Hoo. Akala ko talaga ako ang mauuna eh. Buti na lang yung nasa kabilang row ang natawag at di samin. End of the world ko na kapag nagkataon.

"I-i was a-abse-ent Miss."  utal-utal na pagrarason pa ni Shermie. Absent sya this past few weeks because of her health. Kawawa naman. Tulungan ko na lang since madali lang ang question hehe para di na ako mag-struggle mamaya.

"She was absent this past few weeks Miss because of her health condition."
lakas-loob na akong tumayo para naman may spotlight ako konti hehehehe. Alam na, pabibo tayo. Wala eh, favorite ko si Jollibee.

"I see. Send me your medical certificate and prepare for your special quiz for tomorrow. And you,  Jamis To--"

"It's Jey-mis not Ja-mis, Miss." pagpigil ko sa kanya. Ilang beses ko bang sasabihin ang tamang pag-pronounce ng name ko? Gosh!

"Whatever. Okay Jey! Mis! Answer the question on her behalf."

Psh. Galit ka ba ma'am, ha? Ramdam ko yung diin sa pagbigkas ha umabot hanggang bone marrow. Buti na lang taas-noo kong nasagot yung tanong dahil king hindi, hmp. Nag-take turns yung mga kaklase ko sa oral quiz hanggang sa nag-ring na ang school bell. Hudyat na tapos ang klase. May mga naka-manage sagutin si Miss and unfortunately, mas marami ang hulog sa bayong. Thank God I'm not one of them. Chos! Tampa.

"Uy, Jamis thank you about kanina. Di ko talaga ang isasagot ko eh. Buti na lang di ako nasungitan ni Miss kanina." pagte-thank you pa ni Shermie sa'kin. Win-win lang yong nangyari earlier noh. She managed to escape while nasagot ko yung easy question.

"Okay lang yon, Shermie. Alam mo naman itong classmate mo--- mabait, maganda, matalino, mapag--"

"Hehe. Salamat ulit. O sige, mauna na ako baka mapuno agad ang jeep eh. Salamat ulit." sabay karipas ng takbo.

Di pa ako tapos eh. Mabait, maganda, matalino, mapagmahal at maganda ulli. Hihintayin ko pa ang dalawang Madame dahil may natitira pa silang isang class before uwian kasi parehas silang nasa HUMSS samantalang ABM ako. Alam naman nilang di ako makakauwi pag di sila kasabay at alam naman nila saan ako parati tumatambay. Bumaba na muna ako sa building naako at dumeretso sa gym para panoorin si Brixter. Ang aking super-duper-ultra-mega crush since last year. Isa siyang tranferee student from Laguna. Nag-transfer siya since dito na nakatira sa Zamboanga ang family niya. Masasabi kong may kaya sila sa buhay since nakalipat sila. Hmm... parati ko sya pinagmamasdan kung may extra time ako dito sa gym since badminton player siya and pambato namin sa mga palaro. Same kami ng strand pero ang malas dahil di ko sya classmate. Isang malaking HUHU  naman. Pasimpleng upo lang sa bleachers kunwari may ka-text at hinihintay pero yung player talaga yung sadya HAHAHAHA.

"ARAY! BWISIT ANO YON?!" daing ko pa. Kainis, pagmulat ko, nakita kong shuttlecock pala ang natama sa aking precious head. Yan! Kaka-focus mo sa manlalaro, ikaw ang nafocusan ng shuttlecock.

"AY, SORRY MISS! NAPASOBRA NG PALO YUNG KASAMA KO! PAKITAPON NA LANG NG BOLA SAKIN!" sigaw ni babe galing sa baba. Owemji! Is this true? Is this really happening? Chos! Malamang gurl, gising ka noh. Duh di ngayon ang oras ng pagde-daydream so pagpuyo.

Bakit ko itatapon kung pwede namang bumaba ako diba? Chance ko na ito gurl, ano? Sasayangin ko pa ba?
Okay, dali-dali akong bumaba na halos madapa na ako sa stairs hahaha ganon akk karupok sis. Lumapit na ako sa kanya and binigay yung ball in the most modest way. You know, papa-impress.

"Thank you... hmm?"

"Jamis. Jamis Torre." pagpapakilala ko sa kanya.

"I'm Brixter. Brixter Tan." nakipag-offer sya ng shake hands at bilang ako ang napakamabait na nilalang sa ating daigdig, timanggap ko yon with matching piga sa kamay HAHAHA.

"Ang lambot ng kamay niya, parang labi niya lang."

"Alam kong malambot kamay ko pero ngayon ko lang nalaman na pati pala labi ko malambot."

WHAAAT? Binitawan ko agad ang kamay niya at kumaripas ng takbo papuntang exit. What the hell?! Sarili ko lang kausap ko, paano niya narinig? Huhuhuhu. Sakto namang nasa papasok na sina Lexi at Klare kaya bigla ko silang hinila palabas.

"Ya, ya, ya! It hurtz, u know? Ano bang nangyari sayo ghorl? Nangihila ka bigla eh. Pasalamat ka dearest friend kita." reklamo ni Lexi habang hawak-hawak ang kanyang wrist.

Eh, kasi naman eh. Kainis naman ito si Brixter! Sana sinarili niya na lang. Goodness! Ang tanga-tanga mo Jamis. Babo!

"Hoy! Anyare sayo Jey? Parang kang hinabol ng masamang entity." ani Klare habang hinihingal.

Sana nga yun na lang yung nangyari kaso hinde. HUHU. Eottokke? (What should I do?) Paano ko na haharapin ang aking future husband nito? Paano pag nagkasalubong kami sa corridor? sa cafeteria? sa gate? sa kwarto nya? Myghad I'm in the middle of crisis yet I am still able to crack up jokes. Seryoso, paano na sis? Siiiis!

"KLARE. LEXI. HELP ME."

















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JamisWhere stories live. Discover now