The Curse Of Bathala

229 1 0
                                    

"Sinusumpa ko sa ngalan ng karagatan! Ikaw Bathala ay mamatay kapag umibig muli! Hinihiling ko sa Karagatan na Lunurin at patayin ang babaeng siyang mag tatakang ibigan ka!"

Simula ng mag sabi ng sumpa si Aman  Sinaya Diyosa ng Karagatan. Wala ni isang sumubok mahalin ang Bathala ng mga Diyos at Diyosa sa kadahilanang hindi siya inibig pabalik ng Bathala. Si Aman Sinaya ay tunay na kaakit akit ang ganda. Maraming lalaki ang nabihag ng gandang taglay nito. Ngunit si Bathala ay hindi nahulog dito. Kung kaya nabalot ng galit at selos si Aman Sinaya ng nalaman niya na umibig ang Bathala sa isang mortal. Pinatay niya ito gamit ang kanyang kapangyarihan. Pinilit niyang isama ang babaeng Mortal sa kanya. Pumunta sila sa Karagatan ng Celebes at doon isiginawa ang kanyang plano. Wala naging laban ang mortal na babae dahil isa lamang itong hamak na Tao. Kung kaya sinamantala ito ni Aman Sinaya, ipinunta nito ang Kasintahan ng Bathala sa pusod ng dagat at doon hinigop nito ang Hangin ng babae kung kaya hindi ito naka hinga sa ilalim ng karagatan.

Nang malaman ng Bathala ang ginawa ni Aman Sinaya, ay agad niya itong pinatawag at hinatulan ng Kamatayan ngunit hindi ito natuloy dahil nakatakas ang Diyosa sa kulungan. Pinahanap ito ni Bathala ngunit hindi na nakita pa. Matapos ang ilang taon. May nalaman ang Bathala na siyang nag patuwa sa kanya. Bago pala pumanaw ang babaeng iniibig ay may isinilang itong tatlong sanggol. Ito pala ay iniiwan sa isang matanda sa Kagubatan ng Sierpes. Pero bago pa man makuha ng Bathala ang mga anak nito. Biglang nag pakita ang diyosa ng Karagatan na si Aman sinaya. Doon ay Sinumpa ang bathala at bigla nalang ito nag laho parang bula. Natakot si Bathala sa binitawang sumpa ni Aman Sinaya kung kaya pinahanap niya ang isang matandang diyosa din. Itinanong niya kung anong pwedeng makatanggal sa sumpa. Isinabi ng matandang diyosa.

"Mahal na Bathala ang tanging makakatangal lamang sa sumpa ay iyong tatlong anak."

Kaya agad na kinuha ni Bathala ang kanyang tatlong anak sa Matandang kumopkop dito. Inilagaan niya ng mabuti at ibinigay nito ang lahat ng pangangailangan ng anak  at ito ay pinangalanan niyang.

Tala, Hanan, Mayari.

Si tala ang pinaka matanda sa lahat. Siya ang itinalaga ni Bathala bilang Dyosa ng mga Bituin.

"Ama, puwede ba akong kumuha kahit ng isang bituin lang sa kalangitan? Para maitabi ko sa pag tulog?" Tanong ni tala sa kanyang amang si Bathala.

"Tala aking dyosa, hindi mo dapat kuhain ng kuhain ang mga bituin sa langit gusto mo bang mawalan na ng mga bituin ang kalangitan?" Pangangaral na sabi ni Bathala kay tala.

"Hindi po ama, pero ama sabi din ni Hanan hindi daw po kumpleto ang gabi kung walang bituin sa kalangitan."

"Tama si Hanan tala, dapat palaging mag kasama ang buwan at bituin sa langit dahil sila ang nag bibigay ng liwanag sa mga taong walang liwanag."

Sumunod naman ay si Hanan itinalaga naman siya ni Bathala bilang Dyosa ng Buwan.

"Amang Bathala! Ang dyosa ng kalangitan ay binigyan ako ng regalo!" Masayang sabi ni Hanan kay Bathala.

"Ano namang regalo iyan aking dyosa?"

Inilabas ni Hanan ang isang kahon at binuksan iyon. Isang kwintas na hugis buwan. Nakakasilaw ang kulay nito dahil kulay pilak.

"Sabi niya itong kwintas na ito ay may kapangyarihang protektahan ako sa anumang mga Matutulis na bagay. Amang Bathala at sabi niya pa isama ko daw si Tala at Mayari kung sa ganon ay maregaluhan niya din ng kwintas."

Si Hanan ang pinaka masayahin sa tatlo. Si Hanan ang pinaka paborito ng Dyosa ng kalangitan. Kung kaya kada kaarawan nito nakakatanggap ng iba't-ibang kwintas si Hanan.

At pinaka bata sa lahat ay si Mayari. Siya naman ang itinalaga ni Bathala bilang Dyosa ng Kaumagahan.

"Amang Bathala! Si Hanan pinag lalaruan ang akin sing sing!" Sigaw ng batang si Mayari ng agawin nanaman ni Hanan ang sing sing na ibinigay sa kanya ng isang bata nuong naligaw siya sa kagubatan.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jul 12, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

The Curse Of BathalaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora