Unang beses kong makakapunta sa bahay nila. Mas una naming nadaanan ang street namin at napansin ko na sa bandang dulo sila ng subdivision nakatira.














Nang makarating kami doon ay nanlaki ang mata ko sa ganda ng bahay nila, isa itong three storey na residential house at napakaganda pa.  Pinapasok ni Ezekiel ang motor ko sa garahe, nakita ko ang dalawang motor na sa tingin ko kay Ethan dahil yung isa ay yung dinala niya sa cliff at isang kotse na dinala ni Ezekiel nung pumunta  kami ng circle. Ang regalong pinatago ni Ezekiel sa akin ay nasa utility box ng motor ko. Nagpahuli kaming dalawa ni Ezekiel sa may garahe para hindi iyon makita ni Ethan. Sa pagkakaalam ko ay dumiretso na sila ng rooftop.

"Eto na nga pala yung helmet" binigay ko ito kay Ezekiel at ngumiti sa akin.  Dahan-dahan ko ring kinuha ang isang gift box na nag lalaman ng regalo ko sa kanya.

" Uhmm eto nga pala, regalo ko. Sana magustuhan mo" binigay ko ito sa kanya at pakiramdam ko na ang lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko. Binuksan ito ni Ezekiel at tumingin sakin saka siya ngumit ng napakalaki.

" Sana di ka na nag abala, salamat ha!" kinuha niya ito sa kahon at tinignan. Bumaling siya sakin at bigla kong naramdaman ang pagbilis ng puso ko. Pakiramdam ko ay hihimatayin ata ako.

"Suot mo sakin" natatawang sabi niya. Kinuha ko ang lock ng bracelet at isinuot ito sa kanya. Nanginginig ang kamay ko sa di malamang dahilan. Ni hindi ko nga alam bakit ako kinakabahan ng ganto.

"Bagay sakin! Thank you Wendy!" sabi niya at nagulat ako ng bigla niya akong yinakap.




















Pakiramdam ko ay lalong namula ang aking mukha. Yung tibok ng puso ko ay lalong dumagundong, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bigla niyang pag yakap sakin.

















Nang kumalas siya sa yakap ay nataranta ako. Napaiwas ako ng tingin at napanguso ng bahagya.

"A-ano, tara na. Baka nag hihintay na sila" sambit ko. Ngumiti si Ezekiel sa akin na arang walang nangyari. Na para bang hindi niya alam na muntikan na ang atakihin sa ginawa niya kanina.

Tahimik naming tinungo ang rooftop at nakita ko na nagkakasiyahan na sila sa videoke. Natatawa ako dahil mukhang may sapak si Macey sa pinag gagawa niya. Maya-maya pa ay dumating na rin ang iba naming kaklase. May mga lamesang naka set up at doon kami nakaupo.



" Oy yung bokalista diyan, pa sample naman" sabi ni Macey habang hawak ang mikropono. Pilit akong tinulak ni Jenica para kunin ko iyon.

" Go Wendy!" sigaw ni Jenica at nag hiyawan ang mga kaklase namin, natatawa akong tumayo at kinuha ang mikropono. Nagsimula nang tumugtog ang intro ng isang pamilyar na kanta.







Don't stray,  don't ever go away

Pagpasok ko sa kanta ay lalong nag hiyawan ang mga kaklase ko. Medyo nahiya ako dahil sa pinag gagawa nila. Napailing ako dahil nakakahiya.

I should be too much smart for this

You know it gets the better of me

Sometimes when you and I collide

Ginala ko paningin ko at nakita ko si Jenica na sobrang proud sakin, ngumiti ako sa kanya.

I fall into an ocean of you

Pull me out in time

Napukaw ni Ezekiel ang mga mata ko. Seryoso siyang nanonood sa pagkanta ko. Naramdaman ko ang kaba na ngayon ko lang naranasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adore YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon