"Sino sa tingin mo ang magiging kaclose mo sa room, kung sakaling friendly ka? Yung tipong makaka-vibes mo?" pagtatanong pa sa akin ni Syra.

Well, mostly their question is about my life in our room that's why I didn't dodged anything.

Napaisip ako sa itinanong niya kaya't natagalan bago ako sumagot.

"Hindi ko alam. Kahit sino naman siguro..." hindi sigurado kong sagot.

"Bukod kasi kay Olivia ay tila hindi ka na nakipagkaibigan ulit, e." si Leonel.

I stiffened upon hearing my dear friend's name. Ilang segundo akong natahimik. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong ang naninimbang na mata ni Edcel. My brows suddenly furrowed.

I gulped hard.

I lost the exuberant talking to them that's why after that comment, I did not dare to utter a single word. Alam kong napansin nila ang pagbabago sa disposisyon ko dahilan para bumigat ang tensyon sa pagitan namin.

I thanked God when we finally called it a day. Isang oras yata na purong katahimikan ang namagitan sa amin at nagpapakiramdaman lang. There was a tension between us that nobody dared to break.

Bago pa man kami maghiwa-hiwalay ng landas, Leonel gave his apology.

"Sorry sa nasabi ko kanina," nahihiya niyang sambit.

Hindi ko alam ang isasagot kaya nanatili nalang akong tahimik.

I don't know if they have an idea of what happened a couple of months ago but it seems to me that they know a thing or two. Walang lakas akong nagpaalam sa kanila at naglakad na paalis matapos niyon.

I was lost in the trail of my thoughts that even though I felt someone's presence behind me, I did not check it out. May ideya na ako kung sino iyon pero hindi ko alam kung masisikmura ko bang matignan siya after bringing Olivia's name a while ago.

Nakarating na ako sa highway nang nagpasya akong lingunin siya. Hindi nga ako nagkamali at nakitang si Edcel iyon. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya pero wala akong pakialam.

I exhaled roughly. "I hate you,"

Buong gabi, simula nang makauwi ako ay nakatitig lamang ako sa aking braso. Suot-suot ko pa rin ang bracelet na ibinigay sa akin ni Olivia. And just by mere looking at it makes me emotional.

I couldn't help but reminisce about how I became friend with her and flashed back to our good memories.

Kinabukasan ay kahit papaano, nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Iyon nga lang ay hindi ko na magawang sabayan ang biruan ng mga kagrupo ko habang nag-uusap-usap kami para sa huling araw ng paggawa.

Nang magrecess ay si Archer ang kasabay ko dahil hindi ko namataan si Cherry. Hanggang ngayon ay wala pa kaming contact sa isa't isa kaya hindi ko alam kung absent ba siya ngayon o may ginagawa lang.

"Nagyayaya sila Sofia, ah. Hang out daw." saad ni Archer.

"Kailan ba? Kung ngayong linggo ay ikaw na lang muna."

"Ngayong Friday sana. Sila na raw ang bibisita, diyan lang sa mall." paliwanag pa niya. "At sabi ni Sofia, 'wag akong magpapakita kung 'di kita kasama."

Archer's friends are all nice and I don't mind hanging out with them. Ang totoo ay nasisiyahan ako sa mga pagbabago sa social life ko. Biruin mo, kailan lang ay lagi akong nag-iisa pero ngayon ay natututo na akong makisalamuha.

At alam ko namang hindi ako mabuburyo kasama sila dahil kay Sofia. I feel like she's very fond of me.

"Sabihin mo, next week." utos ko nang makapagdesisyon na sumama.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon