Season 3: Prologue

6.3K 532 350
                                    

"Venice!"

"Dad! Teka muna, si Venice!"

Patuloy na humiyaw ang anak ko sa takot at kilabot. At wala akong magawa kung hindi ang kaladkarin siya patungo sa lubid na hagdan ng helicopter.

"Dad! Putangina, sagipin muna natin si Venice! Dad!" Pilit na inaalis ni Santhy ang kanyang kamay mula sa mahigpit kong pagkapit. Hindi ko siya binigyan ng kahit na anong tiyansang makawala mula sa akin. Gagawin ko ang lahat para mailigtas ko siya.

"Dad! Dad!"

Isinalya ko ang isang zombie na papalapit sa amin gamit ang pagsipa. Sa lakas ng ginawa ko ay tumilapon siya sa hindi kalayuan sa amin. "Son! Your friend is already gone!"

"Dad! We can still save her! May paraan pa, Dad. May paraan pa!"

I equalled the volume of his tone. "Wala na! Can't you see it? Zombie na rin siya! Isa na rin siya sa mga humahabol para patayin ka!"

Hagulgol na ang ginawa ng anak ko. "Pero, Dad . . ."

"Son, you have to let go now. She is not your friend anymore. Wala na siya! Wala na ang kaibigan mo!"

"Dad . . ." Patuloy niyang paghagulgol habang inaalis pa rin ang ang kamay mula sa mahigpit kong kapit.

Pwersadong ko na siyang iniangat sa lubid na hagdan. Niyakap ko siya noong ako naman ang makasampa. Wala na siyang nagawa nang magsimula nang umalagwa ang helicopter patungo sa direksyon ng huling quarantine sa Pilipinas.

***

Wala pang ilang minuto ay nakalapag na kami sa landing area ng New Bilibid Prison. And it really pained me to see the situation of my son-- tulala at hindi makapagsalita.

"Son, naririnig mo ba ako?" Tinapik-tapik ko ang kanyang mukha pero walang responde ang nakuha ko sa kanya. He is just here, staring at nowhere while his eyes are being succumbed by the pain he have gained from losing his friend.

"You need to give him enough time to heal, Sir." My officer told me.

"Do you think he'll be okay, Briela?" I stare between her and my son.

Nag-cross ng mga braso ni Briela. With her usual boyish grin and pretty face that every young men would die for, she playfully rolled her eyes. "You know what, Sir? Lalo kang gumagwapo sa paningin ko kapag nagpapaka-matinong daddy ka."

I threw her a cold stare. "Your mouth, young lady."

That is a warning.

This is a thing with the new Police Women nowadays, masyado silang marurupok. And I hate it. I don't want anyone of my colleague to flirt with me. I already have my son, he is more than enough for me.

Briela only shrugged. "Okay, daddy-- I mean Sir." Inakbayan niya ang anak ko. "Stop giving me that cold stare, Sir. Lalo akong naaano sa 'yo."

I only gave her a meeting eyebrows.

I really can't get used to her choice of words. Lagi niyang pinapalitan ng ano ang salitang dapat niyang ginagamit. It's kind of idiotic.

Tumawa siya nang bahagya. "Excuse us, Sir. Dadalhin ko lang si Santhy sa kwarto para makapagpahinga na."

I nod at her. Sinundan ko muna sila hanggang sa marating na nila iyong kwarto na nakalaan para sa Kapulisan. Matapos ay saka ako nagtungo papunta sa gate. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko segu-segundong nasisiguro na hindi matitibag ng mga zombie sa labas ang kaisa-isa naming panlaban sa kanila-- the last quarantine.

"Sir, everything is under control." Officer Manuel told me. He is giving me a reassuring expression. "No need to worry."

Tinuro niya pa ang gate. "Sa kapal ng bakal na nakalagay diyan, paniguradong wala na silang paraan para manghimasok sa safe haven natin."

Matapos ay iyong mga alambre naman sa itaas ng matataas na pader ang kanyang pinagtuunang pansin. "Sa pader naman, bago sila makalagpas diyan ay tustado muna sila. Sa tindi ng kuryente mula diyan, paniguradong malelechon muna sila bago tayo atakihin."

I nod at him. Hindi talaga ako nagkamali sa desisyon kong i-promote siya. Mayroon talaga siyang pag-iisip na kagaya ng sa Heneral. Wais, sigurado at may kahihinatnan.

"You have to rest first, Sir. Kami na ang bahala dito." Briela butt in. She is still on her obnoxious crossed arms.

"No--"

"Two days ka nang walang tulog, Sir. Baka kung mapaano ka na riyan." Briela is looking intimidating. Nakalimutan na niya yatang superior niya ako.

"Nakuha mo na si Santhy. Ligtas na ang anak mo. Wala ka nang dapat isipin--"

"This is not just about my son." I throw her a neutral gaze. This time, she is looking intimidated by my eyes. "This is about the place I was positioned to protect. Responsibilidad ko kayong lahat na nandito. Hindi ko hahayaang may isang mapahamak sa inyo."

"Pero, Sir--"

Lumakad na ako palapit sa gate. Hindi na nila ako napigilan pa noong lagpasan ko sila. At unti-unti, narinig ko na ang nakakakilabot na pag-ungol ng mga zombies sa labas.

I am wincing as I place my palm on the cold metal of the gate. Doon ay nadama ko ang minu-minutong pagkalampag ng mga zombies sa labas.

Ngunit ilang segundo ang nakalipas, napakurap ako nang biglang nahinto ang pagkalampag mula doon. At sinundan iyon ng nakakabinging katamihikan.

Pigil hininga, kinuha ko ang radyo mula sa beywang ko. I clicked the voice button. "Look Out Number 1, ano nang nagaganap sa labas?"

Mabilis ang ginawang pag-responde ng Officer ko. "Sir . . ." His voice seems intriguing. "Sir, lahat po sila ay parang mga nawalan ng malay. Nakahandusay po silang lahat ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko.

Matapos ay napapakurap akong napatingin sa mga kasamahan ko. Bakas din ang pagkalito sa kanilang mga mukha.

"Sir, ligtas na pong lumabas. Ito na po yata ang katapusan ng krisis na ito." Happiness is etched on Look Out Number 1's tone. It's motivating me to believe that this is really the end of the painful crisis that we've experienced.

Ang Officer na nakatoka sa pintuan ay tinignan ako ng may pagkalito sa mga mata. It's, like, asking me for an approval of him opening the gate. I only nod at him. Bagama't nagtataka, may tiwala ako sa Officer ko. Alam kong magsasabi siya ng totoo.

"Everyone, position yourself!" Those words made my Officers to move in accordance of how they were trained. Lahat sila ay ipinosisyon ang kanilang mga baril patungo sa gate.

Pigil hininga ako nang magsimula nang buksan ang gate. Natatakot man, pinili ko ang magpakatatag.

"Oh my god . . ." Briela gasped as I saw the situation outside. It was peaceful. Corpses are everwhere. Lahat sila ay nakahandusay. Lahat sila ay hindi gumagalaw.

Noong mga oras na iyon, hindi ako makapaniwala. Hindi ko kayang paniwalaan ang lahat.

Tapos na ba talaga?

"All of you, check the dead bodies! Siguraduhin niyong hindi na talaga sila gumagalaw!" Manuel yelled.

Doon, ang mga officer na may mga mababang ranggo ay nagsimulang umalagwa. Lahat sila ay walang takot na sinuong ang labas. Hanggang sa isa-isa na nilang malapitan ang mga bangkay.

Ang isang officer ay pinagsisipa ang patay na lalaki. Putol ang kamay nito. Hindi ito gumalaw. Ang isa pang officer naman ay doon sa matabang bangkay nagtuon ng pansin. Buong tapang niya itong inalog-alog pero wala ni kahit katiting na galaw ang nakuha niya mula doon.

That moment, that was enough to be a sign that this is really the end.

That we survived the pandemic.

Or so, I thought?

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon