"Why would you do that? Are you jealous?" He asked.

NO WAY! SAKSAK NIYA PA SA BAGA NYA SI PRINCESS, TSK!

"Anong jealous jealous sinasabi mo? Hindi 'no! Sa'yo na nga 'yan!" Singhal ko at iniwan ang pagkain ko para umakyat sa kwarto ko.

SUMBONG KO PA SIYA KAY TITA EH! DALA-DALA SIYA NG BABAE RITO TAPOS GRR!!! AKALA NIYA MAGSESELOS AKO, HINDI! NEVER! HINDI KO NAMAN SYA CRUSH AT NEVER MANGYAYARI 'YON, GRRRR!!

Ilang saglit pa ay may kumatok na sa kwarto ko.

"Uy! Joke lang naman." Ani nito habang humahalakhak at kinakatok ang pinto.

Tapos tatawanan niya ako ngayon, bahala siya riyan!

"Buksan mo na, sorry na. I was joking, Haylee. I didn't know na seseryosohin mo pala, open the door na. Open na, please." Ani nito habang humahalakhak pa rin.

Binuksan ko ang pinto at sinenyasan kong huwag siyang maingay dahil tumatawag si mama.

"Hello ma?"

'Nak, may ginagawa ka ba?'

"Po? Wala po? Bakit ma?"

'Pwede ba pumunta ka muna rito sa bahay? Aalis kasi kami nila tita Lylia mo, baka next next week pa kami umuwi.'

"Ha? Eh si kuya po? Wala po ba riyan?"

'Wala rin anak, nakahanap na siya ng bahay malapit sa trabaho niya.'

"Eh bakit kailangan ko pa po pumunta? I-lock niyo na lang po nang maayos yung bahay."

'May nakita kasi kaming batang babae habang pauwi kami kahapon, eh kawawa naman kaya kinuha ko na at inuwi rito.'

"Ha? Bakit niyo po inuwi? Dapat iniwan niyo sa police station, baka mamaya hinahanap po 'yan ng magulang niya."

'Huwag na maraming tanong nak, isama mo na rin si Yohan. Tatawagan ko na lang siya.'

"Ha? Ma naman! Kaya ko na mag-isa 'yon, bakit kailangan kasama pa siya?"

'Aba, ang layo ng school niyo ni Yohan, ayaw mo no'n may kasama kang ma-late'

"Ma naman!"

'Wag nang mareklamo. Pumunta kayo rito ha, pakiasikaso na lang si Angel.'

Wala na naman akong magawa kundi ang sumang-ayon na lang. Pwede namang ako na lang, may sarili naman akong kotse. Bakit kailangan isama ko pa 'yang tukmol na 'yan? Hindi na ako nakapagsalita pa dahil in-end na ni mama yung tawag, sigurado akong si Yohan naman ang tatawagan niya.


Pumasok na ako sa banyo para gawin ang night routine ko at para hindi ako maabutan ni Yohan ay nilock ko agad ang pinto. Nagulat na lamang ako dahil nakabukas ang shower, napaka-aksayado talaga ni Yohan poket mayaman. Isasara ko na sana ang shower at nagulat ako nang makita ko si Yohan na naliligo ro'n.

HUWAAAAAAAA!!!

HUWAAAAA JUSKOPOOOO!!!

"AAAAAAAAAAAAA!!!" parehas naming sigaw.

Agad naman akong tumakbo palabas ng cr dahil sa hindi kanais-nais na pangyayari. Tumakbo ako agad papunta sa cr sa baba. Foc, yung heartbeat ko. Waaaaaaaaa!!!! Matagal-tagal ko ring pinakalma ang sarili ko dahil hindi ko talaga inaasahan na naroon si Yohan, hindi man lang siya nag-lock ng pinto! Nang makalma ko ang sarili ko ay sinimulan ko nang gawin ang night routine ko, natapos naman ako agad kaya tumakbo ako agad papunta sa kwarto ko para hindi ko maabutan si Yohan. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay humilata na ako at tinext si mama.

Together, Forever.Where stories live. Discover now