Pagkapasok ko sa loob ay panay congratulate sila sa movie. I just smiled to them. Ewan ko ba hindi ko mahanap ang dila ko ngayong araw.

"Hi besii!" masiglang sambit ni Seah. "Bad mood?" umiling lang ako saka umupo kaharap ang salamin.

Sinimulan na nila akong make up-an. Katabi ko si Seah, scrolling to her phone. Daldal lang siya ng daldal. Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi niya. Ilang saglit ay pinagpalit na kami ng damit.

"Congrats to the movie" sambit ni Zai. He's wearing a shirt of BY and a ripped jeans.

"Thanks" i said. 

"Will you have another project after that?" singit ni Heather.

Mahilig talaga siya sumingit ano?

"Yeah i think" sagot ko.

Matagal rin ang nagugol naming oras sa pag pho-photo shoot ngayong araw. Next week na raw kasi ilalabas ang mga magazines. Its 8pm. Kakatapos lang namin mag dinner.

"Magpa party ka naman bago ka lumipad" pagbibiro ni Jerome. "Oh kaya naman mamaya"

Panay pagkukumbinsi sila kay Zai at sa huli ay pumayag na rin siya. Naghiyawan naman ang karamihan.
May iilan pa na nagyaya sa akin na akala mo sila si Zai pero tumanggi na lang ako.

"Hindi ka pupunta besi?" tanong ulit ni Seah.

"Hindi. Ikaw?"

"Kung hindi ka pupunta, hindi rin" sagot nito.

"Hindi mo naman ako kinokonsensya diba?"

Tumawa naman siya.

"Hindi oy! Bali, pagod na rin ako ngayon. Pahinga na lang tayo" sagot nito. "Well, if magbago isip mo. Call me. I'll go. Haha"

Sumakay na ako sa kotse, pinag iisipan kung pupunta ba o hindi. Pupunta si Heather doon for sure tapos makikita ko na naman sila magharutan. Kaya hindi na lang talaga ako pupunta.

Nakatulog ako kaagad pagkahiga ko sa kama.

Naalimpungatan ako ng may narinig akong sunod sunod na katok. Tamad akong tumayo at naglakad para buksan ang pinto, hindi ko na sinilip sa peephole kung sino yun.

Naningkit ang mata ko, kinikilala kung sino yung taong nakatayo sa harapan ko. Nakita ko pang namumula ang magkabilang pisngi niya.

Anong ginagawa niya dito?

"Wh--"

Hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng yakapin niya ako. Amoy alak siya pero kahit ganon ang bango niya parin. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Itutulak ko ba siya?

"Bakit wala ka doon?" seryoso niyang tanong habang nakayakap padin. "Hindi mo man lang ba ako ma mi-miss?"

"Hindi ka pa naman aalis" pagdadahilan ko.

"Kapag ba aalis na ako ulit. Pipigilan mo na ba ako?"

Pwede ba?

Hindi ako makasagot. May kung anong kumikirot sa puso ko.

"I miss you" narinig ko ang pag crack ng boses niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na umiiyak siya at ganon din ako.

Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko sa aking pisngi. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. Hindi ko siya matingnan.

"Mahal parin kita kahit.. ang sakit sakit" umiiyak na sambit nito habang marahan na hinahampas ang dibdib.
"Hindi ko alam kung bakit ang dali mong sabihin na hindi mo na ako mahal nung nagkahiwalay tayo"

Private RelationshipWhere stories live. Discover now