Chapter 48: Shattered

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang palabas na ako, may nakita kong batang lalaking umiiyak. Siguro, around 5 years old. Nilapitan ko. Umupo ako para magpantay ang height namin. "Bakit ka umiiyak?"

"Dusto ko po kasing mag-pway. Pero ala akong peypey," umiiyak na sabi niya.

Napangiti ako. "Sa’yo na lang 'to." Ibinigay ko sa kanya ang natitira kong tokens.

Biglang lumiwanag ang mukha ng bata nang makita niya. "Thank you ate danda na baliw!" tuwang tuwa na sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.

Napakunot ang noo ko. Huh? "Ba-ba-baliw!?" 

Tumango tango siya. "Opo! Ikaw yung nag-pupway ng dwums kanina diba? Pati yung head ipinanghahampas sa dwums. Yung baliw!"

Tssss, kutusan ko kaya ang batang to?  I pinched his cheeks. "Hindi ako baliw. Natuwa lang ako sa drums," paliwanag ko.

He looked at me innocently. "Bakit sabi po nong ale kanina, baliw ka?" 

Tumawa ako nang pilit. "Nasaan siya? Sasabunutan ko," nanggigigil na sabi ko.

"Po?”


Ngumiti ako. "Nothing. Oh play ka na. Hindi ako baliw ha. Maganda lang pero hindi baliw, okay?" sabi ko tapos hinimas ko siya sa ulo.

Ngumiti siya nang malaki—puffing his cheeks. "Okay po! Bye ate dandang baliw!" Tapos tumakbo siya papasok ng arcade.

"Argh! Hindi nga ako baliw!" maktol ko. Pabayaan mo na nga. Uuwi na lang ako. Napagod ako roon ah. Sakit sa bangs ng batang yon!


------------------------


Sa halip na umuwi, dumiretso muna ako doon sa side ng ilog. Kung saan iniligtas ni Vaughn ang buhay ko. Tamang tama, mag-gagabi na. Lumalabas na ang mga stars.

Grabe, tinotorture ko ang sarili ko nito eh. Pero may kung anong force kasi na nagdala sa akin ditto. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Umupo ako roon sa dati naming pinupwestuhan. Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod ko at pinagmasdan ang ilog. Napakaraming magagandang ala-ala rito na masarap balikan. Bumalik sa alala ko lahat ng salitang binitawan niya. Those sweet and reassuring words.

"Kid, breathe!"

Malinaw na malinaw pa rin sa akin ang mukha niya noon. Noong niligtas niya ako. Kung paano siya nag-alala sa akin. Ang unang araw na nagustuhan ko siya.

“Hindi ka ba naatakot na mahulog ulit?”

 

“Ililigtas mo naman ako, diba?”

 "Siyempre naman. Ako yata si superman, ang tagapagligtas mo."


Yes, he's my hero. My prince in my own fantasies and fairytale. And now, he's the only guy I love and the only guy I want to be with for the rest of my life.

"Wag mong isiping dahil sa grateful lang ako sa iyo at nakagawa ka ng malaking favor para sa akin kaya nakipag-kaibigan ako sa ‘yo. Well siguro part rin yon. Pero hindi dahil lang doon."

"Sa totoo lang, masaya akong kasama ka. I feel comfortable and relaxed. Kasi parang may kakaibang aura ka na nakakapagpasaya tapos idagdag pa yung mga nakakatuwa mong expressions."

"Nakipagkaibigan ako sa’yo dahil gusto ko talaga at dahil masaya ako. Kaya sana wag ka ring magsasawa sa akin."

Ang unang beses na naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil bata ako noon, hindi ko ‘yon maintindihan. Ang mahalaga lang sa akin’non, masaya akong kasama siya. Every word na lumalabas sa bibig niya non, tumatatak sa puso ko. Nagsimula nang manlabo ng paningin ko.


"You know, I don't have to be superman just to protect you. Superman is just a fictional character. He doesn't exist."

"I will protect you in my own ways. Kahit walang superpowers. Naniniwala ka naman sa akin diba?"

"Good. I promise to protect you, always."


"In return, you have to promise me something. Don't you ever dare leave me, okay?" 


The promise we’ve made here. May katuturan pa ba lahat ng yon ngayon? Paano kung siya na mismo ang magpalayo sa akin?

Those memories are the happiest days of my life. Kung kaya ko lang ibalik ng lahat nang yon. Kung kaya ko lang pahintuin ang oras, ginawa ko na. Ang mga araw na kasama ko siya. Ang mga araw na akala ko, mahal niya rin ako. 

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon