingnan ang reaksyon ko. Nginitian ko siya ng malapad habang nakatingala parin saka kami sabay na naglakad paakyat sa kwarto ko. Ilayo niyo na lahat sa'kin, wag lang ang kakambal ko. Tama na ang limang taong pagkawalay namin sa isa't isa.
"Good night, Chasta." rinig kong bulong sa'kin ni Chester.
Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil antok na antok narin ako. Ala sais palang ng umaga ay gising na ako pero wala na sa tabi ko ang kakambal ko. Hindi nalang din ako nag-isip pa ng kung ano-ano at naligo na rin agad dahil ngayon ang unang araw ko sa pasukan.
"Nauna nang umalis yung apat. Wag mo na silang hanapin." sabi sa'kin ni mommy nung mapansin niyang nagtataka ako kung bakit hindi namin kasabay kumain ang apat kong kapatid.
Mukhang galit nga talaga sa'kin yung apat dahil sa nasabi ko. Sabay kaming bumaba ni Chester kanina kaya mukhang siya ang magiging kasabay ko sa pagpasok.
"About your dorm, nakausap ko na si Mauren ang pinsan mong doon din nag-aaral. Siya ang magiging roommate mo." paliwanag ni mommy habang seryoso lang na nakikinig si Chester. May ilang porsyento parin sigurong tutol siya sa pagdodorm ko.
"I'll be fine, Ches." napatingin siya sa'kin dahil sa sinabi ko. Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.
"May dorm din si Chester don, pero malayo sainyo pati ang sakanila nina Chan ay malayo din. No boys allowed in Girls dormitory, please be careful. At malabong magkikita kayo dahil ang building ng department nila ng mga kapatid mo ay malayo sainyo ni Mauren." paliwanag pa ni mommy. Tahimik lang si daddy at Chester na nakikinig.
Oo nga pala nasa ibang academy si Ate Chazel at Ate Chazen kaya hindi namin sila makakasama. Pero hindi ko alam kung saang academy sila.
"We have to go mom, dad." paalam ni Chester. Tumayo na ako agad saka namin hinalikan sa pisngi sina mommy at daddy.
"Ipapadala ko nalang doon ang mga gamit mo, Cha." bilin ni mommy bago kami tuluyang makalabas ng kusina ni Chester.
"Okay mom." sagot ko at kumapit na sa braso ni Ches papunta sa parking area namin. Ilang minuto lang ng byahe namin ay nakarating na kami agad sa Emerald Academy.
"Maaga yung klase ko kaya di na kita mahahatid. Hintayin mo nalang don sa may bench si Mauren at ipapasundo kita." bilin sa'kin ni Chester bago ako halikan sa pisngi at nagmadali nang umalis. Wala narin akong nagawa at sinunod nalang ang sinabi niya. Pagkaupo ko sa isang bench sa may tambayan ay pinasadahan ko na agad nang tingin ang buong paligid. Walang masyadong estudyante at mukhang yung iba ay busy din.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...