MIMIC GAME (ONE-SHOT STORY)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang daya! Bakit ba kasi naisip ko pa 'tong ganito." Reklamo ulit ni Abigail dahil natalo sya. Alam nyang walang mga tongue twisters ang mga pinagayang salita ni David at di rin naman ito gaanong mabilis pero natalo parin sya dahil sa kahinaan sa pagbigkas ng 's'.

"Rox, Luke, bawal nang gamitin yung technique ko, ah. Kawawa naman isa dito." Pang-aasar pa ni David na tawang-tawa at binusangutan lang siya ni Abigail.

"Kayong dalawa naman." Pag-imbita ni Abigail sa dalawang kanina pa nanonood at tawa nang tawa sa kakulitan nila.

Sabay naman tumayo si Roxanne at Luke na parang handa na talagang maglaro. Uupo na rin sana ang dalawang katatapos lang maglaro sa kaninang pwesto nila Luke pero may tumawag sa kanila.

"Abi! David! Tara nga muna dito. Mamaya na ipapasa 'to diba? Di nyo pa nabibigay sakin yung gawa nyo." Sigaw ng kaklase nila sa dalawang kagrupo nito.

"Ay, Sige-sige hahanapin ko pa sa bag." Pasigaw rin na sagot ni Abigail sa kagrupo nyang nasa kabilang dulo ng room. Tumingin naman siya sa dalawang magsisimula pa lang maglaro. "Kayo na bahala muna bahala dyan. Sabihan nyo nalang kami kung sino panalo."

"Oo nga, Galingan mo Rox!" Segundina ni David na nginitian pa si Roxanne at ganun narin si Luke.

Nagkatinginan naman ang dalawa na nakaramdam ng awkwardness dahil silang dalawa nalang ang natira. Sa di malamang dahilan ay nagkahiyaan ang dalawa at di pa rin sinisimulan ang laro.

"A-antayin nalang kaya natin sila?" suhestyon ni Luke na nautal pa ng bahagya.

"Ano ka ba? Matatapos narin 'tong subject, kailangan matapos tayong lahat." Angil naman ni Roxanne na mukhang excited. Marahil dahil iyon sa libreng lunch, o kaya ay may iba pang bagay.

"Sige-sige. Ako na muna taya." Sabi ni Luke kay Roxanne na tumingin na sa mga mata nito.

"Sige lang." pagsang-ayon ni Roxanne na nag-ayos ng orasan sa wrist watch nya. "Start--"

Nakatingin na rin ng diretso si Roxanne pagkasabi nyang iyon. Habang si Luke naman sinimulang kabahan sa di nya malamang dahilan. ~"Lunch lang naman yung pustahan, bakit kailangan mong kabahan."~ sa loob-loob nito.

Nagsimula namang gumalaw si Roxanne nang dahan-dahan. Inangat nya ang kamay nya at liningon iyon. Ganun din ang ginawa ni Luke na seryoso paring nakatingin kay Roxanne at di hinahayaang ma-distract sa ingay ng nga kaklase.

Inilapit naman ni Roxanne ang kamay nya paharap kay Luke at dahil para syang nananalamin ay nagdikit ang kanilang mga palad. Tinignan naman nya ulit ng diretso ito at ngumiti.

Di naman din maintindihan ni Luke kung ano ang pinag-gagawa ni Roxanne at kung nagpapatalo ba ito. Dahil sa pagdikitan ng mga palad nila ay naramdaman nyang umakyat ang mga dugo nya sa ulo at nagsimulang lalong kabahan.

Lumakad si Roxanne paharap kay Luke. Dahil kailangang gayahin ito ni Luke, lalo silang nagkalapit dalawa at halos marinig na nila ang hininga ng bawat isa.

Di parin mahulaan ni Luke kung bakit ganyn yung ginagawa ni Roxanne. Ang alam nya lang, kahit alam nyang namumula na sya, may parte syang natutuwa sa ginagawang ito ni Roxanne.

Mas na-apreciate nya ang kagandahan ni Roxanne sa malapitan. Namoy nya ang pabango nitong parang di na nya makakalimutan pa. Alam nya sa sarili nyang may nararamdaman syang pagkamangha kay Roxanne, pero pilit nyang inaalis yun dahil naduduwag syang ito pa ang makasira ng pagkakaibigan nila.

Di kailan man naglakas ng loob si Luke na subukang umamin ng nararamdaman sa dalaga dahil takot syang hindi sila pareho ng nararamdaman lalo pa't walang kahit anong senyales syang nakikitang may posibiladad na gusto rin sya nito. Pero sa inaasta ngayon ni Roxanne ay di na nya alam kung ano ang tamang isipin.

MIMIC GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon