Pag hindi mo na gets sasapakin talaga kita'
Habang nasa daan kami ay nag ce-cellphone ako at eksakto namang tumawag si Jeon kaya sinagot ko iyon.
"Hello" masayang bati ko sakanya ng makita ko ang muka niya
"Holla joga joga-- hahaha!"
"Haha!" natawa rin ako sa sinabi niya. Lakas ng topak.
"Kamusta panlalandi este buhay pala" sinamaan ko siya ng tingin at dinilaan naman niya ako. Pasimple akong napatingin kay Danielat diretso lang siyang nakatingin sa daan.
"Humihinga parin, ikaw?"
"Gwapo parin, musta panliligaw sayo ni Sir?"
"Sir?" rinig kong sabi ni Daniel kaya nilingon ko siya, bahagya siyang natawa.
Nasabi ko kay Jeon lahat lahat ng nangyari, sinabi ko rin sakanya yung dahilan kung bakit kami nag hiwalay dati ni Daniel pati narin ang panliligaw niya saakin ngayon.
"Mag kasama ba kayo?" tanong ni Jeon
"Oo at naririnig ka niya" sarkastikong sabi ko
"Ay hahaha! Hi bro!"
"Hi" sagot naman ni Daniel
"Haha sige bye na baka nakaka istorbo ako"
"'Di naman" sagot ko
"Gusto ko lang ibalita na sinagot na ako ng nililigawan ko" nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako
"Haha friendship goals ah!"
"Anong friendship goals ka diyan! Wala ka pa ngang bf e sagutin mo na kasi yang maliligaw mo!"
Ibinaling ko ang tingin kay Daniel at nakitang nakangisi siya.
Pasimple ko naman kinindatan si Jeon, senyas yun.
"Haha! Ok fine, bye na" paalam niya
"Bye" pinatay ko ang linya at nilagay sa bag ang cellphone.
"Tama si Jeon, bat 'di mo nalang din ako sagutin para friendship goals kayo?"
"Kaya nga tayo papunta sa bahay mo diba? Kasi ang sabi mo saakin pag sinagot kita ngayon pupunta tayo sa bahay mo ngayon tapos ipag luluto mo ako" mabilis kong sabi at natahimik siya
Bigla niyang itinabi ang sasakyan.
"Uy bakit?" kunot noong tanong ko at ibinaling niya ang tingin saakin habang nakangiti kaya napangiti na rin ako.
"Tayo na?" nakangiting tanong niya
Bahagya akong natawa ng may naalala "Diba dito rin tayo sa loob ng kotse mo nung naging tayo dati?"
Tumango siya at nilapit niya ang muka niya saakin "P-pwede ba?"
Niyakap ko ang leeg niya at hinalikan siya sa labi, naramdaman kong gumanti siya ng halik pero nilayo ko rin ito.
"Gutom na ako" sambit ko at tumango siya habang nakangiti.
••••••
Pag kapasok namin sa loob ay umupo ako sa sofa, siya naman ay umakyat papunta sa kwarto niya. Habang iginagala ko ang paningin ko sa paligid ay bigla kong naalala yung dating relasyon namin.
Yung kolehiyalang ako na nag mahal sa isang Lecturer. Napagtanto ko na ang tapang ko pala dati, hindi biro yung relasyon na pinasok ko noon pero wala akong pinag sisisihan doon dahil heto kami ngayon ni Daniel. Magkasama at hindi ko na hahayaang mag hihiwalay pa kami.
"Laureen"
Nag angat ako ng tingin at nag punas ng luha, hindi ko kasi namamalayang lumuluha na pala ako.
"Bakit?" nag aalalang tanong niya at tumabi saakin saka pinunasan ang natitirang luha ko.
"Masaya lang ako, kasi tayo ulit" sagot ko
Ngumiti siya "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon Laureen" niyakap niya ako at gumanti rin ako ng yakap. Kumalas siya sa pag kakayakap saakin "May ibabalik lang ako sayo"
Nakita kong nilabas niya sa bulsa niya ang kwintas. Yun yung kwintas na binigay niya saakin dati, at nakasabit doon ang isang singsing. Napansin ko rin ang isnag daliri niya na may suot na singsing. Iyon yung singsing na dapat ay engagement ring namin.
Nakaharap siya saakin habang isinusuot niya ang kwintas sa leeg ko. Pag katapos nun ay humarap siya dun ko napansin na nangingilid na ang luha niya.
"Wala ka na ulit kawala saakin" nakangiting sabi niya saka niya pinakita saakin ang singsing na nakasuot sa daliri niya.
"Wala ka na ring kawala saakin" sagot ko at mabilis kong niyakap ang leeg niya "Na-miss mo halik ko?" tanong ko habang may panunuksong tingin.
Ngumisi siya at hindi na sumagot. Hinalikan niya ako sa labi at gumanti rin ako ng halik. Namiss ko rin ang malambot niyang labi.
Ngayon ay kaya ko ng ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal. Wala ng kailangang itago.
THE END
Date ended: July 31, 2020
Yow! Sana natuwa ka sa istoryang ito at may napulot na aral, charito! Haha.
THANK YOU SO MUCH!
-ysa ❤
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
FanfictionMalayo man ang edad namin o kahit na sabihin na nating langit siya at lupa ako, o kaya naman lecturer siya at istudyante ako, Kung Puso ko ang nag sabing siya ang Mahal ko. Wala na akong magagawa doon kundi ipaglaban ang pagmamahal ko sakanya. --- C...
Epilogue
Magsimula sa umpisa