Season 3: Episode 2

5.7K 517 333
                                    

"Saludar al rey del infierno."

Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Ang mga hakbang ko ay tila bang magaan dulot ng pagmamadali. At sinabayan iyon ng segu-segundo kong paghinga nang malalim. Hindi ko maitatangging ang mga katagang sinasambit ng mga buhay na bangkay ay nagdudulot sa akin ng matinding kilabot.

"Saludar al rey del infierno." Pagpapatuloy nila. Ang tono nila ay walang emosyon. Bagay na mas nakakatakot pakinggan.

"Nasa loob na ba ang lahat?" Habol-hininga si Manuel. Binabaling niya sa paligid ang kanyang tingin. It seems like he wants himself to answer his own question.

"Yes, Sir. Nakapasok na po ang lahat!" Responde noong isang officer na nakatalaga sa gate.

Kitang-kita ko kung papaanong tumagak ang pawis ni Manuel mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mukha. Nagmamadali siyang ibinaba ang kanyang face mask. "Isara na ang gate! 'Wag niyo hahayaang makapasok ni isa sa mga zombies!"

"Saludar al rey del infierno."

Mabilis na sumaludo sa kanya iyong mga Pulis na naka-assign sa gate. As what they were trained, mabilis ang kanilang pagkilos. Bago pa namin mapagatanto ay naisara na nila ang gate. Sinigurado rin nila iyong malaking bakal na nakakalso sa gitna nito. Sa itsura nito ngayon, mukhang maski ano pang bilang ng mga zombies sa labas ay hindi kakayaning mabuwag ito.

"What the hell is that?" Briela is still freaking out. Her elegance is nowhere to be found. It seems to me that she is looking more obnoxious whenever she is stressed.

"Sa tingin ko, Ma'am. Ngayon na po yata ang tinatawag na Katapusan ng Paghuhukom." Ang sambit ng isang Pulis na siyang laging namumuno sa tuwing kami ay may Prayer Meeting. Isa kasi siyang sakristan dati, magiging Pari na sana kaso na-inlove sa kanyang kababata. Nakabuntis. Kaya ayan, pinili na lang ang pangarap niya noong bata. Ang maging isang pulis.

"What do you mean?" Briela expressed the emotions we are all feeling-- confused and puzzled.

He stared around us. Looking nervous. "Apocalipsis 20:7-9," he heaved a sigh, "pagkatapos ng Araw ng Paghuhukom, papayagan si Satanas na subukin ang katapatan ng bawat tao."

That was the moment I gasped.

"I know what they are chanting. Minsan na rin kasi akong umattend ng mga semenaryo sa Spain." Namumutla ang kanyang mukha. "They are chanting Hail to the King of Hell." Bumagsak ang kanyang mga balikat. "Si Satanas ang hari ng Impyerno. Nandito na siya sa mundo. Nandito na siya para subukin ang katatagan natin."

Dinuro naman siya ni Briela. Halatang hindi nagustuhan ang narinig. "I can never believe you! I know my God! I know He will never do things that will harm His children!"

That Police shook his head. "God has already planned this. Ang mga mananatiling tapat sa Kanya ang makakapasa sa pagsubok—isang bagay na hindi nagawa nina Adan at Eva. Hahatulan silang karapat-dapat mabuhay magpakailanman sa isinauling Paraisong lupa. Ang mga magrerebelde naman sa Diyos ay lilipunin, pati na si Satanas at ang mga demonyo."

"Saludar al rey del infierno."

"Pero!" Briela continued her freaking out stunt. Pero wala siyang napala kung hindi ang manahimik. Marahil katulad ko, ayaw niya man paniwalaan ito ay hindi niya magawa.

Sa patuloy naming naririnig mula sa mga buhay na bangkay, mukhang wala na kaming magawa kung hindi ang paniwalaan na lang ang sinabi nitong tauhan namin. Nakakapagtaka na kasi talaga ang mga nangyayari.

This is demonic.

This is something that even Albert Einstein would not explain.

"Saludar al rey del infierno."

"Ano nang gagawin natin? Ano nang kasunod nito?" Briela mumbled after she bounced back from her eratic outburst.

"Hindi ko rin ho alam--"

Nahinto ang mga buhay na bangkay mula sa kanilang sinasabi. Kasabay iyon ng pananahimik namin. Napuno kami ng nakakabinging katahimikan. Lahat kami ay nagtitinginan sa isa't-isa. Pare-parehong naghahanap ng kasagutan kung bakit huminto ang mga kalaban sa labas.

"Oh shit . . ." I heard Manuel mumbled. I was the quickest to turn my gaze at him. Ngayon ay nakatingin siya sa langit. Bagay na ginawa ko rin.

Mula sa langit, halos matumba ako sa kilabot dahil sa nakita. Ang asul na langit ay nagbabago. Mula sa usual na kulay nito, ito ay nagbago at napalitan ng pula. Unti-unti, binalot ng dugong kulay ang kalangitan. At sinabayan iyon ng hindi mabilang na mga uwak sa kalangitan. Lahat sila nagsisiliparan mula sa itaas. Tila bang mga natataranta.

That moment, wala akong magawa. Binalot ng matinding kilabot ang sistema ko. Nanginig ang mga tuhod ko ngunit pinilit kong 'wag itong ipahalata. Sinubukan kong magmukhang matatag para sa mga nasasakupan dito sa loob.

"Ito na talaga iyon, Sir." I heard the Police from earlier to mumble. His tone is almost breathless. Fear is evident with the way his voice trembles. "Maghanda na kayong masubok ang katatagan sa Diyos mula sa oras na ito."

Napalunok ako ng laway nang tuluyan nang maging pula ang kalangitan. Hanggang sa bigla na lang magsiliparang palayo ang mga uwak mula sa itaas.

At . . .

At sinundan iyon ng mga buhay na bangkay. Hindi katulad kanina, pasigaw at pagalit ang tono nila. Bagay na labis kong ikinabahala.

"Muerte!"

"Muerte!"

"Muerte!"

Agad akong napabaling ng mga mata sa gate. Bigla itong tumunog. Nagsikalampagan ang bakal dito. Isang hudyat na heto na ang mga buhay na bangkay, sinusubukan na nilang manghimasok sa teritoryo namin.

"Muerte!"

Lahat kami ay napaatras. Pigil hininga, napapakisap-mata na lang ako habang pinagmamasdan ang gate na ngayon ay nakakapagtakang tila bang isang lata na unti-unting nayuyupi.

"Muerte!"

"We need to hide, Sir!" I heard Briela yell at the top of her lungs.

Pero huli na ang lahat. Hindi na namin magagawa pang makapagtago dahil sa biglaang natumba ang dalawang malapad na bumubuo sa gate. Nadaganan nito iyong mga Pulis na nakatalaga doon.

At halos mawalan ako ng dugo mula sa aking mukha nang makita na ang mga zombies.

They are glaring and smiling at the same time.

Gone are the days where their eyes are being covered by white cataract.

Ngayon, itim lang ang tanging makikita sa kanilang mga mata.

"Muerte!"

And the moment they run towards us, that was my cue to wake myself up. To run as fast as I can towards Santhy. To save my son to the best that I can.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon