Chapter 31: Liberty

Magsimula sa umpisa
                                    

Watahek?!

"Bella! Mabuti at nakabalik ka na! Ito oh magbihis ka na." sabi ni Bea at ibinigay sakin ang isang yellow dress na below the knee.

"Wala bang jeans jan?"

Sinong tanga ang magdadala ng dress sa camping huhu.. nagdre-dress ng ganito ka iksi sa gubat?

"Wala na eh pero may isa pang short jan sapawan mo nalang," sabi ni Bea kaya sinuot ko nalang ang yellow dress at short baka makitaan pa ako. Nang matapos ay lumabas na ako.

Nakita ko namang inilapag ni luke ang mga sandata, dagger at kutsilyo.

"Magbihis ka na baby ng makaalis na tayo dito!" sabi ni Nath.

Sumunod naman si Luke at mabilis na nagbihis.

Makakaalis na rin kami sa impyernong lugar na ito! Impyerno nga ba? Eh dito ko naranasang magmahal ng isang psycho nga lang tss..

Pumunta kami sa hilagang bahagi ng bundok. Habang naglalakad kami ay may narinig kaming pamilyar na boses na sumisigaw kaya napahinto kami at dali-daling nagtago.

"Stellaaaa! Stella wag kang mag-alala dadalhin kita sa ospital pangako yan," pangako ni Duke habang buhat-buhat ang duguan na si Stella.

Nakita ko naman ang mga malalaking pasa ni Duke sa mukha. Napatingin naman ako sa binubuhat niya hahaha.

Pinagtataga siguro ni David si Stella, punit-punit na kasi ang damit nito at halos maligo nasa sariling dugo.

"Omg! Patay na ba si Stella? Buti nga sa kanya malandi siya!" mahinang sabi ni Ashley.

"Sundan natin sila! Kung sa ospital sila pupunta malamang lalabas sila ng bundok na ito!" mahinang sabi ni Luke.

"Oh nga noh babe? Sige!" sang-ayon ni Nathalie.

"Pero dapat maging maingat tayo', baka mapansin ni Duke na sinusundan natin siya," buong sabi ko na nagpatango sa kanila.

Dahan-dahan namin silang sinundan.

"Stella please.. kumapit ka! Wag kang mag-alala hindi na tayo maghihiwalay pangako!" iyak na sabi ni Duke.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Duke sa bruha. Kung bakit naman kasi napakakomplikado ni kupido.
Tinatama sa maling tao.

Sinundan lang namin sila hanggang sa magliwanag ang mga mata namin ng makita ang roadway/highway.

Nagtago pa rin kami. Si Duke naman nasa gitna ng daan naghihintay ng dadaang sasakyan at saktong may isa kaya nakasakay agad sila.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon