“Bakit?” tanong ko pa rito.

He just ignored my question at bumalik na sa pagbabasa. Masasapok ko 'tong nilalang na 'to.

“Kazvin, I want to know why did you kissed me” pagpilit ko.

Ngunit hindi niya na ginawang ibuka ang bibig niya.

Dumating ang araw ng biyernes at putak na naman nang putak si Ceres.

“Bagalan mo pa kaya?” sarkastikong tanong niya sa akin.

“Bakit ba excited ka?” tanong ko.

“Bilisan mo na, Jehu. H'wag mong paghintayin si Kazvin.” aniya.

“Ceres...” suway ko.

“Bilisan mo na kasi.” wika pa niya.

Bumaba kami sa sala at naabutan si Asamara na nakabusangot na naghihintay.

"Napakabagal niyo" asik niya.

"Ito kasing si Jehu ang bagal kumilos. Daig pa ang babae" sabad ni Ceres.

Tulyan kaming lumabas sa bahay nina Ceres. Si Briech lang ang nagdala ng sasakyan kaya naman heto kami ngayon at papunta na sa bahay ni Kazvin. Mabuti rin na alam ni Briech ang bahay ng lalaking 'yun, hindi kami maliligaw.

"Baba na dali!" atat na ata na bumaba si Ceres nang makapagpark si Briech sa labas nina Kazvin.

Malaki ang bahay at sobrang ingay. Sa labas palang ay makikita mo na sa bintana ang mga neon lights.

We entered the house at gulat nang makita rin ang ibang blockmates na naroroon. So, ganoon ka sikat si Kazvin? Halos mapuno ang bahay nila sa dami ng tao. May iilan pang nasa garden at pool, grabe. Buong school yata ang naririto. Baka ito na 'yung Archi week at HRM week, lol.

"Pre" bati ni Briech kay Kazvin na may hawak hawak na red cup.

"Oh, buti pumunta kayo" aniya.

Niyaya ako maglibot ni Asmara. Panay naman ang abot sa amin ng alak ng kung sinong mga nakakasalubong namin. Nang mapagod ay nagpaiwan na lang ako sa garden. May bench doon at medyo madilim. Malayo sa maiingay na tao.

Naupo ako ron at nag isip isip. Hindi talaga aki bagay sa mga ganitong party. Nahihilo ako kakaikot at dahil na rin siguro sa alak.

"Hey" and that's Kazvin.

Parang kabute naman ang nilalang na 'to, bigla bigla na lang sumusulpot.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Naglalaro ng badminton" pamimilosopo ko.

He chuckled and sat beside me.

"Ikaw, bakit ka nandito?" tanong ko nang makitang nakaupo sa siya sa tabi ko.

"Bahay ko 'to, Jehu" aniya ngunit walang bahid iyon ng kayabangan.

"Kazv----"

"You really wanna know why I kissed you?" he asked.

Oo, gusto kong malaman. Dahil kasi sa halik na 'yun ay nababaliw ang buong pagkatao ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

"O-Oo" nauutal at nahihiyang sagot ko.

Napayuko ako at pinagmasdan na lang ang sapatos ko nakatalampak sa damuhan. Kinabahan ako bigla. Hindi ko rin alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Damn, Kazvin. Sabihin mo na kasi, pasuspense ang hayop. Ayaa na lang direstong sabihin ang daming paligoy ligoy.

"It's because..."

Oh, 'di ba ang animal hindi na lang sabihin ng diretso. Nakakakaba tuloy, ayaw na lang kasi sabihin ang daming emote rin nito sa buhay.

"Tell me, Kazvin" wika ko.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko para magtagpo ang paningin namin.

"A-Ano?" utal na namang tanong ko.

"B-Bakit mo 'yun ginawa, Kazvin?" I asked.

Natawa siya nang bahagya.

"You're so soft, Jehu" aniya.

"S-Sagutin mo na lang ang tanong ko, Kazvin" wika ko nang mailang na talaga.

"I like you, Jehu"

He what?

He likes me?

Bakit?

"B-----"

Bago ko pa ituloy ang sasabihin ko ay nakaalis na siya sa pwesto niya. Damn it, talagang mababaliw ang buong sistema ko dahil sa lalaking 'yun.

FORBIDDENWhere stories live. Discover now