CHAPTER 8: Concert

Start from the beginning
                                    

I go by the name of CL of 21
It's been a long time comin'
But we're here now
And we bout to set the roof on
Fire baby
You better get yours
'Cause I'm getting mine

A loud scream roared throughout the stadium. Heto na, magsisimula na. Inihanda ko na ang aking camera para sa paglabas nina Sandara, Bom, Minzy at CL. Nang muli nilang buksan ang mga ilaw ay lalong nagsigawan ang mga tao dahil nasa gitna ng stage ang kanina pa nilang hinihintay.

Eh eh eh eh eh eh eh 2NE1
Eh eh eh eh eh eh eh
You'd better ring the alarm
Eh eh eh eh eh eh eh we 2NE1
Eh eh eh eh eh eh eh
Hey hey hey hey

Lahat ay nakikisabay sa kanila. May sumasabay sa kanilang pag-awit at pagsabay. Ang gaganda nilang lahat. They were running and dancing at the same time. Kung pwede lang sanang bumaba ay ginawa na nila para malapitan ang mga blackjacks.

Come in come in come in
新世界へのdoor
悩みなんてさよならしてしまえよ
ララララ 偽りなく
Humming this メロ
ハハハハ っと
ナメられないように I go
Now let's クネルクネルクネル
踊ろうよ get down
大きな 夢を夢を夢を
掴みにいこう
迷わずに次へ 自由の道へ
Tonight tonight oh~

"Woooo! We love you 2NE1!"

Sigaw ko habang nakikisabay sa mga blackjacks sa pagtalon at pagsayaw. Natapos ang una nilang kanta. Nakikipag-usap sila sa audience. Napansin ko na tila nawala si OJ sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay may kasama na itong ibang babae. Napakunot noo ako ng mapagtantong si Claire pala iyon. Iyong modelo din na gaya nito. Mahilig din ito sa kpop? Nakaramdam ako ng inis dahil ako ang kasama nito ngunit nandoon ito sa tabi ng babaeng iyon. Halos magkadikit na rin ang mga katawan nila.

Hindi ko maenjoy ang concert dahil sa aking nakita. This is our first concert together pero ganito pa ang mangyayari. Naiinis ako. Gusto ko na tuloy umalis sa venue pero sayang din ang binayad ko. Natapos na ang concert ng lapitan ako ni OJ. Hindi ko na naitago ang inis na nararamdaman ko dito.

"Nasaan na si Claire?"

Nakataas na kilay na tanong ko dito. Palabas na kami ng stadium ng mga oras na iyon. Natigilan ito at tinignan ako.

"Ah. You saw her."

It was more of a statement. Not a question.

"Nakita niya daw tayo kanina kaya lumapit siya. Nagkwentuhan lang kami."

Paliwanag nito sa akin. Kunot-noo akong nakatingin dito. Nagkwentuhan? Sa gitna ng concert? Really?

"Nagpaalam ka man lang sana sa akin. Para hindi ako mukhang tanga sa loob kanina."

"Sorry, Kath."

Hinging paumanhin nito sa akin. Napakamot rin ito sa ulo.

"OJ!"

I rolled my eyes upon hearing the voice of Claire. Napakaarte talaga ng dating nito sa akin.

"Oh. Hi Kath."

There she goes again, her fake smile. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Claire."

"Yayayain sana kita, I mean kayo kung gusto niyong sumama. Kakain kami ng mga kasama ko. Wanna join?"

OGD 3: Like We Used To Where stories live. Discover now