"Tingin mo, did he made that design himself?" usisang tanong ni Jeffry sa akin, katabi ko kasi siya.

Nagkibit-balikat lang ako dahil wala naman akong ideya sa kung sino ang may-ari, at sinubo ang pagkaing nasa kutsara ko. Habang kinakain ko ang hinanda ni mama ipinagpatuloy nila ang pag-uusap nila. Kung ano-ano na lamang ang paksa nila, may mapag-usapan lang.

"Twine are you coming with us?" napa-angat ang nakayuko kung ulo at tinignan si Mark.

"Pardon?" hindi ko narinig kung ano ang pinag-uusapan nila dahil sa pag-iisip kung saan ako makakahanap ng sperm donor ko.

Kung sa club ba o sa mga parties na madalas akong ini-invite, bagay na hindi ko naman pinapaunlakan kahit kailan. Ano kaya kung magpa-introplasmic sperm injection nalang kaya ako? Parang ayuko, gusto kong buo-in ang bata sa natural na paraan.

"Pupunta kaming club mamaya. Sama ka?" paglilinaw niya.

Klub. Ito na siguro ang sagot sa problema ko! Then, Club it is.

Sasagot na sana ako pero mukhang hindi na naman kailangan.

"Silence means yes! Sasama siya!" masayang saad ni Emma na nakapagpa-iling nalang sakin.

Pagkatapos ng trabaho ay nagpaalam akong uuwi muna, gusto sana nila na dumiritso narin ako sa club. Tumanggi ako sa alok at sinabing magpapaalam muna ako kay mama, kaya naman umuwi narin sila at sinabing magkita-kita nalang doon.

Ang galing kong magpaalam ano? Alam ko kasing papayag naman si mama na pumunta akong club. It's more like I'm just gonna inform her of my whereabouts.

Isa pa amoy pawis na ako. Nakakahiya naman na pupunta ako sa club, at ma-meet ang iba't-ibang tao na nangangamoy pawis ako. Kahit siguro sino hindi magugustuhan iyon.

Naligo ako magkatapos magpahinga ng ilang minuto. Habang naka-upo ako sa sala kanina, sinabihan ko si mama na nagkayayaan kami ng mga katrabaho ko na magklub at pumayag naman siya basta raw hindi magpapakalasing ng subra. Malaki na naman daw ako, at alam ko na ang tama sa mali kaya iyon lang ang ibinilin niya sa akin.

I blow dry my hair sa banyo, at sinuot ang kulay itim na lacy thong. Napagpasyahan ko na hindi na magbra, pipili nalang ako ng dress na may foam. Sapat na para hindi bumakat ang tetilya ko.

Hinalukay ko ang closet, at pilit naghanap ng dress na maisusuot. Isang scarlet dress ang umagaw ng pansin ko. Mayroon itong V-shape outline sa harapan at sa likod din.

Sinuot ko iyon at pansin kong bumakat ito ng husto sa bandang suso ko, pero malaya itong dumikit sa kurba ng katawan ko pababa sa gintnang bahagi ng hita ko. Pansin ko rin na may dalawang suson ito sa ibabang tabas ng tela. Nauuna ang naylon na bahagi nito patungo sa sedang parte na tela. Hindi rin pantay ang putol ng bestido sa bandang ilalim.

Tumingin ako sa malaking salamin sa aking silid. Dikit na dikit ang scarlet na bestidong suot ko sa itaas na parte ng aking katawan. Naging mabilog din ang hulma ng dibdib ko dahil sa damit, gumagawa ito ng ilusyon ng kakinisan at kalambutan sa hantad na bahagi ng dibdib ko. Bagay na bagay ang kulay ng damit sa aking maputlang balat.

Naglagay ako ng makeup pero simple lang naman. Naglay rin ako ng nagaalab na pulang lipstik. I'm like the red looking hot chick right now! All red, pati heels ko pula rin.

Kasalukuyan ko sinusuklay ang buhok ko nang tumunog ang telepono. Sino kaya 'to?

Kinuha ko iyon at ini-on. Pangalan ni Vincent ang bumungad sa akin mula sa screen. Napataas ang kilay ko, I swiped it to the green answer botton.

"Why'd you call?"

"Did you left already?"

"Not yet. Why?"

"Great, wait for me there. I'm gonna pick you up dadaan rin naman ako sa bahay niyo." oo nga pala magkapareho kami ng village na tinitirahan.

"Okay. I'll wait here then," saad ko saka pinatay ang tawag niya.

Inilagay ko ang telepono sa loob ng sling purse ko at hindi na nag-abalang taliin ang kulay tsokulate kong long bob na buhok. Lumabas ako ng kwarto at naglakad pababa sa hagdan. Nakita ko si mama na nanonood ng tv sa sala. Nakaupo ito sa sopa, habang hawak ang isang kinagatang mansanas sa kamay.

"Ma alis na po ako," paalam ko, na umagaw naman sa pansin niya mula sa telebisyon.

"O siya, mag-iingat ka. Huwag magpapakalunod sa alak. Kung hindi kaya ng katawan mong umuwi pa, just stay at the hotel. Sa umaga ka nalamang umuwi." bilin niya sakin.

"Opo ma. Sige po alis na ako. Bye po," nagmano ako bago lumabas ng bahay para hintayin ang sundo ko.

"Sige ingat ka anak,"

Pagkalabas ko ng gate namin nakita ko ang kotse ni Vincent sa harapan.

"Did I made you wait too long?" nahihiya kong tanong.

"Nope, kararating ko lang saktong lumabas ka naman ng bahay."

"Okay," nasabi ko nalang.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, at sinabi ang mga katagang ngayon ko lang narinig sa kanya.

"Stunning. I feel like, I just want to keep you."

"Huwag mo akong binobola. Alam ko na mga galawang ganyan," tumawa lang siya ng marahan sa sinabi ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto, at bumayahe na kami papuntang klub.

After this night I can feel it, change is coming.

----------------

Thank you for reading!

Vote. Comment. Share.

Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon