"I'm in."
Sagot ko na nagpangiti sakanya.
"Yes! Sa wakas at napilit rin kita. Wag ka ng magdala ng sasakyan. Okay? I'll pick you up before 7:30 PM. Sa labas na rin tayo mag dinner."
I nodded at her.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Diego.
To Diego: My driver will pick you up later. I'll just send you his number para ma-contact mo.
Finorward ko agad ang number ng driver namin sa kanya pagkatapos ma-send nung text ko sakanya.
Tinext ko din ang driver namin para masundo niya si Diego mamaya.
Tumunog ang cellphone ko kaya in-open ko kaagad ang message galing kay Diego.
Diego: Okay, Stalker.
Napasinghap ako sa reply niya dahil sa gulat. Hinayaan ko nalang 'yon at pinasok sa bag ko ang cellphone.
Ang yabang ah.
Kala mo naman sobrang gwapo. Pero teka, diba nagwapuhan ako nung unang kita ko saknya? Umayos ka, Iana.
Napairap nalang ako dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
"See you later, Iana. Before 7:30 ah?"
It's already 5 PM at nasa parking lot kami ngayon.
"Okay"
Sumakay na kami sa kanya-kanyang sasakyan para umuwi at mag prepare para sa lakad naming mamaya.
Pagdating ko nang bahay ay agad akong naligo at pagkatapos ay nag ayos.
After curling my hair and putting make up, naghanap na ako ng susuotin ko.
Nakita ko ang isang midnight blue mini dress na spaghetti strap at kinuha 'yon. Isang black one strap high heels na may swarovski ang napili kong heels.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang glittery black mini flap bag ko at bumaba na.
"Hi, Tita."
Pababa palang ako rinig ko na ang boses ni Lira.
"Hi, hija. San ang punta niyo?" Tanong ni mommy
Pagkalapit ko sakanila ay bumeso ako kay Lira. Napatingin si mommy sa suot ko ayt napangiti.
Gusto ni mommy na kahit minsan lang ay sumama naman ako kay Lira dahil bata pa daw ako at dapat ko raw i-enjoy ang buhay dalaga.
"Mag c-club kayo?" Tanong ni mommy saamin
Tumango lang ako at ngumiti.
"Yes, tita. Buti nga at napapayag ko itong si Iana eh"
"Oh sige na. Lumakad na kayo."
"Bye, mommy." Sabi ko at humalik sa pisngi niya
"Bye, tita." Sabi ni Lira at humalik din.
"Mag-iingat kayo ha?" Bilin ni mommy bago kami umalis.
l0:30 PM kami dumating at pag pasok namin sa restaurant ay wala masyadong tao kaya nahagip agad ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. May kasama siyang babae at nakatalikod saamin 'yon.
"Is that Diego?" Mahinang bulong ni Lira.
Umakto akong di ko siya narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nang makaupo kami ay napatingin ulit ako sa table ni Diego. Nahuli kong nakatingin siya saakin kaya iniwas ko agad ang tingin ko.
"Girlfriend niya ba yan?"
Takang tanong ni Lira kaya napatingin ako saglit sa kanila.
Nagkibit balikat nalang ako.
"Ang usap-usapan kasi sa school ay wala at ikaw daw ang girlfriend."
Napairap ako sa sinabi niya.
Hinding-hindi ako papayag na magkaroon ako ng boyfriend na katulad niya dahil ayoko sa mayabang.
"Um-order nalang tayo, Lira." Sabi ko at tumingin sa menu.
Pasta lang ang in-order ko at isang juice. Pagkatapos namin um-order ay nagpaalam ako kay Lira na pupunta ako nang CR.
Pag tayo ko ay napatingin sa'kin ang babaeng kasama niya.
Napagtanto kong pamilyar ang mukha niya sakin. Siguro ay nakita ko na siya sa mga party-ng dinadaluhan namin nila mommy at daddy.
Umiwas ako ng tingin at naglakad na patungong CR.
Pagkatapos kong umihi ay nag ayos lang ako ng konte at lalabas na sana pero may biglang pumasok kaya napatingin ako doon gamit ang salamin na nasa harap ko. Siya yung kasama ni Diego.
Ngumiti siya saakin kaya nginitian ko din siya bago umalis.
Nakakaisang hakbang palang ako galing sa CR nang marinig ko siyang magsalita.
"So, you're the rumored girlfriend."
Napatingin ako sakanya at tinaasan siya nang kilay. Sasagot na sana ako nang may biglang lumabas na lalaki galing sa CR. Si Diego yun.
Nginitian ko nang matamis ang babae at hinila ko ang braso ni diego.
"Yes. I'm his girlfriend. Right, Babe?" Sabi ko at ngumiti kay Diego bago tiningnan ang babae.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kaya hinila ko na ang braso ni Diego para makaalis. Buti naman at may pakisama itong si Diego.
Bago pa kami makita ni Lira ay binitiwan ko na siya.
"Salamat. Nairita lang ako dun sa kasama mo eh"
Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako pero nakakadalawang hakbang palang ako ay may humila ng braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya saakin pero ramdam ko ang pag-iingat niyang masaktan ako.
"Panindigan mo ang ginawa mo kanina. From now on, you'll be my girlfriend."
Pagkasabi niya nun ay dinampian niya ako ng halik sa labi at iniwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko.
"Anong ibig sabihin nun, Iana?"
Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Lira sa tabi ko.
Inikot ko ang paningin ko sa buong restaurant para hanapin si Diego.
Nakita kong papalabas na siya nang restaurant kaya hinabol ko siya. Ang lalaki nang hakbang niya kaya nasa parking lot na siya paglabas ko nang restaurant.
Kahit hirap akong mag lakad dahil sa heels ko ay pinilit kong bilisan ang paglalakad ko para maabutan ko siya.
Nang maabutan ko siya ay hinila ko ang braso niya at pinaharap siya sakin. Sinampal ko siya at tiningnan ng masama.
"Anong karapatan mong halikan ako?!" Sigaw ko sakanya.
He smirked before he looked at me.
"Cause you're my girlfriend and that's normal."
Sasagot na sana ako sa sinabi niya nang hawakan niya ang labi ko gamit ang hinlalaking daliri niya para di ako makapag salita.
"Let me remind you na ikaw ang unang humila saakin at pinakilala mo ang sarili mo sa anak ng client ko bilang girlfriend ko."
"At sineryoso mo naman?" I asked him sarcastically.
"Oo. Dahil wala akong panahon para makipagbiruan, Babe."
Napasinghap ako sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay.
"You look so sexy everytime you do that, Babe."
Sinabi niya yun habang nakangiti at pagkatapos ay tumalikod na.
Napakayabang talaga. Anong akala niya kikiligin ako sa mga pinagsasasabi niya?! That will never happen.
BINABASA MO ANG
Unforeseen Love (Revello Series 1)
RomanceWill love can lead them back? Christiana & Diego's Story Revello Series 1
Chapter 2
Magsimula sa umpisa